Jam's POV
Kakadating ko lang sa korea pero yun agad yung bumungad sakin. Napag alaman kong si jessica yung magiging partner ko this upcoming movie.
Pero bakit sya pa, bakit yung taong iniiwasan ko, bakit yung taong nagtaboy sakin.
Kagabi nung kasama ako ni mr. Lee sa isang resto para mameet yung ibang cast, pag pasok ko nakita ko si jessica at tyler na magkahawak kamay.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng kirot, kirot sa puso. Hindi malabo ang mata ko kaya totoo yung nakita ko. Siguro naka move on na sya sakin kaya ok na sila ni tyler. Diba sabi ko naman hindi na ako magtataka kung magiging malapit sila sa isat isa.
Ang daming tumatakbo sa isip ko kagabi habang kaharap ko silang dalawa. Kitang kita ko yung saya sa muka ni jessica, tuluyan na ba niya talaga akong binura sa puso nya at sinulat na nya ang pangalang tyler.
Siguro ang take-advantage si tyler ng mga panahon yun? Andami kong naisip. Lagi kasing hawak ni tyler yung kamay ni jess kahit na nung umalis sila.
Fastforward
Lumipas ang ilang buwan na pag shooting na kasama si jessica. Pero ilang parin kami sa isat isa. Kahit na kaylangan naming maging sweet oncam pero kapag offcam para lang kaming stanger na hindi kilala ang bawat isa, na parang walang pinagdaanan.
Break namin sa shooting nagbasa lang ako ng script. Nagulat naman ako ng nabasa ko yung flow ng story dahil nakalagay dito na kaylangan namin magkiss.
-nag aayos si eunbi ng kama ng biglang magsasalita si sora mula sa likod nito.
"Eunbi"- sora
Mapapatingin si eunbi sa likod nya at magugulat dahil magkalapit yung muka nilang dalawa. Tapos maa-out of balance ito pero susubukang saluhin ni sora. Aalalayan sana ni sora yung likod ni eunbi na parang sasaluhin pero hindi kinaya ni sora kaya pabaksak si eunbi sa kama at nadamay si sora at dahilan para ma untog sila sa kani-kanilang noo.
Habang hinihimas ni eunbi yung parte ng ulo nya na nauntog ay nakapatong naman si sora na pinipigilan ang pag iyak.
"Sora anong nangyari"- habang nakatingin si eunbi sa ulo nito
Pero si sora ay nakasubsob lang sa pagitan ng leeg at balikat ni eunbi.
Dahan dahan iniangat ni sora ang katawan nya para sana hindi na sya nakapatong kay eunbi.
"Sorry eunbi, sorry talaga. Dahil sakin nahihirapan ka"- habang umiiyak na sabi ni sora
Nakatingin lang si eunbi sa mga mata ni sora habang nakahiga parin ng may biglang pumatak na luha sa pisngi nya galing sa lumuluhang mata ni sora.
Dahan dahan naman nya itong pinahid at ngumiti.
Patuloy nyang pinaasdan si sora habang nakapatong parin sya sa kanya.
At dahan dahan nyang iaangat ang ulo para ilapit ang muka para mahalikan si sora.-
"Gosh ano? bakit ganito ung scene?"- naisara ko ng malakas yung book ko dahil sa nabasa ko.
Ilang beses naming tinake yung scene nayun dahil sa sobrang ilang namin hindi namin magawa ng maayos.
Nagtataka naman ako sa sarili ko, dahil expert ako sa bagay na yun nung kami pa ni jessica pero bakit ngayon naiilang na ako? Na para bang hindi ko pa sya nahahalikan sa talang buhay ko.
BINABASA MO ANG
The only one for Me
Teen FictionNaisip mo bang maging isang k-idol tapos hindi mo inaasahan na mag kakaroon ka ng girl crush. At magiging best friend mo ang dati nyang ka co-member at hindi mo namamalayan na sa kanya ka na pala na fo-fall at hindi mo lubos maisip kong gaano mo sya...