AGKB 6: New Job

5.5K 225 4
                                    

Chapter 6 - New Job

Alphia's POV

"Okay. Let's begin. Day one of five months." napaubo naman ako sa sinabi niya.

"A-ano bang gagawin ko?" tanong ko naman.

"As I can see, wala ka ngang kamuwang muwang tungkol sa mga relationships. NBSB ka din sa pagkakaalam ko." sabi pa niya at tumayo mula sa pagkakaupo. Kunot noong sinundan ko siya ng tingin.

"NBSB? Ano yun?" takang tanong ko.

"No boyfriend since birth." sagot niya at tumingin sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin at tumahimik. Pinakiramdaman ko na lang ang mga titig niya.

"So, as I was saying, sa linggong ito ay kunwaring liligawan kita. Pagkatapos ay sasagutin mo na ako." agad naman akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Huh?"

"Next week, your real job will start. Sa ngayon, hayaan mo akong ipaliwanag sayo ang lahat." sabi niya at naglakad pabalik sa upuan niya upang maupo.

"I guess, alam mo na ang rason kung bakit ko ginagawa ito. It's for the sake of my company." Tahimik lang akong nakikinig sa kanya at naghihintay ng kasunod niyang sasabihin "My dad is a wise man. Alam niyang weakness ko ang kumpanyang ito. Gusto ni Daddy na magka-girlfriend na ako."

"Bakit? Hindi ka pa ba nagkaka-girlfriend?" tanong ko na siyang ikinatahimik niya. Mali ba ang tanong ko? "Sorry. Di mo naman kailangang sagutin." dugtong ko pa. Kita ko naman ang bahagyang pagtango niya.

"Ayun nga, gusto ni Dad na magka-girlfriend ako. At ito lang ang paraan para makahanap ako ng babaeng gagamitin ko. Kaya ako naghiring dahil dito." explain pa niya.

"Pero bakit kailangan mo pang mag-hire? Pwede ka namang magmahal ng totoo ah?"

"Yes. Pwede akong magmahal ng totoo. Pero ang mamahalin ko ba ay magiging totoo?" bakas ang lungkot sa mga mata niya habang sinasabi niya yun "Ang iba- or should I say, lahat. Lahat sila ay yaman lang ang habol sa akin. Kaya ngayon, I chose my job. Just my job and nothing nor no one else. Kaya kung kailangan kong gumamit ng ibang tao para lang maisalba sa ang kumpanya ko ay gagawin ko."

'Gumamit ng tao?'

Hindi ko alam pero biglang nag-igting ang bagang ko at agad akong napatayo dahil sa sinabi niya.

Parang may sariling buhay ang mga paa ko at naglakad papalapit sa kanya.

"Kung ganyan lang din naman, hindi ko tatanggapin ang trabahong 'to." sabi ko kasabay ng pagbibigay ng isang malakas na sampal.

Gulat siyang napatitig sa akin at maski ako ay nagulat sa ginawa ko. Dahil sa hiya, nagmadali akong lumabas sa office niya.

'Nakakahiya ka Alphia! Ba't mo ba yun ginawa?!' singhal ko sa sarili.

Pero hindi eh. Tama lang sa kanya yun.

Buong akala ko, mabait siya. Pero hindi pala. Manggagamit siya. Paano? Paano niya naaatim manggamit ng ibang tao na wala man lang pakialam sa mga nararamdaman nito? Napakamakasarili niya.

Sumakay ako ng tricycle papauwi sa bahay. Hindi ko natawagan si Kuya Oliver para sunduin ako kasi nga wala akong cellphone.

Habang nasa byahe, napadaan kami sa isang mini resto.

'Wanted, waitress.'

Pagkabasa ko nyan ay agad kong pinara ang tricycle at bumaba. Kailangan ko ng panibagong trabaho.

Naglakad ako papasok sa mini restong sinasabi ko. Agad ko namang tinungo ang cashier.

"Magandang hapon. Ah, yung tungkol sa-" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay agad na siyang nagsalita.

"Mag-aapply ka ba?" nakangiting tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot.

"Sandali. Tatawagin ko lang si Madam." pamamaalam niya at umalis.

Umupo ako sa isang bakanteng upuan habang nililibot ang tingin ko sa kabuoan ng resto.

Okay naman siya. Siguro sapat na. Desperada na akong makapagtrabaho ngayon. Kailangan ko ng makapagpadala kay Mama. Kesa naman dun ako sa maayos na trabahong mataas ang sahod, pero manggagamit naman ang amo. Tsk.

Maya-maya pa'y bumalik na yung babae kasama ang isang babaeng nasa trenta siguro ang edad.

"Ma'am, siya po yung mag-aapply." sabi pa niya at bumalik sa puwesto niya sa kahera.

"Pangalan?" panimula ni Madam este yung may-ari ata nitong resto.

"Alphia Acuzena po." magalang na sagot ko.

"Ilang taon?"

"Nineteen po."

"Get yourself ready. Ask Hazel about your duties in here." sabi pa niya at umalis na.

Ibig sabihin ba no'n ay- tanggap ako?

Napangisi ako ng malaki. Thank you, Lord.

Lumapit naman ako sa babaeng nasa kahera upang magtanong kung sino si Hazel. Hindi naman mawala ang ngisi sa labi ko.

"Tanggap ka?" nakangiting tanong niya. Tumango naman ako. "Galing!" pumapalakpak pang puri niya. "Ako nga pala si Hazel." pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay. Siya pala si Hazel.

"Alphia." pagtanggap ko sa kamay niya.

Pagkatapos naming magkamayan ay tumungo siya at may kinuha.

Uniform.

"Yan ang uniform mo dito. Kasya na siguro yan sayo. Maliit ka naman eh." halakhak pa niya. Napatawa na lang din ako.

Kinuha ko ang uniform at nilabas ito mula sa balot.

"So, ang gagawin mo lang naman dito ay magseserve ng pagkain. Kung absent naman ako ay pwede kang pumalit dito sa akin sa kaha." sabi niya habang ako naman ay tinitingnan ang unipormeng bigay niya.

"Pero alam mo ba? Kahit maliit lang ang restong ito ay laging punuan 'to?" pagkasabi niya nun ay agad akong napatingin sa kanya na para bang nagtatanong. "Sikat itong mini resto na ito sa mga small gatherings. Gaya na lang ng reunion ng barkada, small party, small celebrations. Ganun." napatango-tango naman ako sa mga sinabi niya.

Muli kong inilibot ang paningin ko sa resto. Katamtaman lang ang laki niya. Sapat nga lang talaga para sa mga small gatherings.

"Ang sahod dito ay five hundred a week." sabi pa niya. Tumango na lang ako.

Sapat na rin ang limang daan. Linggo-linggo kong padadalhan si Mama ng tatlong daan. Habang ang dalawang daan ay iipunin ko para kapag nawalan na ako ng trabaho ay may ipon ako kahit papaano. Ayos naman ako dahil libre ang pagkain at tirahan ko kina Tita.

"Sige. Ayos na din ang trabahong ito sa akin. Desperada na talaga ako eh." tumatangong sambit ko pa. Ngumiti naman siya sa akin.

"Kailan ba ako mag-uumpisa?" tanong ko pa.

"Ngayon."

Ang Girlfriend Kong BisayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon