~Maya's Point Of View~
Aish! Nakakalito naman! Bwisit! >____<
Tumayo ako sa kinauupuan ko tas akmang aalis.
"Bestie, san ka pupunta?" Sabi ni Cara.
Pano ba yan? Di ko naman masabi sa kaniya na lalayo ako para makapag-isip eh.
"Ahh... Ehh... Najejebs ako," sabi ko sa kaniya.
Umalis na ko para mag-lakad.
Siguro nga talagang OA lang ako. Pero kanina, bakit...bakit parang kinikilig ako? Na-aattract ako sa boses niya, na-turn on ako sa galing niya kumanta at mag-gitara, kinilig ako nung tumingin siya sakin habang tumutugtog.
Masyado ko yatang fin'feel na para sakin yung kanta.
Pero isang buwan na mula nung sinabi niya yun. Ning di nga ko sigurado kung totoo ba yun o hindi eh. Pero nung iniisip ko na imposible yun, bumigat pakiramdam ko.
Eesh! Nandiyan naman siya para pasayahin ako noong mga oras na kinailangan ko si Gelo. Feeling ko ligtas ako pag kasama ko siya, lalo na nung time na nanood kami ng sine.
Natutuwa ako pag-inaasar niya ko. Napapangiti ako pag-ngumingiti siya.
Ano ba to? Feeling of appreciation? Siguro parang ganun na nga.
"You witch!" Lumingon ako at nakita ang mga minions.
"Pwede ba? Tigilan niyo nga ko!" Sabi ko.
Magpapatuloy sana ako sa paglalakad nang biglang hinablot ng isa yung braso ko.
"Aray!" Napasigaw ako sa higpit.
"Kala mo ganun na lang kadali yun? You're going to pay, right now," sabi ni Megan.
*PAK*
Araykopu! Sinampal ako ng bruhang to!
Hinawakan naman ng isa yung isa kong braso. Mahigpit din tulad nung pagakakahawak ng isa.
Sh*t! I'm trapped!
Tinakpan nila yung mga mata ko tapos tinali sa likod yung kamay ko.
"AAAAAAAHHH" sumigaw ako pero matapos nun, pati bibig ko tinakpan nila.
May naamoy ako galing sa tela na nilapit nila sa ilong ko, at pagkatapos nun, wala na kong maalala.
***
Nagising ako sa isang madilim na lugar. Ano to? Asan ako? Napansin ko na tinanggal nila yung pantakip sa mata ko. Pero yung bibig ko, ayun nakatakip pa din.
Para naman akong basura na tinapon kung saan-saan.
Parang bodega to ng mga lumang gamit. May panghukay, watering can, gloves pati lawn mower. Eto yata yung shed sa dulo ng dorms. Medyo malayo pa dun at ewan ko na lang kung may makakakita sakin.
I swear, pag nakita ko ulit yung tatlong bruhildang yun.
Eek! Ang dilim! Wala akong makita! T^T
Naiiyak nako! Natatakot ako baka mamaya may biglang pumasok na kung sino o kaya baka rapist o serial killer. Ayoko pa mamatay! Marami pa kong gustong gawin sa buhay! Gusto kong ikasal, magkatrabaho, magkaanak, pumuntang ibang bansa, at tumanda kasama yung 'forever' ko!
*sob*
Ilang minuto akong naka-ganun nang biglang...
*blag*
"Eto pala yung sinasabi ni boss," lumapit yung isang lalaki na mukhang 20 pataas yung edad.
"Ayos! Ang ganda!" Sabi niya habang hinipo yung braso ko.
*sob* sh*t! Sabi na nga ba rapist!
Binawi ko yung braso ko. Di ako makasigaw! Sinipa ko yung paa niya kasi yun lang yung abot ko.
"Ay pot@! Umayos ka!" Sabi niya tas sinuntok ako sa sikmura.
Ah sh*t! Ang sakit! Natumba ko ng tuluyan sa sahig at naging madilim muli ang lahat.
***
"Kala mo makakawala ka?! Hah?!" Sabi nung lalaki.
"Ayoko po! Ayoko po!!" Patuloy kong sinisigaw.
"Ayoko po!!" Sigaw ko.
Napaupo ako sa higaan! Umiiyak na naman ako. Panaginip lang pala! Pero sa pagkakaalala ko nasa shed ako. Paano ako umabot dito sa...clinic? Puti ang lahat pero madilim.
*sob*
"Uy Maya okay ka lang?" Biglang sumulpot si Miguel sa tabi ko.
Kasama ko pala siya? Ah basta ewan! Basta ang importante andito siya ngayon.
"*sniff* Miguel?" Tanong ko? Naluluha pa rin talaga ako. T____T
"Bakit? May kailangan ka ba? Kukunin ko..." Sabi niya.
Yinakap ko siya ng mahigpit. As in yung super higpit! Natatakot ako at pag nasa tabi ko siya, di ko alam pero biglaang nawawala.
"*sniff* y-yung lalake.." Nauutal kong sinabi.
"Wala na siya, wag ka mag-alala di ka na nun mahahawakan," sabi niya.
Kumalas ako bigla. "M-may nangyari b-ba?"
"Wala! Buti na lang nakita kita pero namimilipit ka na sa sakit dun," kwento niya.
"Salamat nga pala," sabi ko.
"Wala yun, magpahinga ka na. Andito lang ako, di naman kita iiwan," sabi niya.
Eehhhh! Kinikilig ako. >/////<
Sige na, matutuloga ko para sayo.. :")
Sh*t ang landi ko! Erase erase!
Nakatulog ako nang mahimbing. Di na ko ulit binangungot, tuloy-tuloy na yung sweet dreams.
_______________________________________________________________________
Author's Note: short pero worth it ba? Sorry numb yung kamay ko galing injection. Gotta hate Megan!! Pero love the last part ;)
Lumalandi na ulit si Maya. De joke lang!
Question: posible kaya na may nararamdaman na agad si Maya para kay Miguel kahit alam niyang kakagaling lang niya sa break-up? O baka naman OA lang siya kaya niya naiisip yung mga ganon?
Comment your answers! :)) no right minus wrong kung di alam ay wag hulaan. Eh kumanta na XD
Ela
BINABASA MO ANG
Love Is Worth Waiting For (JaDine)
Romance{{ c o m p l e t e d ; april 2014 - december2015 }} HR: #395 in Romance Category Hindi lahat ng gusto mo, e makukuha mo. At mas lalong hindi lahat ng plano mo, e mangyayari talaga. Ano nga bang magagawa natin? Kung ganiyan talag...