Chapter 40: She's Back

2.3K 63 7
                                    

Louisse's POV

Nagising ako dahil parang may kumikiliti sa talampakan ko. Ano ba yun? Istorbo naman eh. Umikit ako. Hayy! This is the life! Tulog is life!

Naramdaman kong may tumabi sakin. Baka si Mama. Mahilig kasi tumabi sakin si Mama. Niyakap niya ako mula sa likuran ko. Ang sweet talaga ng Mama ko.

"Good morning baby." Bulong niya sa may tenga ko. Bakit parang iba yung boses ni Mama?

"Morning." Bati ko sa kanya pabalik habang nakapikit pa rin.

"Wake up. May pasok pa." Naramdaman ko yung mainit niyang hininga sa leeg ko.

"Eh! Ayaw ko! Antok pa ako eh." Itinaklob ko sakin yung kumot.

"You'll wake up or I'll kiss you?"

O_______O

What?! Napamulat ako ng di oras. Nilingon ko yung nakayakap sakin. Hala! Si mhine pala to! Akala ko si Mama.

"Mhine?! Anong ginagawa mo dito?" Umupo siya at tumingin sakin.

"Sinusundo ka. Kaya bumangon ka na diyan kung ayaw mong halikan kita." Psh alam ko namang di niya magagawa yan. Alam naman niyang bagong gising lang ako. Kaya bad breath pa ako. Di niya ako kayang halikan.

"Ayaw! Antok pa ko." Hindi ko siya pinansin. Hmp! Bahala siya diyan. Nagulat ako ng biglang pumaibabaw siya sakin. Waah! Ano bang ginagawa niya?

"A-ano bang ginagawa mo d-diyan?" Hala? Bakit ako nauutal?

"Gusto mo ba talagang halikan kita? Huh?"

"Tss! Alam ko namang hindi mo kaya."

"Oh really?"

"Yeah right. Alam ko kasing hindi mo ako hahalikan kasi bad breathe ako. Saka bagong gising-----"

Oh my gracious! Hinalikan niya nga ako!

"See? Kaya kitang halikan kahit bad breathe ka pa. It's not a big deal." Tumayo na siya. He gave me a smirk.

"Bilisan mo na. Hihintayin kita sa baba." Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin yun.

Naiwan naman akong nakatulala at nakahawak sa bibig ko. D-did he really kiss me? Kyaah! Enebenemen yen, neheheye eke hahaha! Tumayo na ako at nagpuntang Cr.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Nadatnan ko naman na nagbabasa ng dyaryo si mhine habang umiinom ng kape. Kung hindi siya naka-uniform ngayon, para siyang asawa ko na hinihintay ako sa pagbaba. Eiiiii! Bakit ko ba yun naisip? >////<

Umupo ako at nagsimula ng kumain. Tapos na siguro siyang kumain, nainom na ng kape eh. Tahimik akong kumain. Eh ano naman kasing sasabihin ko sa kanya diba?

"Ehem. Alis na tayo." Sabi ko sa kanya. Ibinaba niya yung dyaryo at tumayo. Nagtaka naman ako, bakit siya papunta sakin? Bigla-bigla nalang niya akong niyakap.

"Are you mad at me?" Tanong niya habang isinisiksik ang ulo niya sa leeg ko. Hihihi nakikiliti ako.

"Ha? B-bakit naman?"

"Because I steal a kiss from you." Ramdam ko ng guilt sa boses niya.

"Nuka ba! Ok lang yun." Syempre ok na ok. Gustong-gusto ko nga eh. Hahaha! Jowk!

"Really? So pag hinalikan kita ulit ngayon, ok lang sayo?" Mayroon siyang pilyong ngiti.

"No way! Ayoko nga. Nakaisa ka na nga kanina eh." Natawa naman siya.

"Let's go." Magkahawak kamay kaming umalis ng bahay.

Pagdating sa school ay maraming bulong-bulongan. Pinag-uusapan nila yung tungkol dun sa babaeng transferee.

"Dre, alam mo ba na may transferee daw?" Boy 1

"Hindi eh. Sino daw?" Boy 2

"Hindi ko alam pangalan eh. Pero rinig ko maganda daw eh." Boy 1

"Chicks yan Dre!" Boy 2

Rinig kong usapan ng dalawang lalaki. Hmm? Sino kaya ang babaeng transferee? Sana maging kaibigan ko siya.

Pagdating namin sa room ay yung transferee pa rin ang pinag-uusapan nila. Kahit nga sila Hannah eh.

"Class quite. Nandito na yung transferee. Ms. Smith come in." Sabi ni ma'am. May pumasok na babae. Waah! Ang ganda nga niya! Teka, parang siya yung babaeng nakabangga ko sa mall. Tama! Siya nga!

"Hello! I'm Catalina Aubrey Smith. Nice to meet you guys!" Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. Ang boys naman, napatulala nalang. Kasama si mhine. Hala? Bakit natulala si mhine? Nagandahan ba siya kay Aubrey? Tapos nakita kong kumindat siya kay mhine, teka Kay mhine nga ba?

Pagkatapos nun ay umupo na si Aubrey. Buong klase ay tahimik lang si mhine. Bagay na pinagtataka ko. Para kasing ang lalim ng iniisip niya.

Recess na. Nasa canteen kami ngayon, kumakain. As usual, ang iingay nanaman nila. Pero kapansin-pansin ang pagkatahimik ni mhine. Dati kasi lagi niya akong nilalambing, ngayon, parang wala na siyang pakialam sa paligid niya.

"Uy, anyare diyan mhine mo?" Pag-iintriga sakin ni Jhoanna.

"Di ko nga alam eh. Kanina pa yan, simula ng makita niya si Aubrey."

"Hala ka! Baka nagandahan na Yan kay Aubrey." - Mae.

"Hindi naman siguro."

"Anong hindi? Eh hindi nga man lang niya naririnig na siya yung pinag-uusapan natin eh." - Amethyst. Napatingin naman ako kay mhine. Oo nga, masyadong malalim yung iniisip niya para hindi niya mapansin ang paligid niya.

"Hay naku! Nilalason niyo lang utak ko eh." Nagsitawanan naman sila.

"Excuse me." Tapos tumayo siya at umalis. San kaya pupunta si mhine? Ni hindi man lang siya nagpaalam sakin. May tinatago ba siya? Baka nga totoo yung sinasabi nila Amethyst. Baka nagandahan nga talaga siya kay Aubrey. Hala! Baka hiwalayan niya ako. Huhuhu!

"Wag mo masyadong isipin yung sinabi namin kanina. Joke lang yun." Bulong sakin ni Hannah. Iwinaksi ko na sa isipan ko yung ideyang yun. Bakipagkwentuhan nalang ako sa kanila.

Naramdaman ko na kailangan kong pumunta ng Cr. Kaya umalis muna ako dun at nagtungong Cr. After kong gawin ang kailangan kong gawin, ay inayos ko muna ang sarili ko. Nung makuntento na ako sa itsura ko, lumabas na ako ng Cr.

Naglalakad ako sa hallway nv may narinig akong nag-uusap. Sa may abandonadong room. At dahil sa tsismosa ako, nakinig ako sa usapan nila.

"I still love you babe. Mahal pa rin kita hanggang ngayon." Katahimikan. Wala nang nagsalita after nun. Kaya nag-decide na akong silipin sila.

O______O

S-si mhine at A-aubrey, naghahalikan. So si Aubrey pala ang pinuntahan niya? Pero bakit kailangan pa nilang maghalikan? <///3 O-ouch naman. Ang sakit sa puso.





----------------------------------------------------------



~ Ms. Sandoval

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon