Ch. 63 ~ Can There Be An 'Us'?

3.2K 88 5
                                    


Chapter 63 ~ Can There Be An 'Us'? Is dedicated to @loveteamjadine sorry for the late dedication dear. I hope you enjoye reading the story. Thank you for voting, commenting and reading!

~Maya's Point Of View~

"E kasi nakita ko ulit siya," sabi ko kay Eman.

Bakit kasi ang complicated ng lahat? Akala ko ba naka move on na ko? Ay mali, nilibang ko lang pala sarili ko. Kahit si Eman alam niya kung gaano kalala yung sitwasyon ko noong mga unang buwan ko sa America.

Hay nako! Ang unfair talaga ng love. MU tuloy ako ngayon. Mag-isang umiibig.

Bahala na kung pag-isipan niyo kong malandi, paasa or what pero tama naman ang ginawa ko diba? Ang bigyan siya ng space?

"Oh really? Ano nangyari? Share naman 'teh!" Wika ni Eman.

"Wala naman, ni parang di niya naman ako nakilala eh," masakit mang sabihin pero yun talaga yung totoo.

"Huh? What happened sa ilabyuporeber niyo? Sa bagay, nothings permanent in this world aside change," sabi niya.

Nuxx! Mukhang may ponaghuhugutan to ah? Saan niya kaya nakuha yang mga linyang yan?

"Nakamove on na ata yung tao eh, may pa-'baby-baby' pa siya sa phone," sabi ko habang umiirap sa mga sinasabi ko.

"Asus! Confirmed! Bitter ka lang," comment niya.

"Ako? Bitter? Nye! Kelan pa?" Tanong ko.

"Ayan, ngayon! Sinong di bitter sa mga reaksyon mong yan?" Tira niya sa nakapewang kong katawan.

"Bitter na kung bitter..." Bulong ko sa sarli.

"Buti naman inamin mo na rin. Alam mo, wala namang masama sa pag-amin, baka nga yung pagkimkim mo pa yung pumatay sayo diyan," sabi ni Eman.

"Haluh! Patay agad? Di ba pwedeng depressed muna?"

"You know, depression will also be the death of you," sabi niya na parang may experience na sa mga ganito.

"Wew! Ume-english na si teh!" Umatake na ang pagiging KJ ko.

"Korney mo! Ang ganda-ganda ng sinabi ko tas yan yung babalik mo sakin? No way!" Sabi niya.

"Pero Eman, kung straight na lalaki ka, magkakagusto ka ba sakin? I mean, sa mga lalaking nagugustuhan ko lagi na lang kasi ako napag-iiwanan," sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit ko natanong yun basta yun yung unang pumasok sa isip ko.

"Aba eh tinatanong pa ba yan? Mabait ka naman, matalino, mayaman, maganda, tapos kaya mong makipagsabayan sa mga ginagawa ng mga lalaki tulad ng DOTA at basketball pero di ka naman tomboy, tapos may sense of humor ka pa. Ano pa bang hihilingin ng isang lalaki? Bakit? Crush mo ko noh?" Biglang bungad niya.

"Excuse me di tayo talo!" Sabi ko.

"Hay nako, ewan ko sayo darling. Teka nga, kakain muna ko, kanina pa ko nagugutom like duh!" Sabi niya at kinuha yung box ng pizza na hawak ko tsaka pumunta sa kusina.

Ewan ko ba sa baklang yun! Sayang kasi gwapo siya bakla naman. Pero buti na lang at isa siyang mabuting kaibigan.

Pumunta ko sa kwarto ko para magpahinga. Maya-maya, nakaramdam na lang ako ng antok. Jet lag siguro kaya hinayaan ko nang makatulog ako.

*****
Nagising ako nang maaga. Tutal maaga pa naman at wala pa naman akong masyadong gagawin, naghilamos muna ko at nagsuot ng tshirt at jogging pants para naman malibot ko yung village.

Hinablot ko na rin syempre yung ipod ko para habang nagj'jogging, may kasabay akong music.

Ilang oras akong nagj'jogging hanggang sa tumigil ako sa harap ng isang cafe. Pumasok muna ako para magpahinga.

Love Is Worth Waiting For (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon