Ch. 08 ~ Rendezvous (Part One)

4.5K 114 3
                                    

CH. 08 ~ RENDEZVOUS (PART I)

Maya's Point Of View

     Nakarinig ako ng malakas na katok sa pinto. Actually hindi nga siya mukhang katok eh. Parang may balaka ata 'tong nambubulabog na 'to na gibain yung pinto ko.

     "Mamaya na tita. . ." Wala ko sa sarili nang sinabi ko 'yon. Eh pa'no, ang hilig niya kaya mang istorbo ng tulog. Panira ng dreams, urgh!

     Tsaka isa pa, antok pa ko. Pabebe ako kaya walang makakapigil sa akin. Sleep is everything. Lalo na pag sobrang dami mong ginagawa, sobrang maginhawa matulog.

     Ngayon nga lang yata ako inantok ng ganito. Deserve ko naman ng good night sleep eh. Bakit simpleng hiling lang di mabigay sakin nitong taong 'to?

     Naman pala, gisingin ba naman kasi ako ng midnight? Sino ba namang hindi maiinis diba? Hindi naman ako aso para gisingin kahit kailan gusto.

      Kumatok ulit si tita ng napakalakas. Sa sobrang lakas, feeling ko yata may bakat na ng kamao yung pintuan ko. Wow, kailan pa siya nag work out at ganiyan na lang siya kalakas. Grabe, bubugbugin niya ba ko?

     "Anong tita pinags'sabi mo? Pinapaupa mo ba yung bahay ko sa mga kamag-anak mo?" Sigaw nung tao sa pinto. Ay joke, hindi pala si tita.

     Haggard akong tumayo mula sa higaan ko at parang zombie na naglakad para buksan yung pinto. Bwisit naman 'tong lalaking 'to, pinapahirapan talaga ako eh. Siguro pag kinarma to madadapa yan at papanget, mga one hundred times.

     "Oh? Ano kailangan mo? Bakit ka ba kasi nangigising nang hating gabi ha? Naka-drugs ka ba?" Argh, nakakaasar siya!

     "I-inform lang kita that dad will arrive later and we'll have dinner at around 7." diretsong sabi niya.

     "Okay. . .yun lang ba? Storbo ka sa beauty sleep ko FYI. . ." Pagta-taray ko, malditang-maldita!

     "Beauty sleep? Sleep lang walang beauty. . .bumili ka ng matinong damit na maisusuot mamaya, yung magmumukha kang babae ha? 'Wag yung parang basahan na pwedeng ipamunas ko sa lamesa. Oh yan," sabi niya habang binibigay yung envelope.

     Grabe naman ang harsh. Maka-walang beauty wagas! Eh siya nga eh, walang kabaitan!

     Tatanungin ko pa sana kung anong laman ng envelope pero papalayo na pala siya papuntang kwarto niya. Medyo makapal yung laman. Nang tignan ko, puro pera ang laman. Mga limang libo yata 'to.

     Sinarado ko na yung pinto tsaka bumalik ulit para matulog.

▶️▶️▶️▶️▶️▶️▶️▶️▶️▶️

     Ako lang ba' yun? O naririnig ko na talaga yung paborito kong kanta? Dali-dali akong naghilamos tsaka sumilip sa baba para makita kung sino yung nagpapatugtog. Galing siya sa radio sa may sala.

     Ang galing. Nakaka-good vibes talaga yung kanta.

     Naligo ako nang mabilisan tsaka nag-ayos para mag-almusal sa baba. Nagugutom na rin kasi ako eh. I smell. . .hmm. . . pancakes! OMG! Langhap sarap! Tapos ngayon pinapatugtog naman yung isa ko pang favorite song!

     Amazing!

     Dumaan muna ko sa kusina para batiin sa manang. And perfect timing, andun nga siya nagluluto. Feeling ko yung araw ko ngayon puno ng rainbows at sunshines. Ang ganda ng panimula eh.

     "Good Morning Manang!" Maligaya ko siyang binati.

     "Oh, good morning din hija! Dun ka na sa lamesa, nakahanda na yung pagkain niyo ni sir Miguel," Masaya niya ring sinabi.

Love Is Worth Waiting For (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon