Wedding Bells

1.2K 36 1
                                    

"Dennise Michelle Lazaro, will you marry me?"

"I know biglaan. Sorry. Kanina pa ako di napapakali dito. I, I mean we, planned this one. Lalo na tong sinsabi ko ngayon. Hiningi ko ang tulong ng barkada. So much for that. I've known you for 7 years now. I guess this is the right time to do this."

"Den, I waited this long because I know you are worth the wait. Don't worry I will not blame you if you answer no. I'll respect that. But if you'll answer me a yes, well, I would be the best man at this moment and until I would stop breathing."

Medyo naiiyak na si Denden.

"Den, I've known you 7 years ago. Courted you 6 years ago. And became your  boyfriend for the past 5 years. I guess this would be the right time to ask you this."

As I was saying, plinano to ng barkada. Na padaluhin si Denden. Humingi kasi siya ng tulong sa amin. Kasi nga close daw si Denden sa amin.

Ang plano namin is sasabihin niya around 9 pm. 8pm pa lang oh.

Iba talaga kapag pag-ibig na ang pinag-usapan.

Btw, si Myco yun. Myco Antonio.

Ano ba to, lagi nalang akong napapaligiran ng mga wedding proposals.

Nakita kong medyo shocked si Denden but di mo maiaalis sa kanya ang tuwa.

Mukha tuloy akong third wheel nito.

Di man lang nagbigay ng go signal si Myco para naman di na ako lumapit kay Denden.

Since ako naman ang bestfriend, okay na rin. At least ako katabi niya nang nagpropose boyfriend niya.

"Sasagutin ko ba?" Abat. Nagtanong pa talaga si Denden.

"Depende kung mahal mo." Sagot ko naman. Tinatanong pa ba yan?

"Shunga syempre!"

"Nagtanong ka pa?"

"Den, I know medyo kahihiyan tong ginagawa ko ngayon at hawak ko pa talaga ang microphone. Pero I'll take all the guts to stand here with shaking knees to ask you a very confidential question. Sa mga kasabwat ko, guys sorry. Nauna na ako. Di na kasi ako mapakali. Hehehe. Iba na talaga pag umibig. Thank you pala guys! I owe you a lot."

"I wouldn't ask anymore your bestfriend Thomas kasi halos ibigay ka na niya sa akin."

"Binugaw mo pala ako eh!" Sabi ni denden sa akin sabay suntok sa braso ko.

"Sus. Gugustuhin mo naman! Wag ng pademure Denden." Sabi ko with a smiling face.

"So, Dennise Michelle Lazaro, for the second time around, will you marry me?"

"Sagutin mo na kasi. Pinahihirapan mo pa  yung tao." I whispered to Denden.

"Bakit? Diba ginanito ka naman ni Ara. Makapagsalita naman to." She answered back at me while whispering.

"Magkaibang sitwasyon naman yun noh."

"Sus. Mga Palusot mo Torres!"

"Oi! Baka kayong dalawa na ang magkatuluyam niyan. Kawawa naman si Myco dito!" Sigaw bigla ni Jeron.

"Sorry guys. Pressure naman kayo oh! Humihingi lang ng friendly advice." Paliwanag ni Denden.

"Di kamo talo bro! Lalaki din toh! Transgender lang!" Pagbibiro ko. Natawa naman sila.

"Ikaw nga! Reincarnation ka ng isang tomboy sa katawang yan." Sabi ni denden

"Che! Bully mo!"

"Nahawa lang kay Arsy." Napatahimik ako.

"Ui! Silent! Hahaha. Okay, back to our business." Sabi ni Denden.

"Sabi ko dati kay Lord, pag yung mahal ko eh makasama ko ng higit sa 5 years, sign na iyon na siya ang makakatuluyan ko. Exemption si Thom-thom kasi nagpromise kami sa isa't-isa. And you know, may Galang na ang buhay niya. So I guess, I don't need to answer that question. Or do I still need?" Pagtutuloy niya.

"Sagot na ba yun? Ayusin mo nga! Naghihintay si Myco!" Sabi no Mika.

"Haaaay. Naman oh! Huwag na!"

"Sus! Kinikilig ka lang!" Sabi ko.

"Oo na cge na! Okay, Yes I will and I do." Sagot ni Denden.

"Yieeeeee!" Sigawan ng mga tao.

Agad namang yumakap sa akin si Denden na naluluha. Loka-loka talaga tong babaeng to.

"Huyy! Inaano ka ba?" Tanong ko habang hinahagod yung likod niya.

"Wala lang. Masaya lang ako. Akalain mo Thom? Akala ko dati tayo yung magkakatuluyan. Hahaha. Dati kinuwento ko pa sayo yung mga plano ko sa buhay. So yun nga, Salamat bestfriend! Ikakasal na ako."

"Shunga! Nagpropose pa lang!"

Pang-iinterrupt ko sa pag-eemote nya. Nakita ko namang bumaba na si Myco sa stage.

"Eto naman oh! Pero seriously, thank you for breaking my heart Thom."

"Wow ha! Parehas lang tayo. Thank you din."

"Oo nga. Siguro kung hindi nangyari yun di natin makikilala si Ara at Myco."

"Oo na. Tumigil ka na at baka suntukin na ako ni Myco. makayakap naman to. Andito na si Prinsipe mo." I held Denden towards Myco.

Haaaaay. These proposals are killing me. Ang saya tingnan ni Myco at Denden.

Back to the business nanaman ang mga tao. Kanya-kanyang mundo.

It's almost 10 oclock pero wala pang may umuuwi. Siguro they are getting ready for the Valentines'. Sabagay kasama naman nila mga mahal nila sa buhay.

Huminto ako sa harap ng mga table tennis player.

Naglalaro sila. Provided pa talaga sila ng table ha.

Marunong naman akong maglaro so nakijoin na ako.

5 minutes before Valentines' Day. Tinawag na ni Mika lahat para umupo sa harap ng stage. Ewan ko kung anong meron.

I was provided a seat. Sa mismong harapan pa talaga. Katabi ko ang barkada. Nagbubulung-bulungan pa talaga sila. Wow ha. Kayo na! Di man lang ako sinali.

Biglang namatay ang ilaw. Tapos nagplay sa screen with a projector ang isang video.

Wait. These pictures that are played are so familiar.

"Good Evening everyone."

------------------

HI GUYS! THANK YOU SO MUCH! One word. WOAH. Grabeeee! 55k reads! tapos 1k votes ♥♥♥♥♥

See you for the next final chap! :))

Guys! Tanungin niyo ako sa ask.fm hihihi :)

RUNAWAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon