AGKB 16: Make Over

4.6K 185 4
                                    

Chapter 16 - Make Over

Alphia's POV

Pagkapasok namin sa mall, naglakad naman kami patungo sa isang salon.

Oo, salon. Kung ang naiisip niyo ay napakabaklang tignan na magpapa-ayos si Kien, wag kayong mag-alala, yan din ang sa tingin ko.

"Swir Kiyeyn." salubong kay Kien ng isang bakla na nagtatrabaho sa salon.

Ngumiti naman si Kien sa kanya habang nakapamulsa. "She's the one." sabi pa niya.

Pinagmamasdan ko lang silang mag-usap kaya naman nagulat ako ng mapatingin sa akin yung bakla habang nakangisi.

Nakakatakot siya. Yung ngisi niya akala mo nangangain ng tao.

"Hmm." tumatango-tango pang usal nung bakla habang at pinasadahan ako ng tingin mula sa tuktok ng buhok sa ulo ko hanggang sa mga kuko ko sa paa. "Hindi naman 'to mahirap ayusan. Konting kembot lang." sabi pa niya ng nakangiti.

Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla niyang kunin ang kanang kamay ko at pinaupo ako sa isang upuan.

Tumingin ako kay Kien na para bang humihingi ng tulong pero tumango lang siya at binigyan ako ng isang tipid na ngiti.

'Lah! Naunsa?!'

"Don't worry. Hindi kita kakalbuhin. Papagandahin lang kita." sabi pa ng bakla sabay kindat.

Apat na oras. Apat na oras na pinaglaruan ng buhok at mukha ko. Juicecolored.

Ang init ng pwet ko dahil sa pagkakaupo. Pakiramdam ko nga ay naluto na ang pwet ko. Nilalamig na din ako dahil sa buga ng hangin mula sa aircon.

"Tada!" ngising-ngisi na usal ng bakla.

'Tada ka diha! Tadahon nako imong nawong! Ka-amaw! Gidulaan akoang itsura.' (Trans: Tada ka jan! Tadahin ko mukha mo! Baliw! Pinag-laruan ang mukha ko.)

"Look!" nakangiti pang sabi niya at pinihit ang upuan na inuupuan ko paharap sa salamin.

Halos mapanganga ako at halos mahulog ang panga ko nang makita ko ang kabuoan ng itsura ko.

'Wow.' sabi ko sa isipan.

Hindi ako makapaniwala. Ako ba 'to? Talaga bang ako itong nasa harapan ko? Talaga bang a—

"Ang ganda mo." nakangiting puri ni Kien na siyang kakasulpot lang sa tabi ko.

Pakiramdam ko naman ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Juicecolored.

Tinignan ko ang repleksyon niya mula sa salamin dahilan para magsalubong ang mga mata namin.

'Shemay, colored na juice, amaw! Nakatingin din pala siya sa akin!'

Hindi ko na kinaya at ako ang unang umiwas ng tingin. Muli kong binalik ang paningin ko sa sariling repleksyon mula sa salamin.

'Ako ba talaga 'to?' wala sa sariling tanong ko.

Habang pinagmamasdan ko ang pagbabago ko, may isang bagay na sumagi sa isip ko...shemay—

—WALA AKONG PAMBAYAD PARA SA PAGPAPAGANDA NA 'TO!

Mabilis pa sa alas-kwatrong napatingin ako kay Kien na nakatingin pa rin sa akin. Ramdam koang pagkailang pero mas nangingibabaw ang hiya at takot.

Paano ako makakapagbayad nito? Wala akong pera! Huhu. Mag-one two three na lang kaya ako? Alam niyo yun? Yung one two three takbo! Kaso—

Napatingin ako sa pintuan ng salon at nakita kong may guard.

'Juicecolored! Walang takas.'

"Tara na, Alphia."  dinig kong aya ni Kien.

Binaling ko ang tingin ko sa kanya at binigyan siya ng isang nagmamakaawang tingin.

"Okay ka lang ba?" tanong pa niya ng mapagtanto niyang may kakaiba sa mga tingin ko.

'Amaw! Di niya ba kuha na wala akong pambayad?'

Nakanguso akong umiling bilang sagot sa tanong niya. "Eh kasi..."

"Kasi?"

"Walaakongpambayadditopwedepahiramngperababayarankosasunod."

"Ha?"

"W-wala akong pambayad." mahina— o sabihin na nating halos pabulong na sabi ko sapat na para marinig niya. Napatungo naman ako dahil sa hiya. Shems.

Sandali pang katahimikan bago ko narinig ang isang malakas na tawa ni Kien. Hindi sobrang lakas. Tama lang. Tama lang para maipakitang ako ang pinagtatawanan niya. Psh.

Mabilis ko namang naiangat ang paningin ko ng marinig ko ang mala-demonyo niyang tawa. Nakakaasar.

"B-bayad na yan. Binayaran ko na." sabi pa niya habang nagpipigil pa rin ng tawa. Tinignan ko naman siya ng masama pero hindi man lang siya natinag.

'Boset! Unsa ba diay ang kataw-anan?!' (Trans: Ano ba kasi ang nakakatawa?!)

"Psh." singhal ko at nauna ng lumabas ng salon. Ramdam ko naman ang paghabol niya.

"O-oy! Alphia!" dinig kong tawag niya na pakiramdam ko naman ay nagpipigil pa rin ng tawa.

'Kamatay!'

Agad ko namang binilisan ang paglalakad ko. Di ko alam kung saan ako pupunta pero isa lang ang gusto ko...

AYAW KO SIYANG MAKITA O MAKAHARAP MAN LANG.

"T-teka! Oy!" napapikit na lang ako ng mariin ng maramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.

'Kasasabi ko lang na ayaw ko siyang makaharap eh!'

"Look— joke lang yun. Sorry na." mahinahon na sabi niya. Tinignan ko naman siya habang nakataas ang kilay.

"Psh." singhal ko na may tono na para bang wala na akong ibang mapagpipilian kundi ang patawarin siya. Kaya naman dahan-dahang naipinta sa labi niya ang ngiti.

"Ang cute mo magalit." natatawang sabi niya at bahagya pang ginulo ang buhok ko.

Napairap na lang ako dahil sa ginawa niya.

"Gutom ka na ba? Kain muna tayo bago kita bilhan ng mga gamit." sabi niya habang nakapinta pa rin sa labi niya ang mga ngiti.

Wala naman na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Wala akong pera eh. Kung mag-iinarte ako dito, edi maiiwan ako.

Pinagtalunan din namin kung saan kakain. Wala na nga akong alam ako pa ang pinapapili. Shungaon pud diay ni siya noh? (Trans: May pagka-shunga din pala siya ano?)

Kaya ang pagtatalo namin ay nauwi sa— JOLLIBEE.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya habang pareho kaming naglalakad papunta sa pila ng counter.

"Kung ano ang sa'yo, yun na din ang akin."

"Sige."

Pagkatapos ng tanungan  na 'yon ay iniwan ko na siyang mag-isa sa pila para maghanap ng mauupuan.

Hindi naman sa kalayuan ay may natanaw akong bakanteng upuan na pangdalawahan kaya agad naman akong lumapit doon upang maupo.

Lumipas ang limang minuto bago natapos mag-order. Pagkatapos niyang mag-order ay naglakad siya sa kinaroroonan ko at naupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. Sampung minuto naman bago dumating ang order namin.

Hindi na kami nagsayang ng oras at agad naman kaming kumain. Pareho kaming gutom kaya tahimik lang kaming kumakain.

'Ikaw kaya umupo doon ng apat na oras at hintayin mo ring matapos ng apat na oras. Di ka ba magugutom? Psh.'

Mabilis din naman naming natapos ang pagkain namin kaya nagkayaan na din kaming umalis at tumungo papunta sa second floor ng mall.

Ang Girlfriend Kong BisayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon