AGKB 49: His shoulder, her tears

3.5K 123 19
                                    

Chapter 49 - His shoulder, her tears

Alphia's POV

"Piyang! Nakakainis ka talaga!" nakangusong reklamo na naman ni Helen. Tinaasan ko siya ng kilay na para bang nagtataka.

"Bakit na naman?" tanong ko habang isa-isang inaayos ang mga gamit na dinala namin mula sa Santa Maria.

Nakauwi na kami. Mahigit isang oras na rin naman. At mula pagkarating ko, panay ang ganito ni Helen sa akin dahil hindi man lang daw namin siya isinama.

"Nakakainis talaga! Bakit hind—"

Hindi ko na siya hinayaang matapos ang sasabihin niya kaya inunahan ko na siya.

"Namanhikan lang naman po kasi si Kien. Di bale, wag kang mag-alala at panigurado ay sasama yun kay Mama pauwi dito sa kasal." sabi ko at bahagyang umismid.

Nakakarindi naman kasi 'tong si Helen. Paulit-ulit eh. Minsan nakakaasar pero hindi ko siya masisisi dahil gustong-gusto niya talagang makita si Arnold.

"Pero kasi..."

Bago pa man siya tuluyang makapag-reklamo ulit, inirapan ko na siya at itinuon na lang ang pansin ko sa mga gamit na inaayos ko.

Wala si Kien dito. Dumiretso siya sa kumpanya pagkatapos niya akong ihatid. Ang alam ko'y nandun pa rin si Marren.

Marren.

Ang sabihin at maisip ko lang ang pangalan ng nag-iisang babaeng minahal ni Kien, naninikip ang dibdib ko. Yung mga nangangarerang kabayo, para bang nawalan ng lakas at parang unti-unti silang namamatay. Masakit. Masakit isipin na kasama niya si Marren. Kahit pa sabihin nating ako na ang mahal niya, hindi mo pa rin maiaalis ang pangambang baka mawala ang pagmamahal niya sa akin at bumalik kay Marren. Walang imposible at malaki ang posibilidad na mangyari 'yon.

"Hoy Piyang, nakikinig ka ba?"

Napabalik lang ako sa huwisyo dahil sa pagtawag ni Helen ng atensyon ko.

"H-ha? A-ah.. Bakit?" tanong ko at inilagay sa cabinet ang huling damit na mula sa bag.

"Nasaan si Kien kako? Bakit hindi man lang siya dumaan dito? How ungentleman. Iwan ka raw ba sa lobby mag-isa?" taas kilay na pag-iintriga niya.

Magaling. Ngayon, nasa akin ang issue.  Pero sa tingin ko'y mas okay na ito kesa kulitin ako ng kulitin ni Helen tungkol kay Arnold.

Nagkibit balikat lang ako bilang sagot at inilagay ang bag na ginamit namin sa tamang lagayan. Pagkatapos ay naupo ako sa kama.

"Ang alam ko kasi ay dumiretso siya sa kumpanya dahil nandun sa office niya si Marren." sabi ko at marahan na hinilot ang batok ko.

Naupo sa tabi ko si Helen habang nakahalukipkip. Tinignan ko siya. Nakataas ang isang kilay niya na para bang may gusto siyang itanong at malaman. Hindi ko na 'yon pinansin dahil pagod na pagod din talaga ako mula sa byahe. Ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

"Sino si Marren?" gaya ng inaasahan ko, 'yan ang magiging tanong niya.

"Ex-girlfriend niya. Nagkaroon sila ng relasyon na halos limang taon." sagot ko.

Hindi ko alam kung ako lang ba o si Helen din— ang hindi nagustuhan ang tono ng pananalita ko— masyadong mapait eh.

"Oh? Five years? Iba rin! Matagal-tagal din ah? Paano yun? Magkasama sila ngayon? Iniwan ka ni Kien sa lobby para lang puntahan yung Mari.. Mara.. Marie.. sino nga ulit yun? Ah basta! Iniwan ka niya para puntahan ang ex niya?"

Tinignan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya.

Talagang pinapamukha sa akin ano? Nakakainis! Edi si Marren na ang importante! Pero siguro naman ay galit si Kien sa kanya diba? Nung sinabi naman ni Kylie na nasa opisina niya si Marren ay halos bumuga na siya ng apoy sa galit. Kaya naman, imposibleng may kung ano pa. Tama. Wala lang. Kasi ako ang mahal niya diba? Sinabi niya 'yon sa akin kagabi!

Ang Girlfriend Kong BisayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon