Chapter 9: First day of the deal

3.9K 101 11
                                    

Louisse's POV

*Tok! Tok!*

*Tok! Tok!*

Aish! Nubayan! Istorbo eh! Kitang natutulog. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Si Mama lang pala.

"Bakit po Ma?" Sabi ko habang kinukusot ang mata ko. Si Mama naman, nakangisi. Hala! Nababaliw na ata si Mama.

"Anak, may bisita ka sa baba." Sabi ni Mama. Ha? Sino naman yung bisita ko? Wala naman sinabi sila Hannah na susunduin nila ako.

"Sino?" Nagkibit-balikat lang si Mama. Kaya naman bumaba na ako para makita kung sino. Habang nasa hagdan ako, naririnig ko si Papa na may kausap. Baliw na rin ba si Papa kaya kinakausap niya na rin sarili niya? Hala! Baka ako na susunod! Ay!  May tao nga hehe.

"Pa! Sino kausap mo?" Tanong ko sa kaniya. Nakatalikod kasi sakin yung kausap niya. Unti-unti naman itong humarap sakin.

O_____O

What the! Ba't nandito si Nick?! Anong ginagawa niya dito?! Balak niya ba kaming nakawan? Naku di yan pwede! Di ako makakapayag! Dadaan muna siya sakin bago---

"Good morning." Sabi niya saka ngumiti sabay tingin sa kabuuan ko. Shemay! Nakapantulog pa nga pala ako, idagdag mo pa na nakapaa lang ako at gulo-gulo yung buhok ko. Kumaripas ako ng takbo paakyat sa taas. Waah! Nakakahiya! >.<

Agad akong naligo at nagbihis ng uniform. Dahan-dahan akong bumaba, pinapakiramdaman kung nandiyan pa si Nick.

"Oh 'nak, nandiyan ka na pala. Umupo ka na at kumain." Sabi sa akin ni Papa. Aish! Nandiyan pa run siya. Tinignan ko siya, naka-smirk pa ampupu! Akala niya ikinagwapo niya yan? Pwes! Oo! >____< waah! Ang gwapo niya talaga!

"Anong course ba ang kukunin mo sa college?" Tanong ni Papa kay Nick.

"Bussiness management po." Sabi niya. Tumango-tango naman si Papa.

"Tama nga naman, kasi balang araw ikaw ang magmamana ng kompanya niyo."

"Sabi nga po ni Dad."

"Eh ikaw anak, ano bang course ang kukunin mo?" Oh? Ba't ako nasali sa usapan? Nananahimik ako dito eh.

"Doctor po sana Pa." Sagot ko. Bata palang ako, gusto ko na talaga mag doktor. Lagi ko kasing napapanood sa TV na nanggagamot sila. Nung una, naa-amaze lang talaga ako pero habang lumalaki ako, gusto ko na rin maging isa sa kanila.

"Maganda yang napili mo, basta mag-aral ka ng mabuti." Bilin sakin ni Papa.

"Naman! Ako pa ba?" Sabi ko. Tumawa lang sila except kay Nick. Ano pa nga ba? -__-

"Iho, pakisabi nalang sa Mama mo na one of this days dadalaw ako sa inyo." Sabi ni Mama. Magkakilala sila?

"Ma, kilala mo mama niya?"

"Oo naman, mag-best friend kaya kami ni Scar." May halong pagmamayabang na sabi ni Mama.

"Really Tita? So ikaw pala yung laging kinekwento samin ni Mom na best friend niya?" -Nick. Maka-tita naman 'to. Feeling close lang?

"Talaga? Lagi niya akong kinekwento sa inyo?"

"Yes Tita." Tsk pa-cute ampupu.

"Ma, Pa alis na kami. Late na kami eh." Sabi ko.

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon