Chapter 17: Sophia Joy Garcia

3K 99 9
                                    

Sophia's POV

"Kuya?"

"Pia?"

What? Nandito si kuya? Hala! Lagot ako diyan. Katakot-takot na sermon ang aabutin ko nito.

"What are you doing here?" Tanong niya sakin.

"Ahm namamasyal?"  Nakatanggap naman ako ng death glare. Waah! Dapat pala di ko nalang siya sinagot.

"Ipinasyal kasi ako ni yaya dito. Ikaw kuya bakit ka nandito?" Siguro nga nagdate sila ni Ate Louisse. Ayiee! May bagong gf na si kuya!

"Nagdate kayo ni Ate Louisse noh? ikaw kuya ha." Pang-aasar ko sa kanya.

"Eh ano naman?" Sabi ni kuya at nag-iwas ng tingin. I smell something fishy. Amoy forever! Nyahahahaha.

"Kuya and Louisse sitting on a tree K-I-S-S-I-N-G."  Pagkanta ko. Bagay sila. Siguro pag naging sila, ang cute nilang couple. Kasi si kuya matangkad tapos si ate Louisse pandak. Hehe

"Tsk. Shut up. Nasan na ba si yaya at mag-isa ka? Don't tell me nagpunta ka dito mag-isa?" 

"Duh. Kaya ko? Kaya ko? Syempre kasama si yaya. Napahiwalay lang ako kaya naligaw ako." 

"Sino nagsabi sayo na pwede mo na akong sagot-sagutin ha? Baka nakakalimutan mo mas matanda ako kesa sayo." Sabi ko nga, di na ako sasagot.

"Oh, tama na yang kakasermon Nick, hahanapin pa namin yung Yaya niya." Sabi ni Ate Louisse habang kumakain ng cotton candy. Ang cute niya!

"No need na ate. Sasama nalang ako sa inyo."

"Talaga? Sige sige!" Sabi niya na tuwang-tuwa. Yung totoo? Bata ba 'to?

"Wag na. Ite-text ko nalang si Yaya para masundo ka."

"No. Isasama ko si Pia. Wether you like it or not." Sabi ni Ate Louisse.

"Tsk. Epal kasi tong batang to eh." Bulong ni kuya pero rinig ko naman. Haha! Sira na date nila. Nyahahahaha.

"Ate, tara dun tayo sa horror house!" Sabi ko. Gusto ko dun! Alam ko naman kasi na hindi naman talaga mga multo yung nandun eh.

"Ha? Ayaw ko dun! Marami dun mumu!" Haha! Takot pala si ate sa mumu?

"Sige na ate. Please."

"Ayoko talaga dun."

"Pleaaassshhhh." Sabi ko at nag-puppy eyes. Sana gumana ka. Nag-buntong hininga siya.

"Sige na nga." Sabi niya. Yes! Pumayag na rin! Hihihi.

"Akala ko ba ayaw mo?" Biglang sabi ni kuya.

"Pumayag na nga ako diba? Kaya ibig sabihin gusto ko." Mataray na sabi ni Ate Louisse kay kuya. Mukhang di tumatalab kasungitan ni kuya sa kaniya ah.

"Tss." Huh! Ano ka ngayon kuya? Wala kang masagot. Hinila na ako ni Ate Louisse.

"Let's go na Pia." Nilingon ko si kuya. Ang sama ng tingin niya sakin. Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang kanina pa ako deadbol dito. Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta na sa horror house.......

"Waah! Mumu!" Sigaw ni Ate Louisse. Grabe ang lakas naman ng boses ni Ate.

"Wag mo ko hawakan! Lumayo ka sakin! Layo! Waah!" Sigaw niya at kumapit kay kuya. Ito namang  si kuya ngiting-ngiti and when I say ngiting-ngiti, yung ngiting abot tenga. Sus! Enjoy na enjoy naman si kuya dahil kapit na kapit sa kanya sa Ate Louisse.

"Waah! Ayoko na!" Naku! Mukhang iiyak na si Ate. Dapat pala di ko na siya pinilit dito eh. Sa wakas  nakalabas na rin kami dun.

"Ate, sorry kung dinala kita dun. Umiyak ka pa tuloy." Sabi ko. Nakaka-guilty naman.

"Hindi, ok lang." Sabi niya at ngumiti. Waah! Ang ganda niya! Sana paglaki ko, ganyan din ako kagandaaaa.

"Ano tapos na kayo sa drama nyo?" Biglang singit ni kuya. Ang epal naman neto.

"Ang epal mo naman. Libre mo kami, gutom nako eh. Bilis!" Sabi niya at hinila kami ni kuya sa bilihan ng pagkain. Binilhan naman kami ni kuya. After namin kumain, naglibot-libot pa kami. Tinry din namin yung mga laro dun. Nagtagal kami dun sa may shooting game. Nakakuha nga kami ng teddy bear ni Ate Louisse eh. Ang saya! Di nga namin namalayan na gabi na eh. Huli naming pinuntahan yung Ferris wheel.

"Wow! Ang ganda naman dito!" Sabi ni Ate Louisse ng makarating kami sa pinakatuktok. Ang ganda naman talaga ng view dito. Kita yung mga matataas na buildings. Maya-maya, bigla nalang nagkaroon ng fireworks. Ang ganda! Napatingin naman ako kay kuya. Nahuli ko siyang titig na titig kay Ate Louisse. Kulang na nga lang matunaw si Ate eh. Naks! Mukhang tinamaan si kuya kay ate Louisse ah. Ok Lang naman sakin kasi boto ako kay Ate Louisse.

Pagkatapos ng fireworks, agad kaming bumaba para makauwi na. Pagdating sa kotse, ay pagod akong umupo.

"Kapagod!" Kapagod naman talaga eh. Walang katapusang pag-iikot ba naman ang gawin mo eh.

"Kuya gutom na ako!" Kagutom rin pala mamasyal.

"Ako rin!" Pag-segunda ni Ate Louisse.

"Ok. Mag-drive-thru nalang tayo." Sabi niya at pinaandar na ang kotse. Pumunta kami sa drive thru ng Jollibee. Agad naman kaming bumili. Buti naman at makakakain na ako.

"Pia ano full name mo?" Biglang tanong ni Ate Louisse.

"Sophia Joy Garcia po. Ikaw ate?"

"Kaceline Louisse Wilson." Wilson? Kaano-ano siya ni kuya Lexter?

"Ate kilala mo si kuya Lexter?"

"Ahm Lexter? As in Lexter Jonas Wilson?"

"Opo."

"Kuya ko siya." Ah kaya pala.

"Talaga?"

"Oo. Pero bakit hindi kita nakita sa kasal nila?"

"Eh kasi po may lagnat ako nun kaya di ako nakasama." Sayang nga eh.

"Ahh. Sige kain ka na." Sabi niya. Ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Maya-maya lang, ay huminto kami sa isang malaking bahay. Baka ito na yung bahay nila Ate Louisse.

"Sige una na ako. Bye Pia. Thank you pala Nick sa pagpasyal sakin. Bye!  Ingat kayo." Sabi niya at lumabas na ng kotse. Binigyan ko naman si kuya ng 'magkwento-ka-mamaya-look'. Tumango naman siya. Alam kasi niya na kukulitin ko siya hangga't di siya pumapayag lagot ka sakin mamaya na kuya. Nyahahahaha.






---------------------------------------------------



[EDITED]






~Ms. Sandoval


Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon