AGKB 45: Let the show begins

3.8K 134 13
                                    

Chapter 45 - Let the show begins

Kien's POV

"Oh? Bilisan mo na dyan, hijo. Nasa labas na sina Alphia." sabi ni Tita.

Napanguso ako at napakamot sa batok. Galit pa rin sa akin si Alphia dahil sa paghalik ko sa kanya kahapon. What's with the kiss, anyway? She's my fiancée. So, what's the big deal? Ito si Alphia minsan hindi ko maintindihan ang topak eh.

"Arnold ba! Pagpuyo!" rinig kong halakhak ni Alphia mula sa labas.

Hindi ko ugali ang pag-irap pero kung bibilangin ang pag-irap ko, mga nasa hundred times na. Isa pa 'yan! Naiinis ako at naiirita. Ako, hindi niya ako kinakausap tapos didikit-dikit siya dun sa Arnold na 'yon? Aba! Nakakalalaki na siya ah?

"Hijo!" pagtawag sa akin ni Tita na ikinagulat ko.

"P-po? O-opo! Nandyan na po." sagot ko at inayos na ang gamit ko.

Pangalawa't huling araw na namin dito sa Santa Maria. That's why we're making the most out of it. It's just six in the morning at nag-aayos na kami. Pupunta kasi kami sa isang tourist spot dito sa probinsya nila. May isang falls daw na tago at maganda ang tanawin. What was the name of that falls again? Hiniya? Hinila? Hilaya? Hin— what the... Nevermind. Tatanungin ko na lang si Alphia mamaya. Oh yes, Alphia. Hindi pa nga pala kami maayos.

Isinukbit ko sa balikat ko ang bag na dadalhin ko. Nandito na ang mga gamit namin ni Alphia. Kanina pa siya nag-ayos noong natutulog pa ako. Kita niyo na? Hindi niya ako pinag-ayos ng gamit.

Lumabas ako mula sa kwarto at agad na sumalubong sa paningin ko ang nag-uusap at nagtatawanan na sina Alphia at Arnold.

"Alphia.." pagtawag ko nang medyo malapit ako sa kanya pero hindi niya man lang ako nilingon o kahit na tinignan at patuloy pa rin na nakikipag-usap kay Arnold.

Napasimangot ako dahil sa hindi niya pagpansin. Umupo ako sa pahabang kahoy na upuan nila. Malakas ang pagtawag ko sa kanya at tama lang para marinig niya. Alam kong naririnig niya ako pero hindi niya man lang ako pinapansin. Damn it. I hate the feeling of being ignored.

"Alphia.." pagtawag ko ulit sa kanya. Nakaupo pa rin ako habang nakatingin sa kanya.

Mula sa pagkakasimangot, napakunot ang noo ko nang makita kong palihim na sumesenyas si Arnold. 'Yong sensyas niya ay para bang nginunguso niya ako at sinasabi kay Alphia na tinatawag ko 'to pero.. wala, hindi pa rin ako pinapansin. Hindi ko na rin nakita ang reaksyon ni Alphia dahil bahagya siyang tumalikod.

"Tara na! Hinilaya falls, paadto na mi!" masiglang sabi niya habang nakangiti pa.

Ah.. 'Yan pala ang gusto mo? Hindi mo ako papansinin? Sige. Tignan natin kung sino ang mas matigas sa atin ngayon Alphia.


Hanggang sa makarating kami, ganun pa rin. Walang pansinan. Pinanindigan eh. Pero sige, papayag ako. Tignan na lang natin.

Lumabas kami mula sa sasakyan. May lalakarin pa kami na twenty minutes din ang layo. Pababa siya. Kaya naman, kanya-kanyang bitbit ng mga gamit.

Dala ko ang mga gamit namin ni Alphia na nasa iisang bag lang, nakita ko namang nagbubuhat siya ng ibang gamit na dala namin gaya nung basket na may lamang pagkain. Kaso bago ko pa kunin sa kanya, naunahan na ako ni Arnold.

Napailing na lang ako at nangunot noo. Naiinis ako pero nag-iisip din ako kung paano kami magkakabati ulit ni Alphia. Kung tutuusin, hindi naman ako kay Alphia naiinis, kundi kay Arnold. Hindi ko alam kung bakit pero naiirita ako tuwing kausap niya si Alphia o malapit si Alphia sa kanya.

Insecurities are striking me. Bukod sa matagal na silang magkasama, may kung ano pa sa pagkakaibigan nila na hindi ko maintindihan. Damn it. I'm freaking jealous. How I wish Dad hadn't manipulated my own decisions. Kung sana, nakapagsimula rin kami ng maayos ni Alphia pero... makikilala ko nga ba siya kapag nagkataon? Well, I don't know. Basta ngayon, I'm just jealous. Nagseselos din ako dahil mas nakakausap niya pa si Arnold kesa sa akin na mapapangasawa niya.

Ang Girlfriend Kong BisayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon