AGKB 37: Siya

3.5K 144 8
                                    

Chapter 37 - Siya

Alphia's POV

"Why are you with him?" gamit ang malamig at seryoso niyang boses, halos manginig ang buong pangangatawan ko.

Hindi ako makagalaw at hindi ko man lang magawa na lingunin si Kien. Halos paulit-ulit akong napapalunok habang nanlalaki ang mga mata na nakatitig kay Kuya Klein. Si Kuya Klein ba ang tinutukoy niya? Pero bakit parang galit siya kung umasta?

"Hi my dearest brother. We meet again." nakangising bati sa kanya ni Kuya Klein.

Oo. Kuya Klein. Bakit ba? Bukod sa mas matanda siya kay Kien, Kuya din niya ito kaya makiki-kuya na rin ako. Hehe.

"Shut up." bakas naman ang pagkainis sa sagot ni Kien sa ginawa ni Kuya Klein.

Sandali nga... hindi na ako nakatiis at nilingon ko na si Kien. Sinalubong naman ako ng masamang niya. Galit ba siya? Pero siya lang naman ang inaalala ko ah?

"Kien? Gutom ka? I-oorder ba kita? Wag ka mag-alala. Masarap naman mga pagkain dito pero mas masarap yung luto ni Auntie, syempre. Atsa—"

"Stop it, Alphia. Hindi ako gutom." seryosong sabi pa rin niya at nagwalk-out.

Hala. Anong nangyari dun? May topak na naman? Juicecolored. Bago nga lang kami nagkabati eh! Ano 'to? Panibagong away na naman ba?

"Shemay." bulong ko sa sarili. "Naunsa na pud kaha tong amawa na to?" (Trans: Ano na naman kayang nangyari sa baliw na yun?)

"Bisaya ka?" biglang tanong ni Kuya Klein na parang walang nangyari.

"H-ha? O-opo." nauutal na sabi ko.

"Ahh. Kaya pala." makabuluhang ngiti naman ang ginawa niya.

Hindi ko pa nagagawang umalis at habulin si Kien dahil hindi pa nauubos ang pagkain ko. May kaunti pang natitira. Sayang naman at bente pesos din ito. Kaya bahala si Kien dyan kung mag-iinarte siya.

Nanatili din si Kuya Klein habang pinapanuod lang akong tapusin ang pagkain ko.

"Oh? What are you doing here? Bakit bumalik ka pa?" taas kilay na tanong ni Kuya Klein.

Nung una, akala ko ay ako ang tinatanong niya pero pagkalingon ko, nakita ko si Kien na seryoso at nakakunot pa rin ang noo.

"Akala mo siguro hahabulin ka ni Alphia ano?" natatawang sabi pa ni Kuya Klein. "Tss. Wag ganyan Kien. Wag kang mag-inarte dahil hindi bagay sayo at ang babae ang dapat na sinusuyo. So, don't act like a gay."

Teka nga, nag-aaway ba sila? Kung nag-aaway man sila, ano namang pinag-aawayan nila?

"Te—"

"I said shut up. I didn't came back here to see your non-sense face and hear your trashy talks." sabat ni Kien.

Ano ba yan! Di ako makasingit! Nakakaasar na itong dalawang 'to ah? Bakit ba ganito sila? Ito namang si Kien akala mo kasing-edad niya lang si Kuya Klein kung makipag-usap siya.

"Then what?"

"May makalimutan lang kasi ako na dapat ay dala at kasama ko pagwalk-out ko." ngayon, ngumisi naman si Kien. Yung ngisi na para bang nang-iinis.

"Ha?" nagtatakang tanong ni Kuya Klein.

Pati ako ay nagtaka ng naglakad papalapit sa akin si Kien. Nagpalinga-linga ako saglit at hinanap kung may bagay ba siyang naiwan dito kanina pero wala naman dahil hindi naman talaga siya lumapit dito sa lamesa.

Napagitla naman ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Kien sa pulso ko kaya agad akong napatingin sa kanya.

"I forgot Alphia. Masyado ka na atang nag-eenjoy eh. Time's up. Pag-aari ko 'to, Kuya. Baka sakaling hindi mo alam." nananatili siyang nakangisi habang sinasabi 'yon.

Shemay. Bakit ganito? Ang gwapo niya! Juicecolored, Alphia! Pagpuyo. (Trans: Magtigil.)

"Oh? Kinakalimutan mo na lang si Alphia? Pag-aari mo pero kinakalimutan? What the—" nakangising sabat ni Kuya Klein sa kanya.

Sa sinabing 'yon ni Kuya Klein, kasabay ay ang pagkawala ng ngisi ni Kien na napalitan ng seryosong awra at salubong na kilay. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa at hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Nakakalito na nakakainis. Kasama nila ako pero wala akong alam sa pinag-uusapan nila.

"Fck you, Klein. Shut up, will you?" inis na sabi ni Kien at dali-dali akong hinila palabas ng karinderia ng hindi man lang inantay ang sasabihin ni Kuya Klein.

Nananatili akong tahimik na nakasunod kay Kien. Hila-hila ako, hindi ko alam kung saan ba talaga kami pupunta.

"Saan tayo pupunta?" hindi ko na napigilan at kusa na lang akong napatanong kaso wala akong nakuhang sagot na kahit ano galing sa kanya.

Napanguso na lang ako at patuloy na nagpapadala sa hila niya. Madalas ay talagang hindi ko maintindihan ang lalaking 'to. Minsan sobrang tamis pero madalas sobrang amaw.

Hindi ko alam kung gaano pa kalayo ang nilakad namin. Hindi rin ako nakaramdam ng kahit na anong pangangalay at sakit ng paa, hindi ko naman din alam kung bakit. Basta, nakita ko na lang ay papasok na kami sa isang restaurant. Yung pang-mayaman. Ying tipong pagpasok mo pa lang malulula ka sa mga bagay na sasalubong sayo at sa mga kasuotan ng mga taong nagtatrabaho dito. Naiisip ko nga na baka mas mahal pa ang suot nila kaysa sa pang-araw-araw na mga suot ko.

"VIP Room." tanging sambit ni Kien na parang agad naman itong naintindihan ng isa sa mga nagtatrabaho dito.

Hila pa rin ang kamay ko, sumunod kami sa kinausap kanina ni Kien patungo sa VIP Room na sinasabi nito.

Nang makarating sa sinasabing kwarto, dumoble naman ang pagkalaglag ng panga ko sa sumalubong sa amin.

Ang laki na nagmistulang bahay. Mas malaki pa sa bahay namin aa Santa Maria. Magagarang gamit na sa tingin ko'y milyones ang gastos at ang mga inumin at pagkain na nakahain sa napakalaki at mahabang lamesa sa gitna ng kwarto na sa tingin ko'y higit na nasa daang-libo ang gastos sa sobrang gara at nakakatakam kahit na tignan pa lang.

"Wala na bang mas malaki dito?" kunot noong tanong ni Kien.

Pinigilan ko naman ang sarili kong mapalunok nang dahil sa tanong niya. Seryoso ba siya? Nakukulangan pa siya sa ganito kagara na kwarto?

"Wala na po, Sir. Taken na po lahat ng thirty VIP rooms. Marami na rin po kasing nagpareserve ng VIP rooms. Ang available na lang po ay ang semi-VIP rooms." pagpapaliwanang naman nung parang isa sa mga waiter nitong restaurant.

Napatango na lang si Kien sa sinabi nito at inilibot ang paningin na parang hindi pa rin nakukuntento sa kung nasaan kami ngayon.

Kung titignan, ang sabi nung parang waiter ay nasa trenta ang sinasabing VIP rooms ng restausrant na ito. Kaya naman ay hindi na ako magtataka kung sobra pa sa bilyones ang gastos ng may-ari ng restaurant na ito. Nasa tatlong palapag din ang restaurant na ito. Napaismid na lang ako sa laki ng gastos. Ni ako nga noon ay problemadong-problemado sa pera at ultimo lapis ay wala akong pambili.

"Sige, this room will do. Okay na 'to. Bigyan mo nga pala ako ng pinakamatapang niyong alcohol drink." seryosong sabi ni Kien at naupo sa isang mini sofa na nasa gilid lang. Sa pagkakataong 'yon, binitawan niya rin ang kamay kong kanina pa niya hawak.

Salamat naman at ang sakit na ng kamay ko ano?

Tumango naman yung parang waiter bago lumabas. Pagkalabas nun, agad kong ibinaling ang tingin ko kay Kien dahilan para magsalubong ang tingin namin. Kanina pa pala niya ako tinitignan.

Sa huli, ako rin ang unang umiwas at nag-iba ng tingin. "Bakit nga pala tayo nandito? Masyadong magara at mahal dito. Bakit hindi sa simpleng bar na lang o hindi kaya sa bahay o kaya naman s—"

"Shhh." pagpuputol niya sa sasabihin ko at dahan-dahang hinilig ang ulo sa sandalan ng mini sofa.

Tinitigan ko lang siya na parang walang bukas.

"Just for this moment, Alphia. I want to get drunk. I want to drown myself. Gusto kong magpakalunod sa alak ng kasama ka para makalimutan siya."

Ang Girlfriend Kong BisayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon