AGKB 20: All Yours

4.6K 177 12
                                    

Chapter 20 - All Yours

Alphia's POV

"Anong sa'yo?" tanong ni Kien habang nakatingin sa menu.

"Ikaw na ang bahala. Wala naman akong alam dyan eh." nakangiwing sabi ko.

Tumango naman siya habang nakatuon pa rin ang tingin sa menu.

"Dalawang roasted beef. Dalawang chicken inasal. Dalawang pork steak for heavy meal. Dalawang kiwi shake for beverage at dalawang black forest cake for dessert."

Napanganga ako sa dami ng inorder ni Kien.

"M-mauubos mo lahat ng 'yun?" nakanganga pa ring tanong ko.

Tumawa naman siya at umiling.

'Aba! Di pala niya mauubos bakit ganun karami ang inorder niya?!'

"Kaya nga dalawa diba? Sa ating dalawa lahat ng yun." nakangiting sabi niya at binaling ang atensyon niya sa cellphone.

'Itong lalaking 'to! Kung hindi laptop cellphone!'

Pero— seryoso? Ang dami nun eh!

Mga bente minutos din ata kaming naghintay bago dumating yung order namin.

'Ang dami talaga!'

Papatabain ata ako ng lalaking 'to eh.

"Let's eat?" anyaya niya ng malapag na ng waiter lahat ng order namin.

Alanganin naman akong tumango.

Nagsimula naman na siyang kumain. Ako naman ay tinititigan ko lang ang pagkain ko at iniisip kung paano ko pagkakasyahin ang mga  ito sa tiyan ko.

"Oh? Kumain ka na. Hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang yan." nakangiting sabi niya at sumubo.

Napalunok naman ako.

'Parang busog na nga ako sa kakatingin dito eh!'

Pero dahil gutom na rin ako— kumain na lang ako.

Bahala na si Super Mario kung hanggang saan ang mauubos ko dito.



"Busog!" nakangiting halos pasigaw na sabi ni Kien.

Napangiwi ako sa inasta niya. Akala mo hindi siya isang propesyonal kung makapagsigawan na busog siya ano?

Ubos na niya ang pagkain niya. Samantalang ako, lahat naman kinainan ko pero kalahati lang.

"Di mo na kaya?" nakangisi at natatawang tanong niya. Napanguso naman ako sa tanong niya.

"Tara na. Wag mo na pilitin kung di mo na kaya." nakangiting sabi niya at umakmang tatayo pero hinawakan ko ang kamay niya at pinigilan siya.

"T-teka lang. Sayang naman. Uubusin ko na lang ito. Sayang yung pera mo eh." sabi ko.

Umakma akong susubo pero pinigilan niya ako.

"Kaya mo pa ba talaga?" tanong niya.

'Sa totoo lang, hindi na.' gusto ko mang sabihin yan pero nahihiya ako. Syempre, pera niya ang ginamit dito at ang mamahal pa nito tapos di ko pa uubusin.

Bakit naman kasi di kaya ng sistema ko ang kumain ng marami?!

"Kung hindi mo na kaya, wag na. Ano lang naman ang pera sa akin kesa naman maempacho ka." natatawang sabi niya. "Tara na."

Napipilitang tumayo na lang ako.

Nakakahiya talaga.

Kaso di ko na talaga kaya eh.





Ang Girlfriend Kong BisayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon