Blessing?

2.2K 36 13
                                    


Ang tagaaaaaaal! Alas tres na ng hapon. Kanina pa ako dito nang ala una! Hayyy. Wala na talaga akong maaasahang kasipagan dun. Ubos na lahat.

Nakaupo ako ngayon dito sa kung anong establishment na di ko alam. Kakaloka si Tomsy! Isang oras na akong naghihintay dito. On the way na daw siya! Malala, kanina pa DAW!

Saang lupalop ba sya ng mundo nakatira? Aba aba aba, pinaghihintay niya ang isang dyowsa na tulad ko? You don't do that to me.

Kung di ko lang talaga yun mahal, kanina pa ako umuwi. Nuxx. KaRa feels. Haha

Sabagay, ako naman kasi yung nag aya sa kanyang lumabas. Pero, asan ang katarungan? Isang oras! Isang oras mem! Nganga!

Inaya ko kasi siyang manood nung laro nila Jeron ngayon vs Iran. Sa MOA Arena. Big game yun eh.

Well, kung di niyo lang po alam, Philippine Team na po siya. Huh. Hashtag, proud wifey here. Hahaha. Siyempre sino ba ang hindi matutuwa diba? Diba?

Nakalimutan ko kung anong game ba yun pero sure ako, hindi FIBA. Syempre may Commisioner's Cup pa eh sa PBA. Kumbaga, excused lang ang GILAS from their games and teams. He's a part of The RoS Elasto Painters team under coach Yeng Guiao. Kasama niya rin si Ahia Jeric dun which is already 5 yrs in the team.

So much for that, hindi ko pa rin malaman kung nasaang parte ng Luzon si Victonara! Di nalang nagpasabing sunduin ko siya sa bahay nila.

Nasasayang oras eh!

Pero sabi niya kasi kanina, on the way na siya kasi halata naman. Nasa sasakyan na siya nung tumawag ako.

What if .... Oh no!!!!

This can't be. Huhuhu. Ang aga pa eh!

What if, habang papunta siya dito eh i.iii.na..ta..ke.ke siya?!

Pagkatapos, walang nagmabuting loob na isugod siya sa ospital? No!

This is my fault! Dapat pala naginsist nalang ako na kunin siya sa bahay nila.

Lord, ayaw ko pa pong mawalan ng bestfriend. Magpapakasal pa sila ni Thomas!

Mika Aereen Reyes! Sa kagagahan mo, mawawalan ng isa mong kalahing dyowsa. Jusko. Lord, patawad naman.

Natulala nalang ako. Naghihintay sa mga text o tawag na darating. Yun bang andun sa mga movie na pagmay nangyari sa isang chuchu eh tatawagan ka nalang.

Muntanga na ako. Magdadalawang oras na to ah.

"Miss, nilalangaw ka na po." Sabi nung isang babaeng epal. Di ko alam kung sino. Wala na akong pakealam.

"Miss, anong oras na ba?" Ayy! Mukha ba akong orasan? Excuse me lang! Makaharap na nga tong hampas lupa na ito.

And I see light! Chosss. Joke lang.

"Hoy Victonara! Ano bang kagagahan ang nasa utak mo at pinaghintay mo ako dito ng dalawang oras! Akala mo ba nakakatuwa ka? Muntanga na nga ako dito eh. Saan ka ba kasi pumunta? Pasalamat ka 4pm pa laro ng asawa ko kundi! Aba. Nganga ka sa akin eh. Di ka nalang nagsabing sunduin kita sa inyo para di nasayang yung oras." Sabi ko. Natural lang kasi na magalit ako diba? Ang tagal kong naghntay mem!

Aii, no reaction teh? So ano ngayon ang drama niya? Siya pa ba galit? Wow ah. Gulat ako.

"So ano naman drama mo ngayon Victonara? Nganga nalang ba? Abat Alas tres na."

"Pasensya na Daks. I went to my doctor."

Ayy, ganun ba? Hehe. OA ko magreact knina eh.

"Pasensya  ka na Ara. Naiirita lang kasi ako. Tagal ko na kasing naghintay. Like, you know? Dalawang oras teh! Ano naman sabi ng doctor mo?"

"Sensya na Daks. Nagpacheck up nalang rin ako."

"Okay lang yun. Oh, ano daw findings?"

"Ano kasi........."

Bumulong siya sa akin.

"What? For real? Oh my gas best! Dapat malaman to ni Thom thom at ng barkada! Yieee"

"Yes."

"Ilang months ba?"

"Two."

"I'm so happy for you Tomsy!"

"Teka, masaya ka pa talaga ha. Kaibiyan ba talaga kita?"

"Bakit, diba buntis ka, so dapat happy tayo! Blessing yan! Syempre ako ninag ahh! "

"Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa? Gagi! Hindi noh! Oh my Gee Daks! Di namin gagawin yun! Di pa nga kasal. Bopoks mo talaga. Tapos diba, hello! Bawal ako kasi nga yung heart chuchu ko. Kahit kailan talaga ang engot mo. Paano ka kaya  nagustuhan ni Jeron?"

Wow ahh. -_____- Kaibigan ko talaga siya.

Oo nga noh. Bawal siyang mabuntis. Kasi nga fail yung heart niya. Hayy Tomsy.

"Ohh, eh ano pala yun?"

"Kasi nga ................................... Shut up ka lang ha! Wag mong sasabihin sa iba."

"Totoo?"

"Oo."

"Sh*t." Napa mura na lang ako. Please no.

----------

Hi! Lame update right? :(

Guys, please tell me your reactions. Parang tanga lang talaga akong nagsasabing leave a comment tapos wala naman pala -_____- at saka baka nachachakahan na kayo sa mga nangyayari.. Maawa kayo sa akin please!

Tapos muntanga pa ako sa twitter kakahintay.

Well, readers, comment nalang please :)))) I'll be happpy to know your insights! ♥♥

Okay. aasahan ko yun ah! Vote nalang rin kayo :)

Salamat! ♥♥♥♥

God bless everyone! :)

BTW, pangita na ba ang flow? :(

RUNAWAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon