~Maya's Point Of View~
Nasa lab kami ngayon nila Cara at Sherrie. After that meet up with a monkey na halata namang napaka-clingy e hindi na ko magugulat kung isa pala siya mambebenta ng katawan.
Buti na lang pala na nasa matinong katayuan ako kanina kundi baka naitapon ko na 'tong box ng cylinders sa pagmumukha niya. I never felt so much hate. Parang siya yung unang nag-trigger ng demoniyong nabubuhay sa katawan ko.
Wag lang siya makatama ng nerve kundi matatamaan talaga siya.
"Maya, kanina ka pa tahimik diyan ah? Dahil ba sa Maxine na yun?" Tanong ni Sherrie habang nilalagay namin sa cabinet yung mga materials na to.
"Huh?" Napaharap namn ako kay Sherrie. Malay mo, napaghahalataan niya na ko.
"Don't worry, I hate her too," sabi niya.
Nakahinga naman ako nang maluwag dun. Tsk! Ewan ko ba kung sino may mataas na hate level dun.
Buti na lang na konti yung mga gamit na pinaayos. Babalik din naman ako agad sa classes pero sa canteen muna diretso ko. Nagugutom ako eh, di pa ko kumakain. Buti na lang din free time ko pa so mamaya pa yung classes ko.
Sila Cara at Sherrie, may PE classes pa. Bawal daw sila ma late dun kaya ayun, nauna na sila.
Its just me, myself and I now.
After kong mag-order, naupo ako agad sa isang bakanteng table tsaka inupakan yung pagkain. Imagine niyo na lang na gutom na gutom ako tas di pa ko kumakain. Masarap naman yung mga luto nila dito. Tuwang-tuwa nga ako na ngayon afford ko na sila bilhin, di tulad dati...
Ano kaya ginagawa ni Miguel ngayon? Kasama niya pa kaya yung Maxine na yun?
Ex. Diba ang ibig sabihin nun past na? May feelings pa kaya siya para kay Maxine? E kung meron pa nga, ano na mangyayari? Magkakabalikan ba sila at babalik sa dati?
E pano na ko? Wala ba kong karapatan bilang fake girlfriend niya? Well, sa harap lang naman ng dad niya eh.
Waaaaah! Life, why so cruel?!
Ayoko naman mapag-iwanan ulit eh. Ano ba dapat kong gawin para mapansin ulit nung lalaking yun? Oo, ulit. Kasi nga diba, nagkagusto siya sakin dati?
E ganun pa rin naman ako ah? Wala naman nag-bago aside sa physical appearance ko. Pero sa loob, ako pa rin naman to ah?
Pano ba maakit ang isang Miguel James Perez? Ayoko namang maging fake kasi di naman ako yun eh. Gusto ko na magustuhan niya ko bilang ako. Hmmm... Try ko maging sweet? Eh isipin ng iba malandi ako tapos baka ma-weirdohan soya sakin.
Hay, siguro magpapakabait na lang ako.
Oo nga. Siguro ganun na lang.
Nasa gitna ako ng pagkain at pag iisip nang biglang nag-ring yung cellphone ko.
Bumilis yung tibok ng puso ko nang malaman kung sino yung tumatawag. Ayoko naman paghintayin yung loko kaya sinagot ko agad.
"Hello?"
[Maya, punta ka sa parking lot.]
"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
[Basta, punta ka na lang. Aalis tayo,]
"Eh saan naman tayo pupunta," hehehe. Aalis daw kami? Talaga? San punta? Puso niya? :")
Aya gags! Nahawaan ako ni Maxine ng kalandian. XD
[Sa mall,] tipid na sagot niya. Bakit? May date? Kami? Hihihi! Enebe! Kinikilig eke! ^3^
"Sige, wait for meeeeee!" Sabi tapos binaba.
BINABASA MO ANG
Love Is Worth Waiting For (JaDine)
Romance{{ c o m p l e t e d ; april 2014 - december2015 }} HR: #395 in Romance Category Hindi lahat ng gusto mo, e makukuha mo. At mas lalong hindi lahat ng plano mo, e mangyayari talaga. Ano nga bang magagawa natin? Kung ganiyan talag...