Jam's POV
Dalawang buwan, dalawang buwan pero trending parin yung mga photo namin ni jessica sa social media. Kahit na may takip yung muka ko halata parin na ako yun, madami paring nakakakilala sakin.
Kapag nag oopen ako ng account ko andaming nagbabash may comment pa nga na
"Hoy kung sino kamang babae ka, dapat mo bang sirain yung career ni Jessica"
"Bakit nakuha nyang gawin yan"
"Fighting Jessica unnie pagsubok lang yan"
Natatawa nalang ako sa mga comment nila. Meron pang lumalabas na mga memes, picture ni yuri unnie na umiiyak dahil sa kabila yung picture namin ni jessica unnie na magkahalikan. May mga comment din yun picture na yun.
"Yuri unnie fighting"
"Paano na ang YulSic?
"Sino ba naman kasi yang babae na yang sumira sa YulSic?"
"YulSic shippers fighting"
Iilan lang yan sa mga nabasa ko, andami nilang drama e wala naman silang alam sa totoong nangyayari. Ang unfair naman yung oncam na couple lang yun sinusuportahan nila.
Pano naman yung mga real couple kahit offcam? Wala kaming shippers ni jessica, against sila samin e. Hindi rin naman kami masyadong lumalabas ni Jess sa oncam kaya walang shippers ang JamSica.
May nakita naman akong nag post, dahil natawa ako sa comment nyang
"Alam kong si jamyeon yan e, bakit ba kaylangan mong sirain yung image ni Jessica Jung?"
Nilike ko nalang para masaya tapos pinost nya yung screencapture ng like ko tapos ngayon ang saya saya nya dahil nilike ko yung post nya. Hay nako hindi ko talaga sila maintindihan binabash nila ako I mean kami pala, tapos kapag nilike naman, ayun sobrang saya. Ung totoo te? Basher ka ba talaga o JamSica shipper?
Ngayon nasa palawan ako sa Philippines nagbabakasyon para makaiwas narin sa mga matatalas na mata.
Kahit na nandito ako may nakakakilala padin sakin.
Ung iba may nagbubulong bulungan kapag nakikita ako yung iba naman nagpapapicture sakin.
Umuwi lang naman ako dito para makapag isip isip, atsaka ayoko masyadong istress yung sarili ko dahil ako lang mahihirapan.
Meron pa akong four months para magstay dito sa Philippine pero mukang hindi ko na matatapos yun. Dahil tumawag si manager Lee meron daw ako upcoming na movie. Kaibigan daw kasi nya yung derector nun. Nakiusap sa kanya na ako yung kukunin kaya ngayon si mr. Lee na ang nakikiusap sakin na next month bumalik na ako sa korea dahil magsisimula na yung shooting.
Ayoko sana kaso hindi na sya nakatangi dun sa kaibigan nya. Well kung tatanongin nyo ako si manager Lee lang ang may contact ako dahil ayoko munang magpaistorbo sa iba kong kaibigan dahil alam kong kukulitin lang nila ako at saka baka malaman pa ni jessica unnie. Ayoko pa muna syang makita.
Nagleave nga ako for six months pero mukang magiging three months lang ang leave ko. Pero ok lang atleast sa darating na buwan hindi muna ako mag cocome back.
Dapat kasi may bagong irerelease akong music video nung two months ago, pero dahil nga dapat e magreresign na ako hindi na naituloy mairelease. Konting ayos nalang at konting shoot nalang naman ok na yung MV kahit papaano magagawan na nila ng paraan yun.
Kaso kung maayos man nila yun at mailabas wala paring sense kasi wala come back na mangyayari.
Now I find myself here on my knees again, nothing compare to this love I fell inside because of her. Shes the only reason that my heart beat faster.
Patuloy ko parin syang iniisip kung ano na ang ginagawa nya sa mga oras na to.
Napanood ko narin yung video na nagsalita si Tyler Kwon about dun sa photo na lumalabas sa social media. Sabi nya yung mga competitors lang ni jessica ang nag labas nun at walang kasiguraduhan, dahil maaaring naiingit lang sila sa kasikatan ng company ni jessica.
Naisip ko tuloy na baka mahalin narin ni jessica si tyler alam ko naman kasing may gusto si tyler kay jess pero hindi lang alam ni jessica, masyado kasing manhid si jess.
Pano ko ba nasabing gusto ni tyler si jessica? Siguro sa mga tingin nya sa mga ngiti nya, kapag binibisita ko si jess sa set nya nakikita ko dun si tyler at todo ang ngiti kapag nakatingin kay jessica. Mabait naman si tyler kaya hindi na talaga ako magtataka kung bibigayan sya ng halaga ni jessica.
Jess POV
Nalaman kong nasa Philippines si jamyeon kaya agad akong nag punta. Hanggang ngayon wala parin akong contact sa kanya maybe nagpalit na sya ng number. Hindi rin naman sya makontak nila hyoyeon kahit sinong kaibigan nya hindi rin sya makontak maging yung pinsan nya. Pero dahil sa tulong nito may binigay sya saking address na pedeng kong puntahan sa Pilipinas.
Ng makarating ako dun, tinutoo ko talaga yung kagustuhan kong makita sya kahit hindi harapan basta makita ko lang sya.
Ng magpunta ako sa address na sinabi ng pinsan sya naabutan ko lang yung ibang kamag-anak nya pero sya wala. Sabi nila nag bakasyon sa malayo.
Sinubukang kong tanungin kung saan at ang sabi pa nila sa palawan daw, at sya lang mag isa ang nag punta dun.
Agad naman akong nag punta sa sinasabi nilang palawan. Ng makita ko ang ganda pala ng lugar na yun. Hindi na ako magtataka kung bakit tourist attraction talaga yung dito sa Pilipinas.
Napangsin ko namang may naka upo sa tabi ng dagat while leaning on her own knees, at malayo ang tingin nya. Sigurado naman ako na si jamyeon yun, hindi ako nagdadalawang isip na sya iyon.
Kilalang kilala ko sya kahit na nakatalikod pa. Gusto kong lumapit, gustong gusto ko talaga kaso ano pang mukang ihaharap ko sakanya knowing na ako yung dahilan kung bakit sya nasasaktan. At ako pa mismo yung gumawa nun para tuluyan syang masaktan.
Inangat ko yung braso ko at itinapat sa kanya pero nakaikom ito ibinukas at dahan dahan ko ding isinara mula sa hinliliit hanggang hinlalaki.
"Wala na"- pabulong ko sa sarili ko habang ginagawa iyon
"Sapat na sakin to, sapat na nakita kita kahit sa malayo lang. Mahal kita mahal na mahal sorry kung kaylangan mo pang masaktan bago maging ayos ang lahat. Promise kapag ayos na haharap na talaga ako sayo ng tuluyan, luluhod at hihingi ng tawad sa harapan mo pangako yan"- saad ko habang kausap ko ang sarili ko habang nakatingin sa kanya.
"Naalala mo yung sinabi mo na ako yung 'shinging star, super star, shining star' ng buhay mo? Sorry ha kung pansamantala munang magdidilim ang buhay mo ng wala ako. Pero sinasabi ko sayo kapag naging ok na ang lahat magliliwanag ulit ako sa buhay mo"- mahaba habang dagdag ko
Pagkasabi nun agad narin akong umalis hindi na ako nagpabukas dahil may naaantay sakin na bagong project, it is upcoming movie for me.
Nakita ko narin naman si jamyeon kahit sa malayo, kahit papaano sumigla naman yung puso ko dahil kahit ito muna yung huling pagkakataon na nakita ko sya. Dahil hindi pa ako sigurado kung makikita kong muli sya. Pero umaasa ako na pagtatagpuin muli kami ng tadhana.
BINABASA MO ANG
The only one for Me
Teen FictionNaisip mo bang maging isang k-idol tapos hindi mo inaasahan na mag kakaroon ka ng girl crush. At magiging best friend mo ang dati nyang ka co-member at hindi mo namamalayan na sa kanya ka na pala na fo-fall at hindi mo lubos maisip kong gaano mo sya...