AGKB 51: Ayos lang

3.6K 131 31
                                    

Chapter 51 - Ayos lang

Kien's POV

"Tanga! Habulin mo! I'm sure bago pa lang yan! Anong oras pa lang oh! Wag ka ng tumunganga dyan! Stupid, Kien! Stupid!" sabi ni Marren. She called me Kien. Tinatawag niya lang ako ng ganyan kapag seryoso siya.

Napatingin ako sa kanya at tipid na ngumiti. "Alam kong maiintindihan ako ni Alphia. You need me right now." walang alinlangan na sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko at bahagyang napaawang ang bibig niya na para bang nangangapa ng sasabihin.

Alam kong maiintindihan ako ni Alphia. Alam kong mauunawaan niya na kapag sinabi kong kailangan ako ni Marren sa ngayon- because even Marren said that it's okay for her that I'll chase after Alphia, alam kong labag sa loob niya 'yon- and on the other side, kailangan ko rin si Marren ngayon dahil na nga rin sa sorpresang gagawin ko kay Alphia.

"S-sigurado ka ba? Kris, it's not right if you'll stay here beside me. Ang unfair kay Alphia nun. Yes, I need you but she needs you too. She needs you more than I do."

May parte sa sinabi ni Marren na tama but for now... umiling ako. I reached her right hand using my left hand habang ang kabilang kamay ko naman ay bitbit ang paperbag.

"Kumain na lang tayo. Then, we'll settle our plans." nakangiting pag-iiba ko ng usapan. Wala na rin siyang nagawa at tumango na lang.

Naglakad kami papalabas ng building patungo sa parking lot. Agad naman kaming sumakay sa kotse ko nang marating namin 'to. Nagsimula na rin akong magmaneho papunta sa isang restaurant kung saan kami madalas kumain noon ni Marren. Isang Korean Restaurant.

"Ayoko sa dating kinakainan natin ah."

Mabilis pa sa alas-kwatro akong napapreno dahil sa sinabi niya.

"Ha?" nagtatakang tanong ko.

"Ayoko sa datining kinakainan natin." pag-uulit niya. "Ayoko sa Korean Restaurant na 'yon. Nakakasawa."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. She used to love that restaurant. Halos kulang na lang noon ay ang tumira kami doon sa kadahilanang sobrang gustong-gusto niyang tikman lahat ng pagkain na nasa menu. Pero bakit ngayon... oh yeah, what would I expect? People do change unexpectedly.

"Okay. Saan mo gusto?" tanong ko at dahan-dahang iniatras ang kotse ko para mailiko ito sa ibang rota.

"Kahit sa McDo na lang." sagot niya na halos ikinabingi ko.

"Anong sinabi mo?" tanong ko. Para talaga akong nabingi sa sinabi niya eh.

"Sa McDo." ulit na sagot niya.

Napalunok ako't malimit siyang tinignan. "Marren... You used to love a Korean Restaurant while you hate McDo the most. Sa lahat ng kainan, 'yan ang pinaka-ayaw mo. Tapos ngayon?"

Nilingon niya ako at sinalubong ang mapanuring tingin ko sa kanya.

"Gaano katagal na nga ba tayong wala?" tanong niya na siyang ikinagitla ko.

Paano naman kami napunta sa ganitong topic?

"Almost two years." sagot ko.

"Two years." tumatango-tangong ulit niya. Humalukipkip siya at malimit na nakipaglaban sa mga tingin ko.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"You still remember those things huh? Alam na alam mo pa rin ang mga ayaw at gusto ko." sumilay ang ngiti sa labi niya nang sinasabi niya 'yon.

"Of course, hindi naman madaling kalimutan 'yon eh." kibit balikat ko.

Itinigil ko muna sa isang tabi ang kotse para hindi masayang ang gas habang nag-uusap kami kung saan ba talaga kami kakain.

Ang Girlfriend Kong BisayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon