Chapter 8

85 2 0
                                    

Jess POV

~Ding dong...ding dong... ding dong...~

Nanonood lang ako ng tv, kakagaling ko lang kasi sa set para sa darating na music video ko ng may nag doorbell at agad naman akong pumunta para silipin kung sino yung tao.



Ng makita ko si jamyeon na nag iintay sa labas ay agad ko naman binuksan yung pinto.




"Kanina kapa dyan? Di mo naman sinabi na dadating ka"- pagbati ko ka kanya at umiiling lang sya


Pero hindi sya nagsalita at niyakap nya lang ako yung dalawang braso nya ay nasa balikat ko.



"Bakit may problema ba, ha jamyeon?"- paninigurado ko


Dahil ang tahimik nya, hindi ako sanay ng ganyan sya gusto ko lagi lang siyang nakangiti.


"Unnie namiss lang kita"- she whispered while leaning on my shoulder




Inalis nya yung pagkakayakap nya tapos niyakap nya ako mula sa likod at naglakad kami hangang sa living room na ganun ang sitwasyon.



Umupo ako sa sofa at tumabi naman sya sakin habang nakayakap parin mula sa tagiliran. At nakapatong yung ulo nya sa balikat ko.



Ano bang problema jamyeon bakit ka ba nagkakaganyan?



"Unnie may itatanong ako,"- marahan nya sabi



"Ano yun? Kung mahal ba kita? Oo naman "- pabiro kong sabi dahil masyado syang seryoso




"Alam ko naman ung jessica unnie, sica unnie pano kung nalaman mong mahal pala ako ni sunny unnie magagalit kaba"- marahan niyang tanong


Bakit mahal kaba nya? Napatingin nalang ako sa ulo nya habang nakapatong parin yung ulo nya sa balikat ko.



"Hindi bakit naman?"- yun nalang ang nasabi ko



"Eh pano kung nung una palang nalaman kong mahal na niya ako magagalit ka?"- sunod na tanong nya


Ano nga ba? Magagalit nga ba ako? Pero siguro kung nalaman nya ng mas maaaga siguradong walang kami.



Inalis ko yung braso nya sa tiyan ko na nakayakap sakin at umayos ako ng tayo sabay nag cross arm.




"Bakit mahal mo parin ba sya?"- cold kong tanong




Agad naman nya ulit akong niyakap, at nag salita.



"Hindi ko alam unnie, pero ang tanging alam ko lang na katotohanan ay ikaw yung mahal ko."- saad nya




Alam mo jamyeon ngayon natatakot na ako, kasi baka marealize mo na mahal mo parin si sunny. Pano kung iwan mo ako? Paano na ako? Ganun nalang ba yun? Hindi na ako nag salita pa dahil wala na akong masabi baka pag nagtagal lang yung usapan na to ay ako lang ang tangin masaktan.




"Pero unnie wag mong isipin na hindi na kita mahal, ang totoo nya mahal na mahal kita higit pa sa iniisip mo. Ayokong nasasaktan kita dahil lang sa walang kwenta kong pag iisip. "- saad nya




Jamyeon mahal din kita higit pa sa iniisip mo, kaya nga ako natatakot na baka iwan mo ako. Baka iwan mo lang ako mag isa.




"Unnie kanina kasi nagkita kami ni sunny, sinabi nya na mahal na daw nya ako noon pa mang una pero hindi nya nagawang sabihin sakin dahil duwag sya pinanghinaan daw sya ng loob"- saad nya habang nakayakap at nakatingin sakin




The only one for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon