AGKB 53: She's the one

3.5K 137 22
                                    

Chapter 53 - She's the one

Kien's POV

It's been two days. Two days since she left. Ang nakakainis lang, umalis siya nang hindi nalalaman ang totoo. Sa lahat ng taong nagalit sa akin, siya na lang ang hindi nakakaalam ng totoo. Syempre, hindi ko hahayaang masayang ang dalawang araw sa wala. I explained myself to Alphia's family. I even called Tita Alesa yesterday. So far, okay na ako sa lahat at kay Alphia na lang hindi. Damn it. I miss her so much.

"Ano? Tinawagan mo na ba?" tanong ni Marren.

Tumango ako at bumuntong hininga. "But she's not picking it up."

Obviously, I can't make everything okay without the help of Marren. Siya ang kasama ko noong nagdaang dalawang araw. Inayos na namin ang lahat. Si Alphia na lang talaga ang hindi ayos. At ngayon, dalawang araw na lang ang natitira at birthday ko na. We're still on our plan to surprise Alphia kahit na para sa kanya ay hindi na tuloy ang kasal. Of course, I won't let that happen.

"So, what now?" muling tanong ni Marren.

Pinasadahan ko siya ng tingin na para bang nag-iisip. Malimit niyang sinalubong ang tingin ko na parang nagungusap.

"By tomorrow, we'll go to Santa Maria. That's final." determinadong sabi ko.

Ngumisi naman siya at tumango. "Deal. I'll go with you."

"I'll call Helen ahead. Sasama siya sa atin with her family."







Kinabukasan, maaga kaming nagising. Gaya nga ng plano't napag-usapan, babyahe kami ngayon patungong Santa Maria. Hindi lang ako at si Marren. Sasama rin sa amin sina Helen, mga kapatid niya and of course, si Auntie at si Uncle.

"Okay na ba ang lahat?" tanong ko. Nagsitanguan naman sila.

Umamba na kami sa kanya-kanya naming puwesto. Ako sa driver's seat, si Marren sa passenger's seat while the rest, sa back seat na.

"Santa Maria operasyon de Alphia, here we come!" tili ni Helen. Napailing na lang ako't natawa dahil sa sinabi niya.



Maayos ang naging takbo ng byahe namin. Just like a normal travel do. May kwentuhan, stop-overs at syempre, yung mga napapagod at nakakatulog. Nine hours na sobrang nakakabagot but knowing I am doing this for Alphia, that thought made me want some more.

All in all, we're safe. Narating naman namin ang probinsya ng Santa Maria sa maayos na lagay.

"Oh my gosh! I can smell my Baby Arnold!" bungad na tili ni Helen nang marating namin ang boundary ng Santa Maria.

Napangiwi ako't napailing. She's inlove with Arnold. How did I know? Well, you're blind if you can't see the obvious. Pero mabuti na rin 'yang ganyan. Wala akong kaagaw kay Alphia.

"Anong plano mo, Kien? Kakausapin mo na ba ngayon si Alphia?" tanong ni Auntie.

Umiling ako't patuloy na nagmaneho. "Hindi po, Auntie. I'm planning to finish all my plans. Yung engagement party namin sa susunod na bukas."

"Paano 'yan? Baka magtaka siya kung bakit kami nandito?"

"Auntie, sino po ba ang nagsabi sa inyong kikitain niyo si Alphia? Wala po ni isa sa atin ang makikipag-kita kay Alphia ngayon. Lahat tayo ay makikita siya sa susunod na bukas na. Sa mismong araw po ng birthday ko."

"Kung gano'n, saan tayo tutuloy? Wala namang hotel dito?"

Palihim akong napangisi dahil sa tanong ni Auntie. Hindi ko siya sinagot kaya naman hindi na rin siya nag-abalang tanungin ako.

Ang Girlfriend Kong BisayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon