AGKB 43: Pamanhikan

3.4K 151 33
                                    

Chapter 43 - Pamanhikan

Alphia's POV

"Oh anak, kani oh, pagkaon. Mangaon mo. Naa lang ko'y adtuan kadyot. Mubalik ra ko." sabi ni Mama habang nilalapag ang isang plato ng tinapay at pitsel ng juice sa maliit na lamesang nasa harapan namin tapos ay saglit pa kaming iniwan ni Kien dito sa salas. (Trans: Eto oh, pagkain. Kumain kayo. May pupuntahan lang ako saglit. Babalik ako.)

Nilingon ko si Kien na hanggang ngayon ay nakangisi. Hindi ko maintindihan pero parang sobrang saya niya at ang ipinagtataka ko pa ay kilala siya ni Mama. Bakit? Paano?

"Hoy Kien, tapatin mo nga ako.. Paano kayo nagkakilala ni Mama?" kunot noong tanong ko habang matalim siyang tinitignan.

"Secret." mapanuyang sagot niya at nananatiling nakangisi.

"Sasabihin mo o hindi?" pagbabanta ko.

"Nope. I won't tell." mapang-asar na sagot niya at humalukipkip.

"Ahh.. Ayaw mo? Hindi mo sasabihin? Edi bahala ka. Break na tayo!" pananakot ko at tinalikuran siya. Bahala siya!

"Oh come on, Love. Sa tingin mo ba hahayaan kong makawala ka sa akin? Akala mo ba hahayaan kong makipag-break ka na lang ng basta-basta? Of course not. You're mine, Alphia. At kaya tayo nandito dahil hihingiin ko na ang kamay mo at basbas ng nanay mo."

Nag-init naman ang pisngi ko aa sinabi niya. Kainis! Pakiramdam ko tuloy ang ganda-ganda ko. Hehe. Si Kien kasi eh!

"E-ewan ko sayo! Nakakainis ka! Ang yabang mo!" pagmamaktol ko.

Bakit kasi hindi na lang niya sabihin?! Nakakainis!

"Ano namang kayabangan do'n, Love? Besides, I have my ways. Hindi mo man lang ba naisip 'yon? I find ways." sagot niya habang pinipilit ipaharap sa kanya ang nakatalikod na ako pero nananatili akong tahimik at walang kibo.

Bahala talaga siya!

"Come on, Love. Wag ka ng magtampo. Hmm?" halos mapatalon naman ako sa gulat ng maramdaman ko na pumulupot ang kamay niya sa baywang ko at naramdaman ko rin ang hininga niya sa may bandang leeg ko. Nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

Hindi ako makapagsalita. Halos hindi nga ako makahinga eh. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng hininga. Ang ginagawa niya sa akin.. nakakapanghina. Nakakawala ng lakas.

"Wag ka na magtampo. Sorry, but I can't tell it right now. Malalaman mo rin naman kung bakit at paano. In a right time, Love. Right time." pabulong na sabi niya. Halos tumindig lahat ng balahibo ko sa hangin na dumadampi sa tainga ko mula sa bibig niya.

"O-okay." tanging naisagot ko. Ewan ko. Sadyang hindi ako makakuha ng lakas.

"Good." nakangiting sabi niya at kaunting lumayo sa akin.

Nakatalikod pa rin ako sa kanya pero ramdam kong nakatitig siya sa akin kaya hindi ko magawang harapin siya. Nakakailang.

"Love, humarap ka sa akin." seryosong sabi niya. Sa pagkakataong 'to, talagang tumindig na ang balahibo ko.

"A-ayoko nga!" nauutal na sagot ko.

Iba na yung pakiramdam ko. Hindi ko alam pero sobrang bilis ng kalabog ng dibdib ko tapos nanlalamig ang kamay ko pero ang init ng pakiramdam ko sa mukha. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga.

"Love.."

Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ko ang haplos niya sa balikat ko. Bwisit ka, Kien! Bwisit!

"Come on.. Humarap ka sa akin. I want to see your beautiful face."

Pahingi nga ng gunting pwede? Puputulan ko lang 'tong buhok ko. Ang haba na eh. Atsaka, ang ganda ko raw. Hehe..

Pero bwisit talaga! Hindi ko mapigilang hindi ngumiti.. Masaya ako. Hindi ko alam ang rason pero masaya ako.

"Are you smiling? Kinikilig ka ano?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Biglang napawi ang ngiti ko at napalitan ng kaba. Sakpan!

"H-ha? H-hindi ah!" pagtatanggi ko na nakatalikod pa rin sa kanya. Pilit siyang sumisilip silip sa mukha ko kaya todo iwas naman ako.

"Sus. Kita ko na ngang naka-angat 'yang labi mo eh." pang-aasar pa niya.

"Ewan ko sayo uy! Bwisit!"

Akmang tatayo na sana ako para umalis ng bigla namang dumating si Mama..

"Oh? Asa pa man ka muadto? Paglingkod diha oy. Mag-istorya na ta."  (Trans: Saan ka pa pupunta? Maupo ka dyan. Mag-uusap na tayo.)

Napalunok naman ako dahil sa sobrang seryoso ni Mama. Tumabi siya sa akin kaya lumipat si Kien sa pang-isahan na upuan na nasa harapan namin. Ngayon, kami na ni Mama ang magkatabi habang si Kien ay nasa harapan namin.. Seryoso silang dalawa ni Mama habang ako dito kabadong-kabado. Juicecolored.

"Ma'am.." panimula ni Kien. Pinasadahan pa niya ako ng tingin kaya napaiwas ako at napunta sa pitsel ng juice ang paningin ko. Dali-dali pa akong nagsalin sa baso at uminom.

Bwisit. Natutuyuan ako ng laway sa kanilang dalawa!

"Ma'am.. I introduce myself—"

"Stop speaking in english, hijo."

Halos maibuga ko ang juice na iniinom ko nang nag-salita sa ingles si Mama.

"Kelan ka natutong mag-english, Ma?" hindi nakapag-pigil na tanong ko at ibinaba ang basong hawak ko.

"Hehe.. 'Yan lang din naman ang alam ko. Niresearch ko lang. Inggit ka ba? Sige, mamaya tuturuan kita."

Napailing na lang ako sa sagot niya. Napakaewan! Kahit kailan talaga 'to si Mama.. Ang loka!

Napatingin ako kay Kien dahilan para magkasalubong ang paningin namin. Nakatingin siya sa akin tapos yung... yung... yung labi niya... ano... ang pupula... tapos ano... naalala ko na naman ang halik niya.

Hoy Alphia! Kabuang. Pagpuyo diha!

"Gaya nga po ng sabi ko... Ako nga po pala si Kien Kristoffer Dela Vega. " saglit pa siya tumikhim at ngumiti. "Ma'am, nandito po ako para hingiin ang pahintulot at basbas niyo bilang magulang ni Alphia. Kung sakali pong papayagan niyo ako, maari ko po bang hingiin ang kamay ng inyong anak? Maari po bang ako naman ang mag-alaga sa kanya?"

Pakiramdam ko unti-unting natutunaw ang puso ko sa bawat salita ni Kien. Ang lakas... Sobrang lakas ng epekto sa akin.

"Hindi..."

Mas lalong lumakas ang kalabog ng dibdib ko nang marinig ko ang sagot ni Mama. Papalit-palit ang tingin ko sa kanila ni Kien. Si Mama ay seryosong-seryoso habang si Kien ay hindi na maipinta ang mukha. Paulit-ulit pa siyang napapalunok. Kita ko ang pagtaas-baba ng lalagukan niya. Ramdam ko ang kabang nararamdam niya..

'Shemay naman! Papa, si Mama oh!' pagsusumbong ko kay Papa na para bang naririnig niya. Sana naman mapabago ni Papa ang isip ni Mama. Papa, tuktuka gud ni si Mama unya oh. (Trans: Tuktokin mo si Mama mamaya.)

"Syempre hindi.." pag-uulit pa ni Mama.

Nanlulumo ako. Nanghihina ako. Ito na ba? Ito na ba ang katapusan namin ni Kien? Ito na ba ang huling pagkikita namin? Yung halik niya... 'yon na ba ang una't huli?

Naiiyak na ako. Pwedeng tumulo kahit anong oras ang luha ko. Nakakasikip ng dibdib.

"Syempre hindi pwedeng hindi ako imbitado sa kasal niyo. Ibibigay ko ang basbas ko pero sa oras na saktan mo ang anak ko, buong katauhan ng baryo namin ang susugod sa bahay mo."

Ang Girlfriend Kong BisayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon