Chapter 35: The Cheetah

685 12 1
                                    

Chapter 35: The Cheetah

George's POV

The past week, I returned on my normal self. Tumigil na ako sa kakapunta sa bars at pag-inom. Jean's words of wisdom really get into me.

Real hard.

So ganun nga ang ginawa ko. Ipinagpatuloy ko ang buhay ko. Napagtanto ko na hindi kailangang magpakamiserable ako dahil lang wala na kami ni Ken. Sayang naman ang buhay ko kung magpapakalunod lang ako sa alak at pakikipag-date sa ibang lalaki. Nagtrabaho na ulit ako and I landed a good contract. May isang foreign investor na gustong magpatayo ng isang condominium sa may The Fort at ako ang nakakuha sa contract.

Kaya naman naging busy ako ng sobra. Maging si Ira ay busy din dahil kasama ko siya sa project. Halos araw-araw din naming dinadalaw si Baby Troy. Nakikisabay kami kay Jean papunta dahil pumasok na uli siya. Maging siya ay nag-umpisa na sa trabaho. Natutuwa ako dahil maging siya ay piniling ipagpatuloy ang buhay.

Noong isang araw nga, nakita ko sila ni Ira na nag-uusap. Ang cute nilang tingnan. Bagay pala silang dalawa. Kung may magagawa lang ako para paglapitin ang dalawa, ginawa ko na. Kaso ilang buwan pa lang na biyudo si Jean baka ayaw pa niya pumasok ulit sa relasyon. At pati si Ira, NBSB pa. Baka ayaw niya din. May duda kasi ako na baka hindi nila gusto ang isa't-isa. Na hanggang pagkakaibigan lang ang pwedeng mamagitan sa kanila.

Pero malay ba natin, baka magkadevelopan ang dalawang iyan. Sa kakausap pala nila ay hindi na nila namamalayang nahuhulog na pala ang loob nila sa isa't-isa. And Ira seems so good with baby Troy. Napaka-natural niyang mag-alaga. Si baby Troy nga ay favorite si Ira. So I'm definitely sure that if Ira and Jean will be together, they'll make a great family.

***

"Oh. Nasaan si Ira?"Takang-tanong ni Jean habang sumisilip sa may likod.

Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Malamang talaga ay type nitong si Jean si Ira. Gaaahhh!

"Bakit? Crush mo si Ira no? Na-mimiss mo na ba ha, Jean?" I wiggled my brows at him as I teased him.

Bigla siyang namula. Hala. Tamang hinala. One big point for George.

"Ah..eh. Hindi no. Nag-promise kasi siya na tutulong siyang mag-alaga kay baby Troy ngayon habang nililinis natin yung condo."

Sus. Nagpapalusot pa talaga. Ano bang mahirap sa pagsasabi ng totoo?

"If that what makes you sleep at night, Jean." I patted his shoulder as he began driving toward his condo.

The ride was silent and I'm thankful for that because I've had good amount of time to think of an outrageous plan for Ira and Jean. I'm so excited.

"Bakit ka nangingiti dyan? May nanliligaw na sa iyo no?" He teased me.

I stuck my tongue at him and he just shook his head in amusement.

"Pag nangingiti may nanliligaw agad? Hindi ba pwedeng masaya lang kasi may brilliant idea akong naisip?"

"Pwede rin naman kasi na may natitipuhan ka na. Aminin mo na kasi George at ng hindi na tayo nagdidiskusyon dito." He mused while throwing me a fleeting glance.

"Okay. Here's the deal, aaminin mo na may gusto ka kay Ira at aamin naman ako if may natitipuhan nga ako ngayon." Tinaasan ko siya ng isang kilay tsaka hinintay ang sagot niya.

Bigla siyang namula ulit pero nawala din agad iyon at nagtiim ang mga bagang niya.

"Ano namang aaminin ko? Wala namang dapat aminin ah. Ikaw itong pinapaamin ko tapos ako itong ginigisa mo?" He looks bored.

Just Love Me Again  ~HyunZy StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon