Sleepover

2K 42 7
                                    

"Si Thomas yun ahh!"

"Oo nga. Kasama si Denden."

"Nakahapit pa sa braso ni Thomas si Denden."

"Oh my gosh. How could they..."

"Tsk. Aba'y matindi."

"Lagot siya kay Ara mamaya."

_____________

Nagplano kami ngayon ng mga bullies na magsleep over sa condo ni Cienne.

Alam nyo kung bakit? Wala, trip lang namin!

Nakapagpaalam na ako kayla mama at papa pati na rin kay Thomas. Okay lang daw sa kanya since wala naman daw akong ginagawa at busy rin siya ngayong araw for their training.

Naghahanda na ako ng mga dadalhin ko. Isa bag lang naman. Di naman kami magcacamping dun sa Condo ni Cienne. Ewan ko lang, baka mapagtripan nilang magtagal dun. Kawawa naman si Cienne, butas ang Budget. Hahahah. Yaan na, mayaman siya eh.

Alam kong may mga hot seat moments mamaya kaya HANDA NA AKO!

Anong Topic? Mamaya niyo malalaman! ABANGAN! Bwahahaha. :p

Since hapon pa naman yung kita-kita namin at medyo maaga pa, pumunta muna ako sa MOA. Magpapalamig lang.

"Ma, alis na po ako!"

"Sige anak. Ingat ka. Enjoy kayo!"

"Syempre ma." Hinalikan ko sya sa pisngi.

"Text mo ko kung may kailangan ka ha. Text mo si Thomas pagmagpapasundo ka na."

"Ginawa mo namang Driver si Thomas ma!"

"Huwag kang maingay! Hahaha." Ayy. May pagkashunga din tong si Mama.

"Opo ma. Sige na, Byieee!"

"Bye anak."

Tuluyan na akong umalis. Grabe si Mama! Ginawa pang driver yung mamanugangin nya. Aba'y Matindi.

Nagcommute nalang ako papuntang MOA. Wala eh. Pulubi sa pera tong si Ara Galang. Pero kapag kagandahan ang pag-uusapan, MAYAMAN AKO DIYAN!

Tama na nga tayo sa lokohan.

Nakaabot na ako sa MOA. Saan kaya magandang pumunta ngayon? Kakain? No. Nood ng sine? No. Mag-isa lang ako eh. Maglalakad-lakad na nga lang ako. Iwas gastos pa.

Ang lungkot pala ng nagiisa noh? Kakaiyak. Siguro, ito yung mafefeel ni Thomas sakaling mangyari nga ang mangyayari. Hayy Thomas, I'm causing you too much pain. You don't deserve this and I don't deserve you. Ayaw ko ako ang nangiiiwan pero paano ko naman maiiwasan diba? Mapipigilan ko ba si Lord? Diba hindi? Bahala na nga. In God we Trust. :)

Tumingin-tingin ako sa mga botiques kahit di naman ako mahilig doon. Halata naman diba?

Tiningnan ko phone ko. May NAGTEXT! Kakaiyak! May nakaalala pala sa akin?

From: Kimmy Dora

Where na you? Otw na me.

Wow! English si Kimmang!

To: Kimmy Dora

MOA. Papunta na rin ako. Kasama mo ba sila Daks?

From: Kimmy Dora

Wow! Ako tong nagtext tas si Mika agad hinanap? KARA FEELS BABY! HAHA. Hindi. Hatid daw siya n Jeron. Inggit si ako. Huhu

Honglondeee teh! Gumaganon na siya ha! Hahah

RUNAWAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon