Chapter 12: Realizations and Second Chances

2.6K 31 4
                                    

Chapter 12: Realizations and Second Chances

 A/N: Before anything else, iplay niyo yung video sa may right side. Para naman ma-feel niyo yung POV ni George kahit sandali lang. Okay? Slamat! Mua :*

George's POV..                                                     

Right after what Ken had confessed, umiyak lang ako nang umiyak sa harap ng best friend ko. Hindi ko mapigilan e.

Ang sakit. Sobrang sakit. To think na hindi man lang siya naglakas ng loob na sabihin sa akin ang totoo.

Siguro nga hindi ko matatanggap yun sa una pero lilipas din ang oras at panahon at mare-realize ko kung para saan yung ginawa niyang

pagtulong dun sa babae. Aminado naman akong selosa ako at minsan makitid din ang pang-unawa ko.

Pero mag-iisp ako. Iisipin ko nang maigi ang bagay na yun. Kasi relasyon namin ni Ken ang nakataya.

Nakakaawa ako, kasi hindi ako nagawang pagkatiwalaan ng lalaking ipininagkatiwala ko ang lahat lahat.

Buhay, puso, virginity at pagmamahal ko. Nakakainis lang, dahil napakaduwag niya.

Napag-isip na nga niyang iwan yung babae at piliin ako di pa niya nilubos-lubos.

Sana ipinaglaban na rin niya ako kina daddy. Lalaban din naman ako e.

Akala ba niya papayag akong sa Amerika tumira? Syempre hindi. Dito lang ako, kasama niya.

Kaso duwag talaga siya. Kung kelan naman naisipan na niyang makipag-commit sa akin, dun pa siya naduwag na ipaglaban ako kay daddy.

Well, siguro ganun talaga ang plot sa love story namin. Pero hanggang dun na lang ba?

Nakakainis naman si Kate, bigla niyang pinatugto yung 'Hanggang dito na lang ba? by Jimmy Bondoc.'

Ayan tuloy, mangiyak-ngiyak na naman ako. Tagos sa puso yung lyrics ng kanta. Huhu T.T

Hanggang dito nalang ba kami? Hahayaan ko na lang ba na dito magtapos ang love story namin?

Ako naman ang bida sa love story na to, so ako ang makakapagpasya kung the end na ba ito at di na hahantong pa sa happy ending.

Naisip ko yung mga masasayang alaala namin dati. Nakakaiyak na nakakakilig.

Sayang naman kung papalagpasin ko pa yung cjhance na to. Bihira lang ang second chance at love.

Should I give him that second chance? Is he worth it? Ang sagot sa una, oo. Yung sa pangalawa, hindi na mahalaga kung worth niya yun, basta mahal ko siya, PERIOD!

Okay, I made up my mind. One second chance for Ken Arellano. If he mess it up and took me for granted again, it'll be over, for good.

Pinuntahan ko siya sa condo niya pero wala siya doon. Nagbakasakali ako sa office nila pero zero din ako dun.

I tried sa mansion nila sa Paranaque, nag-doorbell ako pero walang sumasagot. Wala din yata siya.

Aalis na sana ako nang mapansin kong hindi naka-lock ang gate.

Nangahas na akong pumasok tutal I'm no stranger in this house naman.

Hinanap ko siya, then I saw him sa music room. This music room was the witness of our undying love then.

Yung kapusukan ng kabataan namin. Ito yung saksi sa una at huli kong karanasan.

Alam ko first time din niya kaya naman nakakakilig. Tulog na tulog siya dun sa may stool sa harap ng piano.

Just Love Me Again  ~HyunZy StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon