AGKB 11: Decision

5.1K 210 9
                                    

Chapter 11 - Decision

Alphia's POV

Kinabukasan, bandang alas-kwatro ng umaga ako nagising. Alas-siete ang duty ko sa resto. Kaya din maaga akong nagising para makapagluto ng agahan nila Auntie at makatulong ng kaunti sa karinderia.

Pagkababa ko mula sa puwesto ko ay tinungo ko naman ang banyo para makapag-hilamos at sipilyo.

Pagkatapos kong gawin ang mga yun ay dumiretso na ako ng kusina.

Nadatnan ko naman si Kuya Oliver na nakaupo kaharap ang mga sangkap para sa ulam na lulutuin sa karinderia habang hinihiwa ang iba sa mga ito. Siya siguro ang naka-assign ngayon. Araw-araw kasi ay nagsasalitan sila ni Auntie kung sino ang magigising ng maaga para tumulong.

"Oh, Alphia. Aga mong nagising ah. Good morning." bati naman niya ng maramdaman niya ang presensya ko.

"Maayong buntag sad, Kuya. Alas-siete ang trabaho ko atsaka gusto ko rin munang makatulong sa pagluluto dito sa karinderia." sagot ko naman at umupo sa harap niya.
(Trans: Magandang umaga din, Kuya.)

"Naku, kaya ko na 'to. Nandyan din naman sila." turo pa niya sa tatlong katao na tumutulong sa karinderia.

"Ayos lang, Kuya. Hindi naman ako prinsesa para lang kumain dito. Itong simpleng pagtulong ko na lang ang kaya kong ibayad sa kabutihan niyo." nakangiting sabi ko at nagsimula siyang tulungan sa paghihiwa. Ngumiti lang siya pabalik at hindi na din umimik pa.

Maya-maya pa ng malapit ng lumabas ang araw, naisip kong magluto na para sa agahan nila Auntie. Kaya naman hinayaan ko na lang si Kuya Oliver para sa ibang pang gawain.

Natapos kami mga bandang alas-singko trenta. Tama lang para makapag-ayos na ako ng sarili para pumasok sa resto.

Nag-ayos na ako ng sarili ko. Habang nagbibihis ay naalala ko ang cellphone na binigay ni Auntie. Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko ito mula sa bag ko at hinalukay ang kabuoan.

'Unsaon man ni?' inis na isip ko nung hindi ko malaman kung paano ito gamitin.
(Trans: Paano ba 'to?)

Naiiling na may halong inis kong pinasok sa bag ko ang cellphone at bumaba. Nadatnan ko naman sina Auntie na nag-aagahan. Awtomatiko naman akong napangiti.

"Maayong buntag Auntie, Uncle at Jonathan." nakangiting bati ko.
(Trans: Magandang Umaga Auntie, Uncle at Jonathan.)

"Maayong buntag sad, Piyang." si Auntie. "Magandang umaga, Alphia." si Uncle. "Good morning din, Ate." at si Jonathan.

Wala si Kuya Oliver dahil natulog ulit habang si Helen naman ay tulog pa rin.

"Una na po ako." pamamaalam ko pa.

"Hindi ka na ba muna kakain?" tanong ni Uncle. Umiling naman ako.

"Hindi na po. Sa resto na lang po ako kakain." sagot ko pa. Tumango naman na sila.

Hindi na akong nag-abalang magpahatid kay Kuya Oliver dahil nga tulog pa siya at isa pa, alam ko naman na kung paano pumunta sa resto at kung ano ang sasakyan.

Tamang-tama at alas-sais trenta na. Sumakay ako ng tricycle. Mga sampung minuto lang naman ang byahe kapag nakasakay.

Pagkarating ko sa resto ay agad kong nakasalubong ang aming janitor na si Manong Onyo.

"Hi Manong Onyo! Kamusta?" nakangiting bati ko sa kanya.

"Mabuti naman, iha. Ikaw? Kamusta ang off mo kahapon?" tanong pa niya.

"Ayos naman po." nakangiting sagot ko at dumiretso sa counter kung nasaan si Hazel.

"Hi Phia!" bati niya pagkakita sa akin.

"Hello Hazel!" nakangiting sukli ko sa kanya.

Dumiretso ako sa staff room para makapag-bihis ng uniform. Nang natapos ako ay agad din akong lumabas para tumulong sa mga aayusin.

Inayos ko ang mga upuan habang si Hazel naman ay nagpupunas ng mga lamesa.

Pagkatapos namin ay naupo ako sa bakanteng upuan at pinakawalan ang isang malalim na buntong hininga. Bigla ko na namang naisip ang trabahong alok ni Kien.

'Babalik ba ako?' tanong ko sa sarili.

"Pinoproblema mo pa rin ba yung nangyari noong nakaraan?" halos mapatalon naman ako sa gulat sa biglaang pagsulpot ni Hazel sa gilid ko.

"H-ha?"

"Yung nangyari nung nakaraan kako. Inaalala mo pa rin? Yung babae?" pag-uulit na tanong niya at naupo sa bakanteng upuan sa harap ko.

Umiling naman ako at bumuntong hininga. "Nahihiya ako at nanghihinayang." sagot ko na bahagyang ikinakunot ng noo niya.

"Bakit naman?"

"Aalis ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Madam."

"A-ano?! Dahil ba yan doon sa nangyari nung nakaraan?" gulat na tanong niya pero bakas at hindi maitatago ang lungkot sa tono ng pananalita niya.

Tinignan ko siya at umiling ulit. "Hindi naman. Hindi naman ako ganun kababaw para umalis dito sa ganung dahilan lang."

"E-eh... P-pero bakit?" naguguluhang tanong pa rin niya. "Dahil ba dun sa lalaking kumausap sayo? Sino ba ang lalaking yun, Phia? Kaano-ano mo yun?" dugtong pa niya dahilan para mapaiwas ako ng tingin.

Wala sa dalawa ang dahilan ko. Ginagawa ko 'to dahil ito ang kailangan ko.

"Wala. Kaibigan ko lang yun." sagot ko ng hindi pa rin tumitingin sa kanya.

"Masyado ka namang pa-showbiz, Phia eh! Kung kaibigan mo lang yun eh bakit ganun siya kung makaasta?" bakas pa rin sa mukha niya ang pagkalito. Sorry, pero hindi ko masasabi ang totoo sayo, Hazel.

"Normal lang naman na mag-alala ang isang kaibigan sa kanyang kaibigan diba?" pagmamaang-maangang tanong ko.

"Pero hindi normal na ganun kung umasta ang isang kaibigan kung mag-alala para sa kaibigan niya. May pa-'Touch another piece of that waste and you'll never want what I'm going to do.' pa siyang nalalaman!" naalala pa ni Hazel yun? Ni ako ngang sinabihan at mismong malapit sa kanya ay wala na akong maalala sa mga sinabi niya eh.

"Okay. Kung yan ang gusto mong isipin, edi sige." sabat ko na siyang ikinagitla niya. Kahit ako man, naibahan ako sa tono ng pananalita ko.

Natahimik kaming pareho. Kahit naman ganito kami ay sapat na yung nagdaang tatlong araw na nakasama ko siya at mapamahal siya sa akin. Lahat ng nandito sa resto. Mamimiss ko. Sina Hazel, Ate Melen, Manong Onyo at iba pang kasamahan na hindi ko man lang nabigyan ng pagkakataon ang sarili kong makilala at mamemorya lahat ng pangalan nila.

Sa dami ng pangangailangan ko, nakapagdesisyon na ako.

Kailangan kong bumalik kay Kien. Kailangan kong tanggapin ang trabaho sa kanya kapalit ng perang kailangan ko para mapaayos ko ang lagay ni Mama.

Lord, palihog, imo kong bantayan sa akoang desisyon kay usahay ra bya tangaon pud ko. Unta dili ko magmahay.

Ang Girlfriend Kong BisayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon