~Maya's Point Of View~
Tumawag si Cara sakin nung gabing yun. Plano niyang mag-out of town kaming magbabarkada since wala namang pasok sa monday. Pumayag naman ako, tinanong ko na rin kung gustong sumama ni Miguel at sabi niya game daw siya.
O diba? May reunion na din kaming magkakaibigan...
Sinundo ako ni Miguel sa condo unit ko. Starting daw ngayon, liligawan niya ko tulad ng mga ginagawa ng mga lalaking may respeto sa iniibig nila. Oo nanliligaw pa lang siya pero para sakin gusto ko nang tapusin yun eh. Kaso syempre dapat mas kilalanin ko pa siya lalo diba?
Pa-hard to get ang peg muna. Titignan ko lang kung gaano siya talaga ka-seryoso sakin.
Dumaan muna kami kila Cara since doon daw yung meeting place namin. They're going to use Ken's van daw pero plano sana namin humiwalay ng kotse sa kanila. Baka kasi mababad ako sa tukso doon.
"Here we are," sabi niya, parking in front of the Collins' residence.
Pangalawang time ko na pumasok dito. First time nung nag-sleepover ako sa kanil.a.
Wala namang nagbago, ang ganda pa rin kahit anong anggulo mo tignan. Siguro kung magkakabahay ako sana parang ganito rin, kaso yung mas simple na lang siguro. Aanhin mo naman yung bahay kung ikaw lang naman yung nakatira diba? Kaya gusto yung simple pero elegante tignan para sa magiging pamilya ko.
Eh? Pamilya agad?
The Perez family, o pwede diba?
Hahaha! Nangangarap nang gising si Maya!!
Bumaba kami ng kotse at sinalubong din kami ng mga maids doon. Tatlo sila, isang lalaki tsaka isang babae na naghahantay sa labas ng main door.
"Good morning po," sabi nila tsaka pinagbuksan kami.
"Good morning din," sabi ko sa kanila tsaka nginitian sila. Alam ko yung feeling na maging katulong. Kung di man sa ganiyang paraan na sumalubong sa mga bisita, alam ko naman yung mga paghihirap nila mabuhay lang.
Nahihintay sila Cara sa may sala nila. May dalawanng crem colored couches, white walls, glass cofee table at isang flat screen tv. Modern na modern yung dating niya. Ang ganda ng interior design, pang-professional.
"Andyan na pala kayo!" Bati ni bestie samin.
Niyakap niya ko saglit tsaka tinignan kami ni Miguel na parang kriminal na may tinatago sa kanila. Napansin kong ganun din yung mga tingin nila samin.
"O bakit ganiyan kayo makatingin?" Tanong ko sa kanila.
"Bro, may gusto ba kayong sabihin samin?" Tanong ni Keifer.
"Huh? Wala nama--" naputol yung sasabihin ko sa sumunod na sinabi ni Miguel.
"Yes, finally she allowed me to court her," sabi niya confidently tsaka ako inakbayan.
What the heck? O____O
*silence*
"Oh my gosh! Maid of honor ako ah?" Sabi ni bestie.
"Ako naman syempre ang best man!" Hirit ni Keifer.
"Oy! Wag niyo ko kalilimutan! Ako ninang ng magiging anak niyo!" Masayang sabi ni Sherrie.
"Syempre mawawala ba naman yung pinakagwapong ninong?" Singit ni Ken.
"Wait guys! Chill! Nanliligaw pa lang, wala pang kasalan. Mas excited pa kayo sakin eh," sabi ni Miguel.
Waaaah! Bakit ganun sila?! I mean, nakakahiya kaya!! >___<
"Heh! Excited ka diyan, di pa nga kita sinasagot kasal agad nasa isip mo," sermon ko para matakpan yung pagkahiya ko.
BINABASA MO ANG
Love Is Worth Waiting For (JaDine)
Romance{{ c o m p l e t e d ; april 2014 - december2015 }} HR: #395 in Romance Category Hindi lahat ng gusto mo, e makukuha mo. At mas lalong hindi lahat ng plano mo, e mangyayari talaga. Ano nga bang magagawa natin? Kung ganiyan talag...