But...

3.6K 59 7
                                    

“Tomsy! Sandali lang…”

“Mika, hayaan mo muna silang dalawa na makapag-usap. Pare, run after here. Explain everything. I know she’ll understand. She loves you. Andito lang kami para sa’yo. (:”

“Thanks Paps! Thank you Mika. I’ll make things right.”

“You really have to.”

I ran after the girl I loved and still love. Alam kong tumakbo siya kasi magbrebreak down siya. I’ll guess, ayaw niyang Makita ko yun. Ayaw ko rin naman na umiiyak siya. Lalo na’t ako ang nagpaiyak sa kanya. So sinundan ko siya, tumatakbo siya. Since walang masyadong tao sa campus, walang nakakahalata sa mga luhang pumapatak galing sa mukha niya. Napatigil siya sa labas nung Faculty building kung saan usually kami tumatabay nung College days namin. Naalala ko tuloy yung mga araw na masaya kaming dalawa. Masayang naguusap sa kung ano ang mangyayari sa amin sa future. Mga bangayan naming na nauuwi sa kulitan.

 Naupo siya sa isang benches. Wala talagang nagbago. She’s still the old Ara Galang that I have known. Maganda pa rin, mataray pa rin tingnan at nagprepretend pa rin maging malakas sa harap ng mga tao. I didn’t know na nakayanan niya pala magtimpi nung mga oras na wala ako. She really is strong. Strong. Always trying to be strong.

She’s really crying hard. She’s murmuring. Di ko maintindihan ang pinagsasabi niya. This is the reason why I love this girl. She’s  a cry baby. Pero masakit pala malaman na ikaw ang dahilan kung bakit siya umiiyak. isa pang dahilan kung bakit mahal ko ang babaeng to kasi yung sa tingin mo, ang lakas niya tingnan sa labas pero sa loob, she’s so fragile. Ayaw niyang may nakakakita sa kanyang umiiyak siya. Gusto niya lagi siyang malakas. Di lang nila alam kung gaano kadali masaktan ang puso niya.

Kaya gustong-gusto ko siyang alaagan. NOON. Gustuhin ko pa man ngayon, di na siguro pwede. I’ll be dying sooner or later. I’m diagnosed with a weak heart. I’ll be undergoing a surgery but the chance is only 70-30. 30 percent lang ang chance na maging successful. Nakikipaglaban ako sa sakit na akala ko noon ay nawala na. sakit na di ko inaasahan. Sakit na makakapagpasakit pa sa damdamin ng taong mahal ko. Sakit na akala matagal nang naglaho. Sakit na umaasa akong isang araw ay maglalaho na parang bula. Sakit na gustuhin ko mang magamot eh kailangan pa ng malawak na operasyon. Sakit na magdudulot ng isang desisyon na di ko inaasahang magagawa. Sakit na nagpursue sa akin na iwan ang taong mahal ko. Sakit na unti-unting sumisira sa buhay ng isang Thomas Torres na walang ibang mahal kundi si Victonara Galang. Sakit na makakapagsira ng isang love story na sa simula’t-simula pa lamang eh alam ko nang may happy ending. Isang sakit na magdudulot ng napakalaking sugat sa puso ng isang babaeng umibig sa isang taong tulad ko.

I can’t afford seeing her cry. Lalapitan ko na siya. I’ll try to make the mood good. I don’t want to make it tensional. I’ll try to explain things slowly. Ayaw kong mabigla siya sa mga sasabihin ko kahit alam kong masakit para sa side niya.

“Alam mo, may kilala akong isang tao. Napakalakas niya tingnan sa labas pero pag you go deep inside her, you’ll notice how soft-hearted she is. Ayaw niyang may nakakakita sa kanyang umiiyak. gusto niya patago lahat. Kaya nga minahal ko na yung taong yun. Ang sarap niya kasing alagaan. Yung feeling perfect na sana kayo kaso there’s this one decision na kailangan mong gawin.”

I managed to smile but hindi ko mapigiling masaktan sa loob-loob ko. I want to cry. But I need to be strong. I need to be strong infront of her.

“There will always come a time that we need to make a decision not for ourselves but for the good of others.”

She’s not responding pero medyo tumahan na siya sa pag-iyak. Hayyy. How I wish I could put her into my arms.

“Hi. By the way, I’m Thomas Christopher Torres. There’s this one girl I love so much but I guess, I need to set her free because I know if I would still keep her, I’ll just keep on hurting her. As the saying goes: Love means setting someone free. Not because you don’t love her anymore but because for you, her happiness matters more than your own.”

I’m just looking at the stars. Medyo gumagarol na ang boses ko pero hindi ko lang pinapahalata. Bawat salita na lumalabas sa bibig ko ay parag kutsilyo na sumasaksak naman sa puso ko. I hope she’ll understand want I mean to say. I do still love her. But I guess, letting her go is the best decision.

Di ko kayang mahalin niya ako ng ganito ang kalagayan ko. Umaasa lang siya sa isang pagmamahal na hindi ko kayang suklian. Kapag literal na ako na umalis sa buhay niya, mas mahihirapan siya makamove on. Mabuti nang ngayon pa lang eh handa na siya sa maaaring mangyari. Alam ko naman na maraming magkakagusto sa kanya ‘coz she’s one kind of a girl.

Sinulyapan ko siya at parang pinupunasan na niya mga luha niya. Gahhhd. I wish I could wipe those tears. Tumingin siya sa akin. Tumaliwas agad ako ng tingin.

“Please Thomas, just for once. Don’t make this as a joke. Seryosohin mo nga pinagsasabi mo. Lalo mong sinasaktan damdamin ko. Kung magexplain ka nalang kaya? Pinahihirapan mo pa ako. Hindi ako nakikipagbiruan. Matagal kitang hinintay tapos ngayong nagkausap tayo, you pretend as if we don’t know each other. Please Thomas, help me understand. Kung ayaw mo na sa akin, sabihin mo lang. kakayanin kong i-let go ka. But I just wish, hindi yun yung mga words na lalabas sa bibig mo ngayon. I still hope na you still love me. Kasi ako Thomas, ako, I’ve never stop loving you. Tinitiis kong masaktan. Pinipilit kong sumaya. Sumaya kahit wala ka. Pero, kahit ano man ang gawin ko, I guess, I just love you that deep. Hahaha. Nakakatawa ngang isipin na isang Victonara Galang na gaya ko eh, iibig sa isang katulad mo. I just can’t believe na I did it.”

“Di mo lang alam kung gaano ako nasaktan Thomas. I endured all the pain. Ganito pala kapag nagmamahal noh? Kahit alam mong masakit, kakapit ka pa rin. I just wish na I could change everything. Na sana, hindi nalang tayo nagkita at nagkakilala. Sana volleyball nalang talaga yung minahal ko. Sana nung una palang nalaman ko na masasaktan ako eh di sana, naihanda ko yung sarili ko para hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon. Sana ikaw nalang si Thomas Torres na basketball player at ako naman si Ara Galang na volleyball player. Hindi yung Thomas Torres na Mahal si Ara Galang.”

Nagsisimula naman siyang umiyak. Ang gusto ko lang naman eh pagaanin ang mood. I do still love her. I’ll love her to infinity and beyond. Di ko alam pero……….

“I love you but, You can’t love me anymore Ara. Di mo na ako pwedeng mahalin ulit.”

-------------------------------------------------------------THE END--------------------------------------------------------------

Di, joke lang! :p Since mahal ko kayo, ieextend ko at kasi nga sabi niyo gusto niyo happy ending. Well, I can’t promise you that. But I’ll try my best. Aja! (:

Thank you for your continuous patronage (:

See you next chap! Thank you sa vote at comments. Continue supporting please.  ^____^

--AM xx

RUNAWAY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon