AGKB 48: She's Back

4K 124 10
                                    

Chapter 48 - She's Back

Alphia's POV

"Okay ka na ba?" tanong ni Kien habang isa-isang sinusukbit ang mga bag sa balikat niya.

"Hmm." tango ko at tinulungan siyang magbitbit ng ibang gamit.

"Ako na." kuha niya sa akin ng mga bibitbitin ko sana. "Ayokong mapagod ka." dugtong niya pa habang tumatawa.

Napairap ako at umismid. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to!

Napabuntong hininga ako at agad na napasimangot. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto ko. Maayos na siya. Hindi na gaya ng dati at medyo lumaki at nadagdagan na rin ng kaunting space. Hindi ko alam na sa mahigit tatlong buwan lang naman ako nawala at ganito kabilis ang pag-aayos nito.

Babalik na kami sa Maynila ngayong araw. Gustuhin ko mang magtagal pa dito, kaso talagang kailangan na naming umuwi. Marami pang tambak na trabaho si Kien sa kumpanya at ako naman ay kakausapin pa si Tita- na mama ni Kien- tungkol sa nalalapit na birthday niya. Ilang araw na lang. Wala pa rin akong regalo sa kanya.

"Bye, anak. Ayo-ayo mo didto. Ayaw sigig kiat! Kita na lang ta sa kasal ninyo." pabirong pamamaalam ni Mama. (Trans: Ingat kayo doon. Wag kang malikot do'n! Kita na lang tayo sa kasal niyo.)

Ngumuso ako at halos maiyak. Eto ang pinaka-ayaw ko eh. Yung mamamaalam na nga at lahat ay nagbibiro pa si Mama.

"Ma.." pagtawag ko sa kanya habang pinipigil ang luha ko.

"Oh? Ayaw'g hilak! Naa si Kien oh! Nge. Katiguwang na ba nimo unya gahilak ra gyapun." tumatawa pang sabi niya. (Trans: Wag kang umiyak! Nandyan si Kien oh. Nge. Ang tanda mo na tapos umiiyak pa rin.)

Nakanguso pa rin ako at tumingin kay Kien. Nginitian niya ako at marahan siyang tumango na para bang sinasabi na magpaalam na ako at aalis na kami.

"Ma.. Ingat ka dito ha? Kapag may kailangan ka tawagan mo ako. Nandyan din sina Arnold. Magsabi ka Mama! Nag-iisa ka lang dito eh."

"Nag-manila ra, nanagalog na." pagbibiro pa ulit niya. "Okay ra ko nak. Tawagan ra lagi tika." (Trans: Nag-manila lang, tagalog na; okay lang ako nak. Tatawagan na lang kita.)

Tumango ako. Saglit ko pa siyang niyakap at humalik ako sa pisngi niya.

"I love you, Ma."

"I love you too, Nak. Sige na. Inaantay ka na ni Kien."

Nginitian ko na lang siya bago bumaling kay Kien na nanunuod sa amin.

"Una na po kami, Tita." nakangiting paalam ni Kien. Tinanguan naman siya ni Mama.

"Yung sinabi ko sayo ha?" pabirong pagbabanta ni Mama na may halong pagkaseryoso.

"Yes, Ma'am. Makakaasa." sagot naman ni Kien at nag-bow pa. Kabaliwan talaga nito.

Pagkatapos mamaalam, sumakay na kami sa sasakyan na dinala namin dito. Ngayon, si Kien ang magmamaneho kasi pinauna niyang umuwi ang driver. Pinapatawag daw kasi ni Tita kaya ayun, napilitan.

"Matulog ka muna. Gigisingin lang kita kapag kakain tayo." sabi pa niya habang nagmamaneho at nakapokus ang tingin sa daan.

Tumango na lang ako at inihilig ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan. Alas-kwatro pa lang ng umaga. Maaga talaga kaming umalis para naman ay maaga rin kaming makarating sa Maynila. Gaya nga ng sabi ko, marami kaming aasikasuhin. Lalo na si Kien.

Habang nasa byahe, tahimik lang kami. Hindi ako makatulog kaya napaglibangan kong titigan ang mukha ni Kien na seryoso sa pagmamaneho. Mula sa singkit niyang mata, sa matangos niyang ilong, sa mapulang labi hanggang sa-

Ang Girlfriend Kong BisayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon