AGKB 54: All mine

3.4K 129 12
                                    

Chapter 54 - All mine

Kien's POV

"Sir, saan po ipupuwesto itong lamesa?" tanong ng isang helper sa akin tukoy niya sa nag-iisang lamesa sa may tabi.

"Ah, pwedeng doon na lang." nakangiting sagot ko habang tinuturo ang isang magandang spot at area para sa huling lamesang bitbit niya.

Tumango naman yung helper at inilagay 'yon sa tinuro kong lugar. Nagmasid ako sa mga inaayos. Tables and chairs are everywhere. Of course, 'yon ang gagamitin ng mga bisita.

Maliit lang itong lugar na 'to. Sapat na siguro para sa limampung katao. Hindi naman na kami mag-iimbita ng sobrang daming tao. Kami-kaming magpapamilya at pamilya ng mga kaibigan lamang.

"Kristoffer.." dinig kong tawag sa akin ni Marren. Nilingon ko siya. Nakita ko siyang bitbit ang isang plastic bag kaya agad ko naman itong kinuha mula sa kanya.

"Oh? Kamusta? Anong sabi ni Arnold?" tanong ko. Ngumuso naman siya at nagkamot ng ulo.

"Alphia's not doing well. She's being too stubborn." nakangiwing pagbabalita niya sa akin. Napatawa naman ako't napailing.

"Hayaan na. Bukas na rin naman. Let's just focus on our real goal today. We should finish this one." sinabi ko na lang at tinignan ang mga pinamili niya na nakalagay sa plastic bag.

Dalawang gunting, glue, samo't-saring colored paper, cartolina, crepe paper, scented papers at kung ano-ano pang uri ng papel. 'Yon ang mga laman ng plastic bag na pinamili pa mula sa bayan. Yes, mula sa bayan. Bumyahe pa si Marren ng halos twenty minutes papunta doon para bilhin ang mga 'to. We will be needing these things para sa gagawin naming handmade designs na siyang gagawin ding palamuti sa kabuuan ng venue.

"Kris, bading pala si Arnold ano?" biglaang sambit ni Marren. Nangunot naman ang noo ko at tumingin sa kanya.

"Paano mo naman nasabi 'yan? Eh may gusto nga 'yon kay Alphia eh." nakaismid na sabi ko.

Umiling siya at naupo sa isang bakanteng upuan. Humalukipkip siya at malimit akong tinitigan. "Sigurado ka? Paano mo rin ba nasabi 'yan? May sinabi ba siya?"

Nagkibit balikat naman ako at inilapag sa lamesang nasa harapan niya ang plastic bag na kanina ko pa hawak. Hinila ko naman ang isa pang bakanteng upuan sa may bandang tabi niya at doon naupo.

"Wala siyang sinabi but action speaks louder than words, right? At 'yon ang nakikita ko sa mga galaw niya."

"Yes! But action without words are confusing, Kristoffer. At si Arnold na rin mismo ang nagsabi sa akin kanina." nakangising sabi niya na para bang nagpipigil pa ng tawa.

"He told you what?" kunot noong tanong ko.

"Sabi niya, kung hindi ka lang daw pag-aari ni Alphia, ginahasa ka na niya." pagpapatuloy niya atsaka humagalpak ng tawa.

Nakakabading pero literal akong napairap at napangiwi dahil sa sinabi niya. Ginahasa? Oh, what a term. It's quite gross.

"What the heck, Marren. Seriously?" nakangiwing reaksyon ko.

Mas lalo siyang humagalpak dahil sa reaksyon ko. Sinasabayan pa niya ng hampas sa lamesa. Naiiling na lang akong kinuha ang mga gamit sa loob ng plastic bag at isa-isang inilabas ang mga ito para makapagsimula na kami.

"What a face, Kristoffer! Grabe!" tumatawa pa ring asar niya sa akin habang ang kanang kamay niya ay nakahawak na sa tiyan niya. I bet she's dying cause of laughters. Tss.

"Ano ba 'yan, Marren? You're talking 'bout non-sense. Gawin na lang natin 'to para matapos na." seryosong sabi ko na siyang ikinatigil niya.

Sumimangot siya at kinuha ang isang gunting. "So serious!" ngumiwi siya at pabalang na kinuha ang isang colored paper. "But yes, I am serious about what I've said. Arnold's not that bad afterall. Hindi naman siya masama eh. Umiba lang ang tingin mo sa kanya dahil binigyan mo ng ibig sabihin ang pagkakaibigan nila ni Alphia."

I sighed and looked at her. "Alam ko. So, stop it. Let's just focus of what we're doing." tukoy ko sa ginagawa naming pag-gugupit ng mga papel. "Okay?"

Tumango na lamang siya at itinuon ang pansin niya sa pag-gugupit. I played along with the scissors. Shaping those red colored papers into hearts— ugh, corny!



We stayed busy for almost an hour. Hindi masyadong nag-iimikan dahil sa kagustuhan din naming matapos na ang ginagawa namin para makapagpahinga na rin kami. Too much of being serious and silent.

"Nagugutom na ako!" buntong hininga ni Marren. Well, ako rin naman.

"I'll just call Manong Bien to buy food for us." sabi ko at umakmang kukunin ang cellphone sa bulsa ko pero agad niya akong pinigilan.

"Wag na. I heard Auntie Melba cooked lugaw. Naamoy ko rin kanina no'ng dumaan ako sa bahay. Hehe."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Lugaw? Hindi ba't para sa may mga sakit lang 'yon?" nagtatakang tanong ko.

Umiling naman siya at ngumisi. "'Yon din ang akala ko noon eh! But when Arnold—"

Nang binanggit na niya ang pangalang Arnold, agad ko ng pinutol ang pagsasalita niya at tumayo na ako. Inayos ko na rin ang kaunting gusto ng t-shirt na suot ko.

"Tara na. Nagugutom na rin ako." sabi ko.

Tumango siya at tumayo na rin. Saglit pa naming inimis ang mga kalat at itinabi sa isang safe na lugar kung saan hindi ito masisira at magkakalat.

"Andoy, uuwi lang kami saglit. Kakain lang. Kumain na rin kayo. Magpapadala na lang ako kay Manong Bien ng kakainin niyo." paalam at bilin ko sa isang helper.

Tumango naman siya. "Sige ho, Sir." sagot niya at bumalik sa kanyang ginagawa.

I took a last glance of the people who're busy making and arranging the venue. Pagkatapos ay umalis na kami at umuwi.

"Oh Kien, Marren, tamang-tama, nagluto ako ng lugaw para sa meryenda. Pasensya na't lugaw lang 'to." bungad sa amin ni Auntie Melba na naghahain na sa lamesa.

Pinasadahan ko ng tingin sina Oliver, Jonathan at Helen na nakaupo sa harapan ng hapag. Wala si Uncle dahil nagliliwaliw raw sa may bukid.

"Kamusta do'n sa venue? Mag-aayos na rin kami dito para bukas." sabi pa ni Helen.

Ngumiti naman ako ng bahagya at naupo sa isang bakateng upuan kasalungat sa isang hanay ng linya na kinauupuan ng magkakapatid. Tumabi naman sa akin si Marren.

"Maayos naman. Malapit ng matapos. Yung handmade designs na lang namin ni Marren ang kulang. We're actually finishing those out." sagot ko.

"Aba'y mabuti! Excited na ako para bukas nako!" singit ni Auntie at inilapag ang isang bowl na naglalaman ng lugaw. "Sa ngayon, kainan na muna!"

Nang sinabi 'yon ni Auntie Melba, nagkanya-kanya na kaming kumuha para sa sarili namin. We ate in silence.

Habang kumakain, hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng palihim dahil sa mga kaisipan na biglaang sumagi sa isip ko..

Ilang oras na lang, makikita ko na siya. Ilang oras na lang, mayayakap ko na ulit siya. At ilang oras na lang, she's mine again. All mine.

Ang Girlfriend Kong BisayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon