AGKB 18: Value

4.5K 184 14
                                    

Chapter 18 - Value

Alphia's POV

"Alph- Waaaaaah!" agad akong napabalikwas mula sa mahimbing na tulog dahil sa sigaw ni Helen.

"Ha?! Bakit?! Asan ang sunog?! Asan?!" natatarantang sigaw ko habang lumilingalinga. Pero agad akong napatigil dahil sa biglang paghagalpak ng tawa ni Helen.

"Y-yung mukha mo!" halos hindi na makahingang sambit niya. "Grabeee!" humahagalpak pa rin na sabi niya na sinasabayan pa niya ng paghampas sa study table niya.

Kunot noo ko lang siyang pinanuod sa ginagawa niya.

'Makatawa eh. Wala ng bukas? Matuk an unta na siya oy.' (Trans: Mabilaukan sana siya.)

"Grabe ka Phia! Yung mukha mo!" tumatawa pa rin sabi niya. "Ha?! Asan?! Asan?!" panggagaya pa niya sa ginawa ko habang tawang-tawa pa rin.

Aba! Malay ko bang wala palang sunog. Psh. Kung makasigaw kasi siya akala mo naman ninakawan kami o nakakita ng multo!

Ilang minuto din bago siya napagod kakatawa. Buti nga at napagod siya. Akala ko poreber na eh.

"Kaya lang naman ako nagulat dahil sa itsura mo eh! Akala ko kung sino. Ang ganda mo teh!" pagpapaliwanag niya.

Agad naman nanlaki ang mga mata ko at natauhan.

'Oo nga pala!'

Dali-dali naman akong lumapit sa salamin at tinignan ang mukha ko.

'Shemay! Galing nga pala kami ni Kien kahapon sa mall at kung ano-ano ang ginawa sa mukha ko!'

Pero- paano ako nakauwi?

Kumunot ang noo ko at pilit kong inaalala kung anong nangyari kahapon pauwi.

Ang alam kong huli ay- sumakay ako sa kotse ni Kien at nakatulog. Tapos? Hindi ko na maalalang nagising ako.

"A-ahh.. Helen?" baling ko kay Helen. "Kahapon, paano ako nakarating dito sa kwarto? Naglakad ba ako?"

"Hindi mo maalala?" tanong niya. Umiling na lang ako bilang sagot.

"Sabagay, tulog ka nga pala." sabi niya at lumapit sa may pinto na akmang lalabas. "Binuhat ka lang naman ni Kien2paakyat dito." nakangising sabi niya at tuluyan ng lumabas.

Binuhat ka lang naman ni Kien paakyat dito.

Binuhat ka lang naman ni Kien paakyat dito.

Binuhat ka lang naman ni Kien paakyat dito.

Binuhat ka lang naman ni Kien paakyat dito.

Binuhat ka lang naman ni Kien paakyat dito.

Binuhat ka lang naman ni Kien paakyat dito.

Binuhat ka lang naman ni Kien paakyat dito.

Ahh- ano daw?

B-bi- ano?

BINUHAT?!

Juicecolored.



"Bye Auntie, Bye Helen! Bye bye Jonathan at Kuya Oliver!" nakangiting pamamaalam ko. Binigyan naman ako ni Helen ng mapanuksong tingin habang isang kaway mula kay Auntie at tango naman mula kay Jonathan at Kuya Oliver.

Lumabas na ako ng bahay at pumara ng tricycle.

Saan ako pupunta? Malamang kay Kien.

Sampung minuto na byahe at dumating na din ako sa kumpanya. Pagkapasok ko sa lobby ay tinungo ko ang elevator at pinindot ang button papunta sa ikatatlongpu'ng palapag.

Ang Girlfriend Kong BisayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon