Chapter 6: Pageant

3.2K 18 2
                                    

“And now, our Miss University 2008 is candidate number 3!

Miss Georgina Arboleda from College of Engineering and Architecture!” announce ng host ng pageant.

“Oh my God, si be sang nanalo.

Sabi ko na nga ba e, mukha kasing impakta yung kalaban niya,” sabi ni Kate.

Ang tinutykoy nito ay yung new girlfriend ni Ken, first runner-up ito.

“Ang ganda naman ni George,” sabi ng isang lalaki sa harap ni Kate.  

Natigilan si Kate, mukhang gwapo yung lalaki at parang may gusto ito sa best friend niya.

“Ah Mr. Cutie & Handsome papable, kaibigan ko yung tinutukoy mo.

May gusto ka bang ipasabi sa kanya?” usisa nito.

“Ah, e, wala. Wala,” namumutlang sabi ni Jean.

“Sus, kunwari ka pa. Natotorpe ka no?” usisa ulit nito.

“Ah, hindi. Hindi. It’s just that I find her beautiful,” sagot ni Jean.

Hindi na pa ulit nito kinulit ang pobreng binata.

“Bes, I’m so proud of you! Wow, Miss U 2008 ka na.

Ano pa susunod ha?” manghang tanong nito.

“Thanks bes, wait ‘till graduation,” nagmamalaki niyang sagot.

Alam mo bes, kahit di kita best friend ikaw pa din ang bet ko.

Ayaw ko dun sa kalaban mong impakta.

Mukha siyang paniki, ang panget!” panunuya nito.

“Bes, watch your mouth,” paalala niya.

“At least ikaw yung nanalo at hindi siya,” tuya ulit nito.

“Ako nga yung nanalong Miss U, talo naman ako sa puso ni Ken.

Talo nga siya sa pageant, pero panalo naman siya sa puso ng lalaking mahal na mahal ko.

Feeling ko ako yung first runner-up sa tuwing nakikita ko silang masayang magkasama.

Parang ako ang talunan,” malungkot niyang sagot habang nakatingin sa may bandang likod ni Kate.

Bes, cheer up!

Wag mo na ngang isipin ang impakto mong ex!

Tandaan mo di ka niya nakayang ipaglaban at panindigan,” paalala nito.

“Bes,” maktol niya. “

Georgina Arboleda, tumigil ka na.

Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako.

I’m your best friend and we’ve been together since time immemorial.

Ayaw kitang nakikitang nasasaktan bes, please cooperate.

Wag mo ng pahirapan ang sarili mo.

See?” sabi nito sabay lingon nito sa likod niya.

“Look at him, at them, ang saya nila di ba?

See, ikaw din dapat ganyan ka!  

One year na bes, sana mag-let go ka na.

Don’t mourn for someone who doesn’t even care for your well-being!

I think someone out here is the one for you. I can sense it, ” sermon nit okay Georgina.

Ano na naman ba ang pinagsasabi ng best friend niya, at kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip nito.

Alam niyang nahihirapan na din ito sa mga nangyayari sa buhay niya.

Nakapagmove on na naman siya e, ang kaso nasasaktan pa rin siya magpahanggang ngayon sa tuwing nakikita niyang magkasama ang dalawa.

Ano bang meron ang babaeng yun at nagawang makipag-commit ni Ken sa kanya?

Samantalang ssiya, ginawa na niya lahat.

Tinanggap niya ang no-strings-attached na relasyon dahil mahal niya talaga ang binata pero nauwi lang din sa hiwalayan.

Napakaswerte ng babae, siguro mahal na mahal ito ni Ken.

Sana, maging Masaya si Ken sa piling ng babae…

END OF CHAPTER SIX.


LEAVE A COMMENT. VOTE AND BE A FAN**


Just Love Me Again  ~HyunZy StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon