AGKB 1: Maynila

10.1K 342 95
                                    

Chapter 1 - Maynila

Alphia's POV

Usok. Yan ang unang sumalubong sa akin pagkababa ko mula sa barko.

'Maynila.' bulong ko sa sarili. Juicecolored. Tulungan niyo akong makahanap ng trabaho sa lungsod na 'to.

Naglakad ako papasok kung saan ang intayan ng mga magsusundo. Agad ko namang natanaw ang isang pamilyar na babaeng kumakaway sa akin. Si Auntie Melba. Ang kapatid ni Papa na siyang titirahan ko dito. May kaya naman sila kahit papaano dahil sa may karinderia sila. Kasama ni Auntie si Jonathan na bunsong anak niya. Naglakad naman ako papalapit sa kanila ng nakangiti.

"Alphia!" tawag niya sa pangalan ko.

"Hi Auntie!" bati ko sa kanya sabay binigyan siya ng isang halik sa pisngi.

"Kamusta ka? Kamusta si Mama mo?" tanong pa niya. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at sinabing "Ayos naman po."

"Naku. Sorry nga pala di kami nakapunta nung libing ni Kuya Melchor. Wala din kaming pera pamasahe eh. Nalulugi din kasi ang karinderia nung mga oras na yun. Idagdag mo pa ang tuition ni Jonathan at iba pang bayarin."

"Ayos lang ho yun Auntie. Salamat nga po pala sa pinadala mong pera. Malaking tulong din po yun para mabigyan ng maayos na libing si Papa."

"Oh siya, sa bahay na lang tayo magkwentuhan." sabi pa niya "Jonathan, tulungan mo si Ate Phia mo magbuhat ng gamit." baling naman niya sa anak.

Naglakad na kami papalabas. Naghihintay pala sa labas si Uncle Hilnard na asawa ni Auntie, si Kuya Oliver na siyang panganay na anak nila at si Helen na pangalawang anak.

"Hi Phia!" sabay-sabay na bati nila. Nginitian ko lang sila at kinawayan.

Meron palang jeep sila Auntie na ginagamit din nilang kabuhayan na siyang sasakyan namin ngayon na ginamit pangsundo sa akin. Ngayon ko lang napansin na kompleto pala sila sa pagsundo sa akin. Hindi ko alam pero sa pangalawang pagkakataon, naramdaman ko ulit ang buong pamilya.

Si Uncle Hilnard ang nagdadrive kasama si Auntie sa harapan ng jeep. Habang kaming apat naman dito sa likod naka-upo. Katabi ko naman si Helen na ngayon ay pinapaulanan na ako ng tanong.

"Phia! Ano? Nagkikita ba kayo ni Arnold? Ha? Siguro ang pogi pogi na niya!" tili pa niya. Si Arnold ay minsan ng nakalaro nina Helen at Kuya Oliver nung mga bata pa kami noong nagbakasyon sila sa amin. Dati pa lang sinasabi na ni Helen na may gusto siya kay Arnold.

"Tama ka nga. Malaki din ang pinagbago ni Arnold." nakangiti pang sabi ko dahilan para mas tumili pa siya lalo.

"Oy Phia ha! Baka mamaya may gusto ka na din kay Arnold Mylabs!" nakangusong sabi niya. Napangiwi naman ako dahil dun at tumawa.

"Hindi ah. Sayong-sayo yun. Wala sa utak ko ang mga gusto-gusto na yan."

Si Arnold ay kababata ko. Isang daan din noon kung paano nakilala nila Helen si Arnold ay dahil sa pagkakaibigan namin. Madalas kaming maglaro noon ni Arnold. Best friends ang turingan namin. Para ko na ngang kapatid yun eh. Natatawa na lang kaming pareho kung minsan kaming napagkakamalang mag-nobyo't nobya. Ngunit isang sikreto ang hindi nila alam. Bading si Arnold. Sayang nga eh. Gwapo pa naman sana.

"Naku! Patay ka talaga sa akin Phia kapag inagaw mo sa akin si Arnold!" pabirong sabi pa niya. Natawa na lang ako pati si Kuya Oliver na nakikinig lang sa amin.

'Naku. Kung alam mo lang Helen.' natatawang iling ko sa sarili. Baka magwala pa siya kapag sinabi ko eh.

Hindi pa man nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Tinulungan naman ako ni Kuya Oliver sa pagbubuhat ng mga gamit ko papasok sa bahay.

"Oh Phia, magkasama na kayo ni Helen sa kwarto ha. Sa kabilang kwarto naman ay kwarto nila Kuya Oliver mo at Jonathan. Sa pinakadulo naman ang kwarto namin ng Uncle mo. Sabihan mo lang si Helen o hindi kaya kumatok ka lang sa kwarto namin kung may kailangan ka." sabi pa ni Auntie. Nagpasalamat naman ako at pumasok sa kwarto namin ni Helen.

Pagkapasok ko ay may kamang double deck. Nilapag ko naman ng maayos sa tabi ang mga bagahe ko.

"Doon ka sa taas. Pwede rin tabi tayo." halakhak na sabi ni Helen. Napailing na lang ako dahil doon.

"Ah, Helen. Pwede makahiram ng cellphone? Tatawagan ko yung kapitbahay namin para makausap ko si Mama."

Pinahiram ako ni Helen ng cellphone at lumabas siyang saglit dahil tutulong daw siya sa karinderia. Kinuha ko naman ang nakasingit na papel sa bulsa ng bag ko kung saan nakasulat ang number ng kapitbahay namin. Agad ko namang dinial.

Mga tatlong ring bago ito sinagot.

(Hello? Kinsa ni?)
(Trans: Sino 'to?)

"Manang Fe! Si Alphia ni. Pwede nako maka-istorya si Mama?"
(Trans: Pwede ko bang maka-usap si Mama?)

(Ay ikaw diay ni Piyang. Oh sige. Sandali lang)
(Trans: Ay ikaw pala 'to Piyang)

Mga two minutes din atang walang nagsalita sa kabilang linya.

(Anak! Naa na ba ka ila Auntie nimo?)
(Trans: Nandyan ka na ba kina Auntie mo?)

"Oo, Ma. Naa nako diri. Ma, I miss you."
(Trans: Nandito na ako.)

(Sus bataa ka. Kung pwede ra lagi ko mugukod diha ba. I miss you, too nak.)
(Trans: Sus kang bata ka. Kung pwede lang ako humabol dyan.)

"Sige na, Ma. Basig gamiton na ni Helen iyahang cellphone. Ayo-ayo diha, Ma ha. I love you."
(Trans: Baka gagamitin na ni Helen ang cellphone niya. Ingat jan, Ma ha.)

(Sige nak. Ayo-ayo sad diha. I love you too.)
(Trans: Ingat din jan.)

Pagkatapos nun ay pinutol ko na ang tawag. Binalik ko kay Helen ang cellphone niya at syempre di ko nakalimutang nagpasalamat.

Nagsimula naman akong mag-ayos ng mga gamit ko. Habang inaayos ko ang mga ito, hindi ko mapigilang hindi mag-isip ng malalim.

Ano kaya ang pwede kong pasukang trabaho dito?

Ano kayang buhay ang naghihintay sa akin dito?

Ano kayang-

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko dahil sa mga katanungan sa utak ko.

Lord, tabangi ko.

Ang Girlfriend Kong BisayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon