AGKB 14: Sakpan

4.8K 193 13
                                    

Chapter 14 - Sakpan

Alphia's POV

Hindi ko alam kung paano ako napapayag ng lalaking 'to. Basta ang alam ko, kailangan ko ang trabahong 'to.

"Sige. Ingat, Alphia. Susunduin kita bukas." nakangiting paalam niya. Iiling na sana ako pero naunahan na niya ako. "Bawal tumanggi." sabi pa niya kaya naman ay nahihiyang tumango na lang ako.

Hinatid niya kasi ako dito sa bahay. Sinubukan ko namang tumanggi pero sadya atang makulit ang lahi nito. Psh.

"Bye." sabi pa niya bago tuluyang pinaharurot ang kotse niya paalis.

Kumawala ako ng isang mabigat na hininga. Grabe siya! Nakaka—

"Ano yun, Alphia?"

"Ay kabaw!" halos mapatalon ako sa gulat sa biglaang pagsulpot ni Helen. "A-ahh. H-helen."

"Bakit si Mister Dela Vega pa ang naghahatid sayo? Susunduin ka pa bukas oh?" kunot noo pero pigil na ngiting pang-aasar niya. Pakiramdam ko naman ay umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahilan para mamula ako ng todo.

'Unsaon nako ni pag-ingon?!'
(Trans: Paano ko 'to sasabihin?!)

"May hindi ka ba sinasabi sa akin, Alphia?" naniningkit na tanong niya.

Juicecolored. Di pa ako ready na sabihin sa kanya.

"A-ah.. H-hehe. Bye, Helen!"

Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay at dire-diretsong tinungo ang daan papunta sa kwarto namin.

Dinig ko pa ang tawag niya at ang pagtawag ni Auntie sa akin pero hindi ko na lang ito pinansin. Colored na juice. Paano ko sasabihin sa kanila ang totoong trabaho ko kay Kien?

Agad akong umakyat sa puwesto ko at nahiga sabay talukbong ng kumot. Patay ako neto kay Helen eh.

Kasabay ng kaba na nararamdaman ko, narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.

"Phia! Alam kong hindi ka tulog. Talk to me, yah!" dinig kong sabi ni Helen. Napapikit ako ng mariin dahil dun. Paano na?!

Ilang beses pa akong bumuntong hininga bago tumayo at bumaba mula sa puwesto ko sabay naiilang na tinignan siya.

"Ano yun? Bakit ganun? Amo mo siya hindi ba? Pero bakit ginagawa niya yun? Una, nung sinundo ka niya ng biglaan. Ang akala nami'y napadaan lang siya. Pangalawa, yung pagdala niya ng flowers and chocolates. Akala nami'y sinusuyo ka lang dahil nga pinapabalik ka sa trabaho mo sa kanya." sandali pa siyang tumigil at bumuntong hininga. "At ito. Hinatid ka na, susunduin ka pa. I'm dying with curiousity, Alphia."

Napatungo ako dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko alam na ganun pala ang magiging dating sa kanila nun.

Tahimik lang ako at hindi ko alam kung paano ko sasabihin at ipapaliwanag sa kanya ang lahat.

"K-kasi..." nangangapa ako kung ano ba ang mga tamang salita ang sasabihin ko. Nangangapa ako ng lakas para sabihin sa kanya ang totoo.

"Kasi?" pag-uulit niya habang nakataas pa ang isang kilay.

'Juicecolored. Tabangi ko.'
(Trans: Tulungan mo ako.)

Hindi ko alam kung galit ba sa akin si Helen o ano. Pakiramdam ko nang-aasar pa eh. Pero mas nangingibabaw sa akin ang kaba ngayon. Ano kayang sasabihin niya kapag nalaman niya ang totoo? Ano kaya magiging reaksyon niya? Kakamuhian niya kaya ako? Baka sabihin niya—

'Ano ba yan, Alphia! Bakit hinayaan mong ganun?! Mukha kang pera! Hindi mo iniisip ang pwedeng mangyari sayo!'

O di kaya...

'Alphia! Ano ba naman yan?!—

"Para sa kaalaman mo, Phia, naghihintay ako." mapangutyang tingin ang binigay niya sa akin habang nakahalukipkip.

Eto na ba? Sasabihin ko na ba?

"A-ang totoo kasi..." putol na sabi ko. Tumungo ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Juicecolored.

"Isa pang putol ng mga salita mo, Alphia. Pati dila mo mapuputol sa akin yan." pagbabanta niya.

Kinakabahang naupo ako sa kama niya habang patuloy na pinaglalaruan ang mga daliri ko.

Nakatungo ako at naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Helen.

"May relasyon ba kayo ni Mister Dela Vega?" tanong niya. Awtomatikong napatingin ako sa kanya na nanlalaki ang mga mata.

"W-wala!" mabilis pero nauutal na sagot ko

'Lah. Unsaon na man ni?'
(Trans: Lah. Paano na 'to?)

"Eh bakit nauutal ka?" at isang mapangutya at makahulugang tingin ang binigay niya sa akin.

Bumuntong hininga ako at kumuha ng lakas. Sa tingin ko'y kailangan din niyang malaman. Ang bigat din sa puso na dinadala ko 'to araw-araw.

"U-una, gusto kong matulungan si Mama at n-nahihiya na din ako sa inyo ni Auntie." paunang salita ko. Kunot noo naman niya akong tinignan.

"Ha?"

"Nung sinabi mong limang libo kada linggo ang sahod sa kumpanya ng Dela Vega, nagdalawang-isip pa akong mag-apply pero sa kadahilanang, kailangan ko talaga, ginawa ko at natanggap ako." saglit pa akong bumuntong hininga habang iniiwasan ang mga titig niya.

"Unang araw ko sa trabaho, akala ko magiging maganda. Akala ko, okay na. Pero nalaman kong— hindi pala sekretarya ang magiging trabaho ko sa kanya kundi..." sa pagkakataong 'to, tinignan ko siya at agad naman akong sinalubong ng naghihintay niyang mga tingin na puno ng katanungan.

"...ang magpanggap bilang nobya niya." pagtatapos ko sa huling linyang binitiwan ko.

Dahan-dahan ang naging reaksyon ni Helen. Mula sa panlalaki ng mga mata niya at dahan-dahang pagtakip ng bibig niya gamit ang kanyang dalawang kamay. Bakas na bakas ang pagkagulat sa mukha niya.

"Oh... My... Ghad..." impit na sabi niya sa gitna ng pagkagulat. Napayuko na lang ako dahil dun.

Nahihiya ako pero wala akong magawa. Kailangan kong bumawi sa kanila at sa pagtanggap ko ng trabaho kay Kien ang paraan para mabilis akong makabawi sa kanila.

"S-seryoso?!" sunod na reaksyon niya. Tumango ako habang nakatungo pa rin.

"Omg! Ang swerte mo!" tili niya habang niyuyugyog ang balikat ko. Taka akong tumingin sa kanya dahilan para matigilan siya.

"Oh bakit?" tanong niya. "Hindi ka ba masaya?"

"H-ha? H-hindi ka galit? H-hindi mo man lang ako sasabihan ng kung ano-ano tungkol sa pagtanggap ko sa trabahong 'to?"

"Of course not!" halakhak pa niya. "Ba't naman? Ang totoo nga I'm happy for you. Atleast, matutulungan mo na nga si Auntie Alesa, may instant boylet ka pa! Ayiee!" pang-aasar na dagdag niya.

Kunot noo ko siyang tinignan.

Seryoso? Yun ang reaksyon niya? Juicecolored. Iba ang utak ng babaeng ito eh!

Siya ba yung iba ang utak? o ako? Argh!

"Basta Helen, wag mong sasabihin kay Auntie ha? Baka ka—"

"Alam ko na, Alphia."

Nanlaki ang mga mata ko at tumibok ng parang tambol ang puso ko.

'Boses ni Auntie yun.' napapikit ako ng mariin.

SAKPAN ka Alphia. Giatay.

Ang Girlfriend Kong BisayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon