Chapter 13

61 2 0
                                    

Krystal's POV


Nakaraan na ang dalawang linggo pero trending parin yung mga photos nila unnie at jamyeon.





Dalawang linggo ko naring hindi nakikita si jamyeon dito sa SMent. Mukang hindi sya napapagawi dito, pero dapat madalas sya dito kasi may bago syang ginagawang music video.




Bali-balita na nga dito sa loob ng SMent na nagresign na daw si jamyeon kaya hindi na nakakapunta dito. Nakita daw kasi syang mayhawak na papel papunta sa office ni mr. CEO.





Balita ko din nakipag hiwalay na si unnie pero bakit? Anong dahilan nya? Alam ko kasing mahal na mahal niya si jamyeon pero bakit nya nagawa ito? Nakuha nyang makipaghiwalay.




Nasabi sakin ni amber unnie na dahil daw sa company ni unnie kaya sya nakipaghiwalay kay jamyeon dahil yun daw ang sabi sa kanya ni jam. Pero ayaw kong maniwala alam ko kasi kung gaano nya kamahal si jamyeon.




Nagtungo ako sa condo nya, pumasok nalang ako bigla dahil alam ko naman ung password nya. Nakita ko syang nakaupo sa sahig habang patuloy na umiiyak. Nilapitan ko sya at umupo sa sofa at nakaharap sa kanya.





"Unnie ano nanaman ba to? Ano nanamang dahilan mo"- pasigaw kong sabi dahil hindi ko maintindihan yung dahilan nya this time. Alam ko nawawalan na ako ng respect sa ate ko pero kaylangan para matauhan sya.




Dahil sa dalawang linggo na wala si jamyeon palagi nalang syang tulala hindi kumakain ng tama. Lagi nalang syang mag isa.




Bakit mo pa kasi hiniwalayan kung magkakaganyan ka lang.




Jess POV

Dalawang linggo wala si jamyeon, kaya ko ba? Hindi ko na sya nakikita. Umiiyak lang ako sa bahay dahil sa lungkot, dahil sa pighati, dahil sa pangungulila. Kasalanan ko naman e so dapat hindi ko na inexpect na ako din ang masasaktan.





Bigla naman pumasok si krystal sa loob ng bahay. Hindi na ako nagtaka alam naman kasi nya ang password ko sa bahay.






"Unnie ano nanaman ba to? Ano nanamang dahilan mo"- pasigaw nya sabi



Alam ko galit din sya sakin kaya hindi ko sya masisisi kung ganyan ang inasta nya sa harapan ko. Napatingin naman ako sa kanya at imbis na magalit dahil nawalan sya ng galang sakin pero nagpakababa ako.





"Krystal I'm sorry"- sabi ko habang patuloy lang tulo ng luha ko





Niyakap naman ako ni krystal dahil sa ginawa nya hindi ko na pinigilan ang sarili ko at humagulgol na ako sa sobrang iyak.




"Shhh. No need to sorry"- pang aamo nya sakin





"Dapat hindi ko ginawa un e. Dapat hindi ko sya ulit sinaktan, dapat hindi ko sya hiniwalayan dahil sa mga rumors"- saad ko habang patuloy ang pag iyak




"Wala naman may gusto ng nangyari"- sagot nya




"Ang sakit pala magsinungaling sa kanya, kahit alam kong masasaktan sya sa maling kasinungalingan ko ay kaylangan kong gawin para lang maniwala sya at para hindi na sya madamay pa"- saad ko





"Anong ibig mong sabihin unnie? Bakit ka ba nakipag hiwalay sa kanya?"- takang tanong nya






"Krystal hindi naman mahalaga sakin ang Blanc&Eclare over sa kanya. Pero kaylangan kong magsinungalin na mas pipilin ko yung company ko kaysa sa kanya. Alam mo ba kung gaano kasakit un? Yung maspiliin na saktan sya kaysa madamay pa. Alam ko yung mga picture na lumalabas sa social media ay kagagawan ng gustong sumira sa company ko. Pero wala akong pakialam basta lang maging okay lang si jamyeon at hindi na madamay pa sa issue na ito."- mahabang saas ko





The only one for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon