CH. 04 ~ DEAL OF A LIFETIME
Maya's Point Of View
"Surprise!" Maligyang wika ni Cara. Eh? Para saan? Tsaka, pumasok lang naman kami ng mall nang sumigaw siya ng surprise. Asan yung surprise? Tumakas ba? O baka naman invisible?
"Hah? Asan?" Nalilitong tanong ko sakaniya. Baliw na ata 'tong si Cara eh! Magsusurprise na lang nawawala pa yung surprise. Yung totoo lang?
"Hahaha! I figured you'd say that! Ikaw nalang pumili. Yesterday kasi, when I talked to you, I already wanted to be your friend. So nung nag-agree ka kanina, gusto kita bigyan ng surprise dahil ikaw ang bago kong BFF! 'Yun nga lang, di ko kasi alam kung anong gusto mo eh." Sabi niya.
Naging friends lang surprise na agad? Tsaka magiging choosy pa ba ko sa magiging surprise niya? Kahit nga tsinelas lang okay na eh. Di naman ako mapili tsaka lahat naman ng binibiggay sakin pinahahalagahan ko. Mayayaman talaga oh.
Pero meron talagang sumisigaw sa kaloob-looban ko eh. Sinisigaw nito na wag na 'kong tumanggi at pumili na lang rin. Sayang yung chance at siya na rin mismo nag sabi diba? Babawi na lang ako pag nakaluwag sa ipon. Siya naman ang it'treat ko. Kahit sa cafe lang na malapit sa amin.
"Uhm. . . pede bang libro nalang?" Tanong ko sa kaniya, nahihiya pa nga ako eh. Syempre dapat may approval muna ng manlilibre. Di naman ata gano'n ka kapal yung face ko.
"Pwede naman--pero teka, sure ka libro lang?" Nagulat niyang tinanong. Huh? Oo libro lang naman hihingin ko kasi nga nabasag yung CP ko. Di ko na tuloy nasubaybayan yung binabasa ko! Yun lang naman yung libangan ko ngayon eh.
"Oo naman! Teka ba't parang nabigla ka 'yata? Di naman yun milyones ah." Pabiro kong sinabi.
"Yeah but--oo nga pala! You're really one of a kind! Hindi ka nga tulad nila na gold digger. You know what? I like you more!" Masiglang sabi niya kaya naman nagsimula na kami pumunta sa book store.
"Teka, di ka naman yata tomboy di ba? Sabi mo you 'like' me more!" Pang-aasar ko.
"Hah? No! Of course not! You took it wrong! As a friend lang! Di ako lesbian!" Defensive niyang sinabi.
"Chill! Joke lang naman!" Tumawa ko kaya naman sumabay na rin siya.
Binili ko yung librong binabasa ko ngayon. Sabi ni Cara dagdagan ko pa daw ng dalawa kaya binili ko na din yung kasunod na libro tsaka isa solo novel. Mags'settle na nga ako sa soft cover kaso binalik niya at pinalitan ng hard bound para daw hindi agad masira.
Hala, may gano'n? Si Cara naman, kumuha lang ng magazines tsaka na namin binayaran. Grabeh yaman talaga! Kung ako, bibili ko nalang to ng pagkain! Busog pa diba? Happy stomach, happy life!
After no'n, pumunta kami sa mamahalin na resto. Kahit sa carinderia actually pwede na ko kaso si Cara nga pala di sanay! Iba yung panlasa ng mga mayayaman kasi. E sino ba naman kaming mahihirap para maging choosy pa? So much blessings tonight. Di ko sinama kaninang hapon dahil sa bwisit na yun.
In fairness, masarap yung mga pagkain! Yung iba may nakakatawang pangalan pa! Ang daming alam eh may tagalog counterpart naman. Mukhang masarap nga kaso pag nakita mo ang liit naman. Hindi sulit!
Niyaya ko siyang mag ice cream pagkatapos kumain. Yung sa cone lang naman. Yung ordinary ice cream na mabibili na sa food court. Mura lang tsaka masarap pa! O diba? Eto ang sulit!
"Paborito ko ang ice cream," share ko sa kaniya habang dinidilaan ko yung mango-flavored ice cream ko.
"Huh? Why? Don't you prefer something else? Maybe a cake, or tarts, how about pies or cookies?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Love Is Worth Waiting For (JaDine)
Romance{{ c o m p l e t e d ; april 2014 - december2015 }} HR: #395 in Romance Category Hindi lahat ng gusto mo, e makukuha mo. At mas lalong hindi lahat ng plano mo, e mangyayari talaga. Ano nga bang magagawa natin? Kung ganiyan talag...