Chapter 39: Sweet

2.1K 60 5
                                    

Louisse's POV

Nakakainis! Ang sarap niyang ilibing ng buhay! Grrr! Buset! Pagbuhulin ko silang dalawa eh. Sumusobra na yung lalaking yon ah! Kahapon pa siya! Pano ba naman kasi, nag-post si mhine sa fb niya ng picture nilang dalawa nung babae niya. Tapos may caption pa.

' How I miss this girl! Thank God we met again :) '

Grrr! At tinag niya pa yung babaeng yun! Zelaine huh?

"Let's just say that yung taong pinakamahalagang tao sa kanya ay bumalik na. You know? Yung taong dapat na nasa posisyon mo ngayon."

Bigla ko namang naalala yung sinabi sakin nung babae sa mall. Hindi kaya si Zelaine yung tinutukoy niya? Yung taong pinakamahalaga kay mhine? At yung dapat na nasa posisyon ko ngayon? Ibig sabihin kung hindi ako nakilala ni mhine, si Zelaine na yung girlfriend niya ngayon. Hala! Baka pagdating ng panahon, iwan ako ni mhine kasi na-realize niyang, mas mahal niya si Zelaine kesa sakin. Huhuhu! Kawawa naman pala ako kapag nagkataon.

Naistorbo ako sa pg-iisip ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Agad naman akong tumayo para tignan kung sino ito.

"Surprise!" Sabay-sabay nilang Sabi. Hala! Nandito sila Hannah, Jhoanna, Amethyst, Mae at Kyla.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila.

"Ano pa ba, edi binibisita ka!" Malakas na sigaw ni Mae.

"Weh, di nga?"

"Oo nga! Alam mo naman na mahal ka namin eh." - Jhoanna.

"Ayiee!" Haha nakakatuwa naman sila.

"Wag kang tumawa kung hindi ka masaya." Sabi ni Hannah.

"Ha?"

"Hay nako, wag ka ng magpanggap pa." - Amethyst.

"Yeah right. Nandito kami oh. Handa kaming makinig." - Kyla. Awww na-touch naman ako sa kanila. Pumunta pa talaga sila dito para lang i-comfort ako. Huminga ako ng malalim.

"Nakakainis kasi si mhine eh. Basta-basta nalang siyang hindi namamansin tapos makita-kita ko nalang, may ka-date na pala siyang iba. Tapos siya pa may ganang magalit. Grrr! Nakakabanas!"

"Ahhh. Kaya pala. Kilala mo ba kung sino yung babaeng kasama niya kahapon?" - Hannah.

"Oo. Si Zelaine." Taas-noong Sabi ko sa kanila.

"Bukod don?" - Kyla.

"Ano..... Siya yung..... Ano...... Di ko alam."

"Oh, tignan mo. Pangalan lang naman pala alam mo sa kanya eh." - Jhoanna.

"Pero, nag-date sila! Pinost pa nga ni mhine eh."

"Sus! Parang yun lang eh." - Mae.

"Kahit na!"

"Hay nako. Try niyo kayang mag-usap. Hindi yan maayos hangga't di kayo nagkakaintindihan." - Amethyst.

"Tingin niyo?"

"Oo naman!" Sabay-sabay nilang sabi.

"Sige. Sabi niyo eh. Sa Monday kakausapin ko siya."

"Guys wait lang ha, CR muna ako." Paalam ni Hannah. Nagsitanguan naman kami.

"Uhm Louisse? May dress ka ba diyan?" Tanong ni Amethyst. Ha? Aanhin naman niya ang dress?

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon