AGKB 58: Mrs. Dela Vega

2.9K 129 13
                                    

Chapter 58 - Mrs. Dela Vega

Kien's POV

"Okay na ang lahat?" tanong ni Mommy.

Tumingin ako sa kanya at tumango, "Yes, Mom. Everything is settled."

Lumapit siya sa akin at inayos ang kwelyo ng tux ko. I saw a small curve flashed on her lips.

"You're a man now." she uttered.

Napasinghap ako. I can smell the drama.

"Mom..." pangunguna ko.

Ayoko ng masyadong madrama. Araw ko 'to eh. Araw namin 'to. Dapat masaya lang.

"I never expected that you'll be this far. Akala ko noon ikukulong mo na lang ang sarili mo sa nakaraan niyo ni Marren. But no, I was wrong. You became stronger. And I should thank Alphia for that."

Napangiti ako sa sinabi ni Mommy. Akala ko rin noon hanggang sa nakaraan na lang ako. I never saw myself loving other girls except Marren way back then. Akala ko, hanggang do'n na lang. Akala ko hanggang sa huling hininga ko, mag-isa ako. I never expected that Alphia would came. And here I am today. I became stronger and wiser. At dahil 'yon kay Alphia. Siya ang dahilan kung nasaan man ako ngayon. Siya ang dahilan kung bakit muli akong bumangon.

"Be a good husband, anak. Be a good father to your future children. Okay?"

Tumango ako nang nakangiti, "Of course, Mom. I will."

"Let's go. Groom and Bride na lang daw ang inaantay sa simbahan."

Groom and Bride. Napangiti ako nang ulitin ko sa sarili ko ang mga 'yon. Parang kailan lang deal at pagpapanggap lang ang nasa isip namin but now... we're on our way taking the journey of happily ever after.

Habang nasa byahe, sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Kaba, excitement, saya— all are positive. At yung saya ko ay parang wala ng mapaglagyan. Masyado ng sakop ng sistema ko ang katotohanan na sa araw na 'to, magiging isa kami.

Nang marating namin ang simbahan, I saw many familiar faces. Families and friends na invited. Yung iba naman ay ang mga business partners na close sa family namin.

"Nandyan na ang bride!" our wedding organizer announced.

Huminga ako ng malalim at palihim na ngumiti. This is it. Ito na yung araw na magpapabago ng buhay ko.

Wedding bells are ringing. Wedding musics are playing. Para akong wala sa sarili. Yung ngiti ko, halos abot tenga. Yung kaba ko, halos lumabas mula sa dibdib ko ang puso ko. Yung saya ko, wala ng paglalagyan. Pagkatapos ng araw na 'to, alam ko wala na akong hihilingin pa. Alam ko, sapat na ang lahat. Lahat lahat.

My smile went wider the moment I saw the woman with whom I'll be spending the rest of my life. Wearing the white elegant wedding gown, damn, it suits her so much. She's like a Queen and I am glad to say that she's my Queen. Kasama niya si Tita at Uncle na siyang naghahatid sa kanya patungo dito sa altar kung nasaan ako. And to tell you, ang sarap lang sa pakiramdam na makita siya at makasama sa ganitong pangyayari. Ang saya.

This is really it. After this, many things will change. Alphia and I will become as one, and we'll exchange our hearts. From this day, in front of many, in the name of our Lord, I'll promise that she'll be the one I'll love until my last breath. She'll be the one who'll hold my hand until we reach what's beyond. We'll be together. We'll be as one.

She walks down the aisle like a pageant queen. Holding the bunch of flowers.. Even though the veil covers her entire face, I can clearly see her pretty face.

Damn. This girl's mine.

Nang malapit na sila sa kinaroroonan ko, mas lalong bumilis at lumakas ang kabog ng puso ko.

Ang Girlfriend Kong BisayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon