Chapter 42: Camilla: The Root of This Seven-Year Tragedy

615 13 3
                                    

Chapter 42: Camilla: The Root of This Seven-Year Tragedy

 

George's POV

Nagpapalamig ako ng ulo sa isang coffee shop dito sa may The Fort. Hindi ko naman inasahan na magiging ganoon ang kahahantungan ng pagsasabi ko ng totoo kay Jean. Masyado siyang na-obsess sa kaso. Napabayaan na niya lahat.

Na-neglect na niya si baby Troy at Ira. Hindi na niya naisip na nasasaktan at nahihirapan din si Ira. Yung sakit na nararamdaman lang niya yung kaya niyang i-acknowledge.

Ang hindi niya alam, kaming mga kaibigan niya ay nahihirapan din.

"Hi miss, can we share a seat?" A soft voice interrupted my thoughts.

"Yeah, sure." Lumingon ako at pareho kaming nagulat nung babae.

 "Camilla."

 "Georgina." We said simultaneously.

Camilla.

Siya yung childhood best friend ni Ken na naging dahilan bakit kami naghiwalay noon.

No. Scratch that. Siya ang dahilan bakit itinigil namin ni Ken ang kung anumang ugnayan namin seven years ago.

And now she's back. I assumed that she's with her daughter.

 "Long time no see." She sat in front of me and asked her daughter to pay respect to me.

"Mano ka kay Tita George." Her daughter obliged and smiled sweetly at me.

Hindi naman ako makapagtaray dahil napaka-sweet nung bata. Tsaka seven years na yung nakalipas. Move on na.

"George, I'm sorry about seven years ago."

I could sense the sincerity in her. So I just nodded and smiled at her.

 "Let's forget that, Camilla. Napatawad na kita. And hindi na mahalaga kung anuman ang nangyari noon." Confusion was written on her face.

"What happened? And why is Ken not with you?"

Ouch. Bigla akong nasaktan sa mga sinabi niya.

"We're over for good."

 "What?! He just freaking invited me months ago on your wedding day, George. Kaya naman nagmadali akong umuwi." She mused as she gave her daughter a sandwich to munch on.

"He invited you? Wala pa namang exact date na napag-usapan noon e." Lumabi siya at ngumiti. "Anong wala? May 18, 2014 daw e."

Muntik na akong maiyak sa harapan niya.

Sa linggo na iyon e. Biyernes na ngayon at huli na ang lahat para sa amin.

"Ano bang nangyari?" I have no idea what made me open up to Camilla.

I mean hindi kami close at once or twice lang yata kami nag-meet noon pero napakagaan ng loob ko sa kanya. Agad akong nakapagkwento sa lahat ng nangyari. Yung mga sakit na dinanas ko.

Mga pambubugbog lahat na.

"Dapat sa mga ganyang higad ay binibitin sa puno at pina-paddle! Kung ako ang kasama mo noon, naku baka hanggan ngayon naka-wheelchair pa siya." Natawa ako bigla sa mga sinabi niya.

Maging ang anak niya ay natigil sa paglalaro sa ipad para lang tingnan ang mama niya.

"Kaya mo pa bang lumaban ng ganoon?" Alam ko kasi may cancer siya e.

"Matagal na akong cured. Salamat kay Ken at gumaling ako." She smiled bitterly at me.

Nagui-guilty pa rin siya.

"Wag ka nga ma-guilty. Tanga kasi si Ken para di magsabi sa akin na inaalagaan ka niya. Kung nagsabi lang siya noon magvovolunteer din akong mag-alaga sayo." She giggled.

"Mula noon hanggang ngayon ay tanga pa rin pala si Ken." I nodded my head.

"Panahon na siguro para siya naman ang alagaan ko at ng magamot na iyang katangahan niya." She murmured.

Natawa ako lalo.

Ang fun niya palang kausap. Parang hindi man siya nanggaling sa isang nakakamatay na sakit. Bagkus nalagpasan pa niya at nagkapamilya.

Sa isang fil-am siya nakasal. Sa katunayan nga ay three years pa lang silang kasal pero four years old na ang anak nila. Kumbaga may nakadeposit na bago ang kasal.

"Sayang naman kung di ako magiging ninang ng magiging anak niyo. Ang ganda ko pa namang ninang." At talagang nag-pose pa siya.

"Mama, what's ninang?" Tanong ng baby girl niya.

"Ninang is a godmother."

 "Like Cinderella's fairy godmother?"

Camilla's eyes sparkles with love and adoration.

Nainggit ako bigla.

Gusto ko na rin magka-baby.

"Yes, baby girl." She said cheekily.

"Then who's her fairy godmother? I have Tinkerbelle." She pouted.

Camilla looked at me knowingly.

There's something in her eyes that tells me that she has something up her sleeves.

 "I am." Mischief mirrored in her eyes.

Then she giggled and ordered drinks for us.

A/N: Si Camilla yung childhood bestfriend ni Ken na naging dahilan bakit sila naghiwalay seven years ago. Natatandaan niyo na ba? Ha? Anyway, ano sa tingin niyo ang magiging papel ni Camilla dito? Ano kaya ang gagawin niya? Abangan!

XOXO,

Serendipity214

Just Love Me Again  ~HyunZy StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon