Chapter 4

107 2 0
                                    

Yuri's POV

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko, merong ata akong hang over. Habang hinihimas ko ung ulo ko nakita ko si hyo na binati ako.

"Good morning girls, dyan pala kayo natulog sa sofa. Bakit hindi kayo nag punta sa kwarto"- habang papunta si hyo sa kitchen

"Ah sakit ng ulo ko "- pag rereklamo ko

"Hayyyyyy"- habang nag hihikab si tiff

"Girl napansin nyo ba si Jess atsaka si Jam?"- pag tatakang tanong ko

"Diba kagabi lang sila nag kakilala hyoyeon"- dagdag ko pa

"Oo bakit"- pasigaw na sabi ni hyo mula sa kitchen

"Close na agad sila no?"- pag tatanong ko ulit

"Bakit naman nag taka kapa eh kahit sino naman close ni jamyeon"- pagtatanong ni sooyoung.

"Wala lang naman napansin ko lang kasi"- saad ko

Nag tataka kasi ako dahil nung nag kakilala sila hindi na sila nag hiwalay kahit matapos nung party sabay din silang umalis.

Sabagay madali lang naman kasing makasundo si Jamyeon.

Tumayo ako papunta sa kitchen para sana kausapin si hyoyeon.

"Hyo diba ang gusto ni Jam si sunny?"- pag tatanong ko

"Oo bakit"- habang nag hihilamos si hyo

"Nasabi na ba ni jam kay sunny?"- tanong ko ulit

Napatingin naman saakin si hyo na may sabon pa ang muka

"Ewan ko ba nahihiya parin si jamyeon e"- saad ni hyo

"Ano ba hyoyeon taposin mo nga muna yan."- habang nag aact na hilamusin muna nya ang muka nya

"Posible kayang si jessica na ng gusto nya?"- dagdag kopa.

"Yuri ano bang pinag iisip mo," lumingon lingon muna si hyo at nag salita ulit "seryoso kaya si jamyeon kay sunny"- mahinang saad nya

Alam ko nga din seryoso si jamyeon kay sunny pero bakit kahapon hanggang ngayon iba talaga ang kutob ko.

Hyo's POV

Mga pinag iisip ni yuri kakaiba. Pero wala naman akong magagawa kung mag iba na ang gusto ni jamyeon basta ako susuportahan ko nalang sya dahil kaibigan ko sya.

Habang nanonood ng tv ung mga co members ko ito naman ako nakatulala parin dahil sa sinabi ni yuri.

Si sunny naman kasi manhid ba sya ilang beses na nag paparamdam si jamyeon sa kanya pero bakit hindi nya parin maramdaman? Ilang beses narin naman naming binibiro si jam pero bakit hindi parin nahahalata ni sunny, t*nga ba sya o sadyang manhid lang.


Simula nung naging kaibigan ko si jamyeon karamihan ng topic ng usapan namin ay si sunny. Pero wala lang ata kay sunny si jamyeon dahil nakukuha nya pang balewalain si jamyeon.

Sunny's POV

Ilang buwan ko nang nakakasama si jamyeon at nahahalata ko na din naman simula palang, na gusto na nya ako pero hindi ko lang alam yung gagawin ko, natataranta ako dahil first time lang sa buhay ko na may gusto saaking babae kaya sa tuwing inaasar nila si jamyeon tungkol sa pag amin tumatahimik nalang ako dahil ang totoo nyan nahihiya talaga ako. Nag mamaang maangan nalang ako minsan nagbibingi bingihan nalang kasi alam ko kahit anong oras mamumula ung muka ko, at mahahalata ako. Hindi ko naman sinasabing hindi ko sya gusto pero kasi iniingatan ko ung image ko. I was caring about other people's mind.

Atsaka ano nalang ang sasabihin saakin ni tito na pinatulan ko si jamyeon? Alam naman kasi ng lahat na si tito ang dahilan kung bakit naging k-idol si jam at sya din ang manager nito.




Jam's POV

Nakaraan nanaman ang pagkakataon ko para masabi kay sunny unnie ung nararamdaman ko para sa kanya. Seryoso ako, seryoso talaga ako kay sunny unnie. Simula kasi nung makilala ko sya walang araw na nag daan ang hindi sya ang nasa isip ko. Kahit gaano pa kalaki ang tanda nya saakin wala akong pakialam sabi nga nila "age doesn't matter" pero ang totoo nyan mas madalas akong magkagusto sa ahead saakin kasi sabi nila matture na daw ang isip ko pag dating sa ganun. Nalaki na ba ang ulo ko kakapuri saakin hahahah. Natatawa lang ako.


Simula din nung birthday ni hyoyeon unnie nakilala ko si Jessica unnie, nalaman ko din na kapatid sya ni krystal ng f(x). Madaling napalagay ang loob ko sa kanya andami din naming napagkwentuhan ung mga kalokohan ng snsd dati nung minsang naging member sya nito. Bakit pa nga ba kasi sya nawala sa group. Hindi ko rin naman sya masisisi kung iyong ang gusto nya.



Naikwento nya saakin na noon palang daw ay dream na niya na maging isang fashion designer pero dahil ayaw ng management ng SM na mag karoon sya ng companya so ayun umalis sya para matupad ang dream nya. Kaya ngayon isa na syang talent former ng Coridel Entertainment, bali balita din daw na sila nung CEO sa company na iyon pero nasabi nya saakin na mag kaibigan lang sila at sya pa daw ang tumulong kay Jessica unnie na makapasok sa company na iyon.


Maging ang mother ni unnie ay mahilig sa fashion kaya yun siguro ang namana nya sa mother nya.

Nakalipas ang isang linggo simula nung nagkikita na kami ni Jessica unnie pero hindi un matatawag na date kasi kaya lang naman kami nag kikita para tulungan nya ako kay sunny unnie. Masasabi kong mabait si Jessica unnie sa mga kaibigan nya kahit sakin ay mabait sya at totoo. Kung hindi lang si sunny unnie ung gusto ko, siguradong mahal kona si Jessica unnie.



Lumipas ng lumipas ang mga araw napag desisyunan ko nang sabihin kay sunny na gusto ko sya, dahil kung hindi ko sasabihin sa kanya at kung kaylan handa na ako ay huli na pala ang lahat.




Tinawagan ko si sunny unnie para sana mag kita kami sa isang resturant sa seoul at pumayang naman sya.





Sunny's POV

~ring ring ring~

Nasa kwarto lang ako ng mag ring ung phone ko at agad ko naman itong sinagot ng makita ko ang pangalan ni jamyeon.

"Anniyong jamyeon bakit napatawag ka?"- pag papacute kong sabi

"Ah unnie pede ba tayong mag kita"- saad naman nya

"Osige kaylan? Ngayon na ba?"- tanong ko ulit

"Oo sana unnie, may mahalaga lang akong sasabihin"- saad naman nya

Pagkatapos namin mag usap agad ko namang binaba ung phone ko at nag bihis na para makapunta na sa lugar na usapan namin ni Jamyeon.


Ano kaya ung mahalaga niyang sasabihin? Nacu-curious tuloy ako.





Jess POV

Habang nag papahinga ako loob ng dance studio dahil kakatapos ko lang mag practice para sa dadating na comeback na music video ko, ay bigla naman tumawag saakin si jamyeon.


Sabi nya sakin ngayon na daw niya sasabihin kay sunny yung nararamdaman nya, makikipag kita sya ngayon at pumayag naman si sunny. Masaya ako para sa kanya pero bakit ganito ung nararamdaman ko? Nalulungkot ba ako? Pero hindi! Alam kong masaya ako dahil sa tinagal tagal na plano nya na mag confess ay ngayon magagawa na nya.




Nag aalala ba ako? Na baka pag umamin sya kay sunny at ganun din ung nararamdaman ni sunny para sa kanya ay mag bago na ung pakikitungo ni jamyeon sakin. Baka hindi na madalas kaming mag kita, baka ang lahat ng attention nya ay nakay sunny na mag mula ngayon.



Hindi ako makapag concentrate sa practice dahil pinapangunahan kona ang mangyayari. Bakit ko ba na iisip ang mga bagay na ganun. Ano ba tong nararamdaman ko.

Nababaliw na ata ako hayyysstt babalik na nga ako sa pag papractice.

[A/N: ano na kaya ang mangyayari sa planong pag coconfess ni jamyeon kay sunny, at ano naman kaya ang nararamdaman ni jessica sa balita ni jamyeon. Subay-bayan lang.]

The only one for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon