Chapter 27: Confession

3.2K 96 6
                                    

Louisse's POV

"Ok, class dismiss." Sabi ni ma'am atsaka umalis. Hayy kapagod. Napuyat ako kagabi. Grabe, sobrang na-touch ako sa ginawa nila kahapon. It was such an effort.

Kaya pala sila busy kahapon dahil pinag-uusapan nila kung paano nila ako isu-surprise. Akala ko talaga nakalimutan nila yung birthday ko eh. Tapos kasabwat rin pala nila si Nick. Kaya pala kung saan-saan niya ako dinala kahapon.

Ang saya-saya namin kahapon. Kasama rin namin sila Mama at Papa. Hindi ko mapaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Na-appreciate ko talaga yung ginawa nila. I'm so happy that they're part of my life.

"What's on your mind, Kaceline?" Biglang tanong ni Nick sakin. Isa pa to. Hindi pa rin ako naka-get over dun sa perfect thingy niya kagabi.

"Wala." Sagot ko at nag-iwas ng tingin. Hinawakan niya ang balikat ko at ihinarap sa kanya.

"Tell me, what is it?" Haist kulit.

"Naalala ko lang yung mga nangyari kagabi. Naisip ko rin kung gaano ako kaswerte sa inyo." Sagot ko sa kanya.

"Ehem. Maswerte ka talaga kasi meron kang gwapong katulad ko." Sabi niya at may malaking ngiti say bibig niya na parang sinasabing 'ang gwapo ko talaga'. Lately, napapansin kong parang nag-iiba na siya. Nagiging madaldal na.

"Ay! Bakit ang hangin dito? Ang lakas ah! Wooo!" Tapos nag-action ako na parang nililipad.

"Line, grabe ka sakin ah. Gwapo naman ako eh." Sabi niya habang naka-pout. Ayan pa, ginawan niya pa ako ng nick name. Tapos ang hilig niya pa mag-pout. He's being childish! I think I'm seeing his childish side.

"Sorry Nick pero masama magsinungaling eh. Hahaha!" Yung mukha niya parang pinagsukluban ng langit at lupa. Bagsak ang balikat niya at naka-pout pa rin. Waah! He's so cute! Kinurot ko ang pisnge niya.

"Ouch! Mashakit Line! Shtop!"

"Hihihi! Ang cute mo!" Tsaka ko lang binitawan yung pisnge niya. Hala! Namula hihi. Nang lingunin ko siya ay seryoso na ang mukha niya. Hala! Nagalit yata siya sakin! Lagot!

"Line, I have something to tell you." Sabi niya habang nakatingin sa malayo.

"Ano yun?" Hindi siya mapakali. Parang nagtatalo yung isip niya kung sasabihin niya ba sakin o hindi. Maya-maya lang ay bumuntong-hininga siya.

"Magkita tayo mamayang uwian. Ite-text ko nalang kung saan."

"Ano ba kasing sasabihin mo?"

"Wala. May ibibigay nga pala ako sa'yo." Sabi niya saka may kinuha sa bulsa niya.

O______O

Waah! Kwintas! Ang cute! Pero bakit pakpak angel? (Yung itsura po ng kwintas  nasa taas )  Isinuot niya iyon sakin. Pagkatapos ay hinawakan niya ito at tinignan ako sa mata.

"Alam mo ba kung bakit angel ang pendant niyan?"

"Bakit?"

"Because you're my angel. You're my light. Para kang anghel na bumaba galing langit para sakin. Dahil simula ng makita kita, nagkaroon ng kulay ang madilim kong buhay. Argh! Why am I saying this? Basta ganun. You're my one and only angel. No one can replace you." Sabi niya ng hindi nag-iiwas ng tingin sakin. Ramdam ko yung pagka-sincere niya.

Ayiee! Kinikilig ako! ^_____^ Enebenemen yen. Kenekeleg eke. Haha! Pabebe much!

"Ang cheesy mo!" Pagbibiro ko sa kaniya. Nag-buntong hininga siya at tumayo.

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon