Chapter 43: One Phone Call

652 14 21
                                    

Chapter 43: One Phone Call

 

George's POV

Nagmamadali akong pumunta sa isang hotel dito sa Makati para makipag-meet kay Camilla. Sabi kasi niya ay kakausapin na niya ako doon sa bahay na gusto niyang ipagawa.

 Last Friday or should I say kahapon, kasi ay napag-usapan namin na lilipat na sila dito for good. At gusto ng asawa niya ng isang malaking bahay for them.

Ang sweet.  So ako naman, tumanggi na gawin yung blueprint dahil malapit na akong umalis.

 Nagpa-book na ako ng flight.

Next week na ang alis ko. Ikinonsulta ko na kina Ira, Jean, at Kris ang pag-alis ko. Pumayag naman sila dahil kailangan ko daw ito. Nagkaayos na din sina Jean at Ira kahapon.

Natauhan na si Jean at sabay nilang lalabanan ang kaso laban kay Marian.

Malakas ang kanilang kaso dahil nakipag-usap sa kanila si Abby. Isinuplong niya si Patrick. Wala naman akong balita kay Ken. Bigla na lang siyang naglahong parang bula. Kwento ni Ira, aalis na daw si Abby ng bansa. Pupunta na itong Korea para doon na magbagong-buhay. Pinagbabantaan na kasi ang buhay niya. Ang buhay nilang mag-ina.

Siguradong pakana iyon ni Patrick.

"George! Over here!" She spotted me and I kissed her cheek.

"Hi. Nice to see you again." She giggled.

"Cut the formality. We're friends now." I grinned at her and she grinned back.

"So let's start?" She asked breaking the tension.

"I can't do it, Camilla. Next week na ang alis ko."

 Nagulat siya.

 "Saan ka pupunta? Naka-avail ka nung piso fare sa Cebu Pacific no?" Pang-aasar niya.

 I shook my head at her.

"States. I'll be flying to States." Lalo siyang pinanlakihan ng mata.

Hindi makapaniwala na aalis nga ako.

Akala siguro niya nagbibiro lang ako.

"You're kidding, right?" Disbelief laced in her voice.

"Nope. I'm serious."

 "Pero paano na kayo ni Ken?" Naluluha siya at napainom na lamang ako ng tubig.

Parang nanuyo bigla ang lalamunan ko.

Ganito pala ang feeling ng malapit ka ng magpaalam.

Yung pakiramdam na magpaalam for good sa mga taong malapit sayo at napalapit ka.

"Wala namang kami." I breathed out and tears fell instantly.

"But there could be another "us" for the both of you. Just hear him out, George." She pleads.

"Give him another chance." She added and I sobbed harder.

 Buti na lang at kami lang narito ngayon.

 Nasa bandang dulo kami ng restaurant sa loob ng hotel.

"I can't. The last time I gave him that fucking chance, he screwed everything up."

Just Love Me Again  ~HyunZy StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon