AGKB 35: View

4.4K 147 31
                                    

Chapter 35 - View

Kien's POV

"Tara sa roller coaster!" parang batang anyaya niya habang hinihigit ang laylayan ng damit ko.

Nandito kami ngayon sa peryahan. Oo, peryahan lang dahil ayaw raw niya sa EK o sa Star City man lang dahil ang mahal daw. Minsan nasobrahan din 'tong babaeng 'to eh. Sobrang tipid.

Mula naman nang magka-ayos kami (which is two weeks ago), lagi na kaming magkasama. Kahit ubod siya ng kulit, I can still stand with her attitudes lalo na ang pagiging moody and bipolar niya. Minsan pa kaming nanuod ng movie sa condo niya, yung Kita Kita ba yun? Tagalog eh, ayaw niya raw ng english dahil hindi niya maintindihan. Alam niyo bang pagkatapos naming panoorin yun ay nag-iiiyak siya at ako ang pinagbuntungan ng inis dahil daw namatay yung lalaki.

Oo nga pala, mula din nung nagkabati kami, kinabukasan nun ay bumalik na siya sa condo kasama si Helen. Kaya nga hindi natatapos ang isang araw na hindi kami nagkakasama. And of course, bumabawi rin ako sa kanya. Gaya nga ng sabi ko, I'll court her even though I already got her.

"Mamaya na. Dun muna tayo sa horror house." nakangising sabi ko.

"Eng eng ka ba? Nagshashabu ka ba? Nakahithit ka ba ng katol? Alam mo namang takot ako sa ganun diba?!" halos nanggigigil na sabi niya.

Natawa na lang ako dahil sa itsura niya na akala mo ay bulkang puputok na ng dahil sa inis. Kita niyo na? Pikon eh.

"Alphia." malambing na tawag ko sa kanya habang nakangiti. "I told you, I'll be your light in every darkness you'll get through." sabi ko at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "I never say promises cause hell, those are meant to be broke but I'll prove you everything sa pamamaraan na gagawin ko."

Being sweet and saying those kind of sugar words never been my thing but how did Alphia made me do?

"Sus. Daghan pa kaayo giingon!" tumatawang sabi niya at kinurot ang magkabilang pisngi ko. "Tara na nga! Basta wag mo 'kong iwan ha?"

Nginitian ko na lang siya at tumango.

Habang nasa loob kami nung maliit na horror house panay ang tili niya habang nakayakap sa akin ng mahigpit na akala mo ay parang tuko pero gaya nga ng sabi ko, I'll stay beside her. I'll be her light and I'll hold her.

"Humanda ka sa akin pagkalabas natin dito!"

Binantaan niya pa ako ha? Takot na takot siya. Well, I'm aware that she's afraid with this kind of thing but I want her to face her fear. I want her to face it with me. Gusto kong mawala ang takot niya sa mga bagay kasama ako.

"Bwisit ka!" sigaw niya at pinagkukukurot ako nang tuluyan na kaming makalabas mula sa horror house.

"Aray! Aray! Sorry na!" pagrereklamo ko habang pilit na hinuhuli ang kamay niya pero pilit din siyang nagpupumiglas.

"Bwisit ka talaga!" hirit pa niya at biglang humagulgol na parang bata. Nagulat naman ako dahil sa biglaang pag-iyak niya.

"O-oy!" natatarantang tawag ko sa kanya. Sht. Paano 'to?

"Sorry na." malumanay na sabi ko. Hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap ng mahigpit. Hindi naman na siya nagpumiglas pero patuloy pa rin siyang umiiyak.

"Nakakainis ka! Sabing ayaw ko dun eh! Tapos ang dami mo pang pambobolang ginawa! Bwisit ka talaga!" ngawa niya habang nasa bisig ko.

"Sorry na." muling sabi ko at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "Gusto ko lang naman mawala ang takot mo sa mga ganoong bagay na ako ang kasama mo. Gusto ko lang naman na kapag natatakot ka, mararamdaman mo na nandito pa rin ako. As what I've said, I won't leave you. Well, unless you say so. I'll always be your light, Alphia."

Ang Girlfriend Kong BisayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon