Chapter 6

109 7 0
                                    

Jess POV

Habang nag papahinga ako sa bahay naalala ko ung nangyari nung isang linggo. Hindi ko naman inaasahang magiging ganun kabilis ang pangyayari tungkol saming dalawa ni jamyeon. Ang totoo nyan gusto ko na talaga si jamyeon.




Pero kaylan ba nag simula? Ewan ko! Hindi ko alam kung kaylan nagsimula ung pagkagusto ko sa kanya. Basta ang alam ko lang hindi ko kayang hindi ko sya nakikita sa maghapon kapag wala sya sa paningin ko gusto kong marinig ang boses nya. Ewan ko ba gusto gusto kong nakikitang nakangiti sya dahil nakakahawa ung smile nya.






Nababaliw na ata ako e, oo baliw na ako, baliw sa kanya. Ano bang gamot ang meron sya?







-flashback-



Lalabas kami ni jamyeon, para saan nga ba ito? Ah para nga pala maka move-on na sya kay sunny. Kasi simula nung binusted sya ni sunny naging malulungkutin na sya, hindi ko na nakikita yung magaganda nyang ngiti, ung nakakahawang ngiti nya kapag sobrang saya.



I wonder kung bakit hindi nya binigyan ng chance si jamyeon, at ipakita kung gaano siya kamahal nito.




Sa totoo nyan ngayon lang ako nakakita ng ganitong pagmamahal. Oo mas bata sya kay sunny pero makikita sa kanya kung gaano sya kaseryoso. Oo sa tingin ng ibang tao mali ang pagmamahal nya pero nakakahanga sya dahil nagiging totoo sya sa sarili nya.



Maaring kahit sino pwedeng ma-fall sa kanya, huh? Ano bang iniisip ko pero aaminin ko kahit sinong tao na makakakilala sa kanya maaring magkagusto sa kanya.



Pagkatapos naming kumain ni jamyeon sa resto, naglakad lakad lang kami. Hanggang makarating kami sa park kung saan ko sya pinuntahan nung mga panahong kaylangan nya ako.





Napatingin naman kaming dalawa sa isang fountain na nanggagaling sa sahig ung tubig.




Napatanong ako sa sarili ko kung paano ko ba mapapasaya si jamyeon ngayon? Gusto ko kasing malimutan nya muna ung sakit na dinulot ni sunny.




Agad akong tumakbo papunta sa fountain kahit alam kong mababasa ako dahil sa tubig pero wala akong pakialam basta lang mapasaya ko siya.





Upang makita ko ulit sa labi niya ung ngiting nakakahawa. Takbo dito, takbo doon, wala akong pakialam kung mag muka na akong t*nga sa kakatakbo.




Lumingon ako kung nasaan nakatayo si jamyeon at tinignan ko lang sya. Hindi naman ako nabigo dahil nakita kong muli ung ngiting matagal tagal ko na ring hindi nakikitang ginagawa nya.




Nawala yung pakiramdam ko na hiya, takot, at pangamba nung nakita ko syang ngumiti. Dahil sa simple ngiti ay, No! Hindi lang pala iyon simpleng ngiti. Napaka halaga non dahil mula iyon sa taong mahal ko. Mahal ko na ba sya? Masyado bang mabilis? Pero totoo, mahal ko nga ang taong kasama ko ngayon.





Itinaas ko yung dalawang kamay ko para sana ifeel yung tubig na humahampas sa muka at katawan ko, ng napatingin ako kay jamyeon. Ng hindi ko namalayang natawag ko pala ang pangalan nya.




"Jamyeon"- pagsigaw ko



Ommo anong ginagawa nya? Tumakbo sya papunta sakin at agad nya akong niyakap ng mahigpit.




Ang akala ba nya kaya ko itinaas ung dalawang kamay ko ay para tawagin sya at yakapin nya ako? Pero ayos lang, ayos lang talaga. Nadama ko at narinig ko yung tibok ng puso niya.


The only one for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon