Chapter 37: The Promise Ring

2.4K 70 1
                                    

Louisse's POV

Nandito kami ngayon ni mhine sa mall. Diba kapalit ng pagtulong niya sakin kahapon ay date? Kaya ayan, nasa mall kami ngayon.

"Mhine arcade tayo!" Yes! Arcade! Sinimulan ko nang laruin ang mga games dun. Hanggang sa isa nalang any hindi ko pa nalalaro. Basketball! Hinila ko si mhine papunta dun.

"Mhine laro tayo. Ang panalo may prize."

"Ano naman ang prize?" Tanong niya habang nakataas ang kilay. Hmm, ano bang pwede?

"Iti-treat kita. Ano, deal?"

"No deal. Ang pangit ng prize mo eh." Aba't! Ang arte ah!

"Eh ano bang gusto mo?" Ok lang yan, alam ko naman na matatalo ko siya eh. Ako pa! Ang galing ko kaya!

"Kiss. Gusto ko kapag ako nanalo, i-kiss mo ako sa lips. Ano, deal?"

"Deal!" Mabilis kong sagot. Diba nga sabi ko kanina, kampante akong ako ang mananalo. Bwahahaha!

At nagsimula na ang laban. Huh! Ang galing ko! Walang mintis ang mga tira ko. Sabi ko na nga ba eh, ako na talaga ang panalo.

*BUZZ!*

Tapos na. Naka 58 points ako. Wooo! Ang galing ko talaga! Hahahaha! Tinignan ko kung ilan ang score ni mhine.

O_____O ----------> -_____-

What the! Halimaw siya! Ang laki ng score! 126! Takteng Yan! Akala ko pa naman ako na ang panalo. Pero hindi! Lesson for today, wag umasa. Uwaaah! T_____T

"Pano ba yan, ako ang panalo. Kiss ko?" Ang walang hiya ngumuso pa! Di bale na, gusto ko rin naman eh. Ay! Talande! Haha!

Inilapit ko yung mukha ko sa mukha niya. Ito namang si mhine, may papikit-pikit pang nalalaman. Feel na feel ng loko. At ayun nga, kiniss ko siya pero smack lang.

Pagkatapos nun ay ngumiti siya ng pagkalapad-lapad. May pagka-abno pala tong si mhine? Di ako na-inform.

"Gusto mo manood ng sine?" Nakangising tanong niya.

"Aba! Na-kiss lang, nag-aya ng mag-sine."

"Of course. Yan ang epekto ng kiss mo sakin. Mas lalo akong na-in love sayo." Harujusko! Kumindat pa.

Wala na akong nagawa ng hilahin niya ako papuntang sinehan. Nagtalo pa kami kung ano yung panonoorin namin. Pano ba naman kasi, gusto niya horror pero gusto ko action.

"Action nalang kasi mhine!"

"Horror nga Sabi!"

"Bakit ba kasi gusto mo yang horror na yan ha?"

"Kasi kapag horror, makaka-chansing ako sa'yo."

"Ang pervert mo!"

"Sayo lang ako pervert mhine, sayo lang."

"Heh!"

At dahil sa hindi kami magkasundo, nauwi kami sa romance. Ayan tuloy umiyak ako. Nakakalungkot kasi eh.

"Huhuhu! Bakit namatay yung bidang boy?"

"Ganun talaga mhine. Hindi palaging nangyayari ang gusto natin."

"Pero kawawa naman yung girl! Uwaaah!"

"Wala na tayong magagawa dun mhine, sabi ni direk eh."

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon