~Maya's Point Of View~
Tinotoo nga talaga ni Miguel ang lahat ng sinabi niya. Mahirap man paniwalaan pero talagang nirequest niya pa sa doctor ko kung pwede mga babae na lang yung nurse ko.
Kapag kakain na ko, gusto niya subuan pa ko kahit kaya ko naman talaga. Maski sa mga gamot na iintake ko, kailangan siya magbibigay. Nurse ko daw siya ngayon eh.
Oh well, siguro ganiyan talaga ang mga boyfriend sa girlfriend nila. Maalaga, sweet at overprotective. Okay nang ganun kesa naman mangaliwa diba?
Ayoko namang sundan ng Legal Girlfriend yung Legal Wife.
Nadischarge na din ako nung hapon na yun. Nag-hire si dad ng isang maid at isang personal nurse (both girls) para sakin na naghihintay sa condo ko.
Siyempre hinatid pa ko ni Miguel. Nagnakaw pa nga ng good night kiss eh. Pero bakit kaya mukhang nagmamadali siyang umalis samantalang ang aga pa kaya? Mga alasyiete palang ata nun nang ihatid niya ko pauwi.
Baka naman may importante siyang gagawin? Oo siguro nga. Ayoko naman diyang husgahan dahil nga sa pinagkakatiwalaan ko siya eh.
Nakilala na yung dalawa kong kasama na sina Elle, yung nurse ko, at si ate Riana, yung maid ko. Mababait sila promise! Kaso temporary lang si Elle. Bagong graduate siya at si ate Riana naman mga nasa early thirties.
Natulog ako agad dahil siguro pagod na ko sa environment ko sa ospital.
*****
Nagising ako mga 10 na ng umaga. Gusto ko pa sana matulog pero sabi ni Elle may iinumin pa daw akong gamot. Nag breakfast muna ako at in fairness ang sarap magluto ni ate Riana.
Tinawagan ko si Miguel para siguro maglakad-lakad. Matapos ng tatlong rings, akala ko siya yung sasagot yun pala yung operator.
"The number you dialed is busy at the moment, please try your call again later," sabi nito.
Oo grabe, ang saya kausap nung operator dahil pati sina bestie hindi rin sumasagot. Kelan pa ko naging invisible sa kanila?
Hay! Kung ayaw niyo ko samahan, edi ako na lang mag-isa! hmmp!
Naligo at nag-ayos ako para pumunta sa park. Paalis na sana ako nang bigla akong hinarang ni Elle.
"Ma'am, magpahinga na lang po muna kayo. Baka po magalit sakin si doc kapag pinabayaan ko kayo," sabi niya at halatang nag-aalala siya sakin.
"Mag-iingat na lang ako, sa park lang naman ako pupunta eh. Tatawagan na lang kita mamaya," sabi ko.
Pumunta ako sa park at lumanghap ng sariwang hangin. Naglakad-lakad lang ako saglit at nang makakita ako ng bench malapit sa playground, tumigil muna ko para magpahinga.
Bakit kaya hindi ko sila ma-contact? Busy ba sila? Di man lang ako sinabihan na di nila ko masasamahan ngayon. Ang unfair nila!
Tapos yung boyfriend KO di man lang nag text. Awts! Aray! tagos sa puso!
Kalma! Malay mo may inaasikaso lang yun. Sa bagay kasama ko naman siya nung mga panahong nasa ospital ako. Di pa ba sapat yun?
O baka naman nag-sawa na siya sakin?
NO! HINDI PWEDE!
"Ate, bakit ka po may sugat sa ulo?" binalik ako sa realidad ng batang nasa harapan ko ngayon.
OMG! Ang cute niya *O*
Maputi yung batang lalaki. May itim na buhok, dark brown eyes at dimples.
"Na-aksidente kasi ako eh, ikaw? bakit mag-isa ka lang?" tanong ko sa bata.
"Hindi ko po mahanap si yaya eh," hala! mukhang iiyak na siya!
BINABASA MO ANG
Love Is Worth Waiting For (JaDine)
Romance{{ c o m p l e t e d ; april 2014 - december2015 }} HR: #395 in Romance Category Hindi lahat ng gusto mo, e makukuha mo. At mas lalong hindi lahat ng plano mo, e mangyayari talaga. Ano nga bang magagawa natin? Kung ganiyan talag...