Chapter 36: New Love story?

2.3K 66 1
                                    

Louisse's POV

"Baby sige na, pumayag ka na." - Mark

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mo akong tatawaging baby! Di na ako bata!" - Kyla

"Eh anong gusto mo? Honey, love, sweetheart, sweety? O di kaya mhine din katulad kila Louisse." - Mark

"Wala! Pwede ba, tantanan mo na ako!" - Kyla

"Saka lang kita tatantanan kapag pumayag ka na." - Mark

"Aish! Oo na! Ito na nga oh!" - Kyla. At umalis na silang dalawa. I wonder kung saan sila pupunta. Kanina pa nga yang dalawang yan eh, nagbabangayan.

Kung tinatanong niyo kung nasan kami? Nandito kami ngayon sa may garden. Kami nina mhine at yung mga kambal. Kung nagtataka kayo kung nasan yung anim? Ayun say room, gumagawa ng assignment. Ayan kasi, hindi gumagawa ng assignment. Napatingin naman ako dun sa kabila. Si Mae at Kenneth Ang nandun.

"Pst!" Pangungulit ni Mae kay Kenneth.

"Uy! *poke poke* Yohoo!" Haha ang kulit lang ni Mae. Ito namang si Kenneth walang pakialam porket nakaheadset eh.

"Ken, pansinin mo naman ako." Tapos sinundot-sundot pa niya yung tagiliran ni Kenneth. Bigla naman siyang nagising.

"ANO BA?!" Nagulat ako sa ginawang pagsigaw ni Kenneth. Ganun din ang reaksyon ni Mae.

"Ganyan talaga yang si Kenneth. Ayaw na ayaw niya na naiistorbo siya sa pagtulog." Bulong sakin ni mhine. Ahh kaya pala ganyan siya kung makasigaw.

"Pwede share tayo ng headset?" Bilib talaga ako sa lakas ng loob ni Mae. Hindi siya nagpatinag sa pagsigaw ni Kenneth.

"What?! Ginising mo ako dahil lang diyan?!" - Kenneth.

"Sige na please! Pretty please!" Tapos nag-pout at nag-puppy eyes pa si Mae. Ang cute naman niya! Samantalang nagulat naman si Kenneth sa ginawa ni Mae. Sus! If I know, nagandahan lang yan kay Mae.

"Aish! Fine!" Sabi ni Kenneth at binigay kay Mae yung isang headset. Omo! Ang sweet nila tignan.

"Mhine tignan mo oh, ang sweet nila." Sabi ko sa katabi ko. Napatingin naman siya sakin.

"Bakit mhine, gusto mo ganyan din tayo?" Sabi niya saka niya ako niyakap.

"At kelan ka pa naging clingy ha?"

"Bakit, ayaw mo ba?" Tapos kumalas siya sa yakap. Anla! Nagtatampo mhine ko!

"Hindi naman sa ganun."

"Wala, sa ganun yun. Grabe ka mhine, naglalambing na nga yung tao eh." Nag-pout pa siya. Waah! Ang cute! Sarap halikan! Aha! Alam ko na ang gagawin ko para di na siya magtampo sakin. Kiniss ko siya. Syempre nagulat siya.

"B-bakit mo ako hinalikan sa....... Cheeks?" Akala niyo sa lips noh? Haha! Sa susunod nalang char!

"Bakit, masama bang haliakan ko ang boyfriend ko?"

"Hindi naman sa ganun."

"Wala, sa ganun yun. Grabe ka naman mhine, naglalambing na nga yung tao eh." Ginaya ko pa yung tono ng pagkakasabi niya kanina.

"Madaya ka mhine! Gaya-gaya ka! Wala kang originality!" Binelatan ko lang siya. Wala eh, asar talo siya.

"Uy! Tama na lampungan diyan, balik na tayo sa room." Biglang sulpot ni Kenneth. Agad naman na kaming bumalik sa room.

*****

"Sige na mhine! Pumayag ka na!"

"Ayoko nga." Bakit ba kasi ayaw pumayag ni mhine? Hindi naman mahirap yung pinagagawa ko ah.

"Mhine naman! Sige na. Pretty please!" At nag-puppy eyes ako. Sana tumalab ka. Umiling naman siya at patuloy na kumain. Nasa canteen kasi kami ngayon.

"Sige na mhine. Ano bang gusto mong kapalit?" Napatigil siya sa pagkain at tumingin sakin.

"Talaga?"

"Oo, pramis!" Tinaas ko pa ang kanang kamay ko para effective.

"Sige, pagkatapos kong gawin yung pinagagawa mo, magde-date tayo." Hmm di na masama.

"Ok sige, game!" Yes! Sigurado na akong matutupad ang plano ko. Bwahahaha!

Wanna know what my plan is? Magiging Cupid muna ako ngayon! I have this feeling kasi na may crush sa isa't-isa yung mga kambal. Pano ko nalaman? Madali lang yan! Kung pano nila titigan yung bawat isa. Yung parang may pagnanasa haha joki joki! Basta, kailangan magkatuluyan sila.

Maya-maya pa ay nagsidatingan na yung anim at yung mga kambal.

"Uwaaah! Huhuhu!" Ngawa nila Hannah, Jhoanna, at Amethyst. Luh! Problema ng mga to?

"Hala! Bakit? Anyare sa inyo?"

"Kasi magiging exchange students kami no Joaqin sa Santa Isabelle Academy! Ayaw ko siya kasama! Uwaaah!" - Hannah.

"Ako naman wala na yung ano ko! Uwaaah!" - Amethyst. Anong 'ano'?

"Whut? Anong 'ano' yang pinagsasabi mo?" - Mae.

"Yung first kiss ko! Huhuhu! Wala na!" - Amethyst. Awww kawawa naman si Amethyst.

Binalingan naman namin si Jhoanna.

"Ikaw? Ano namang nginangawa mo diyan?" Tanong ko kay Jhoanna.

"Wala. Nakikigaya lamg hahaha." Usbiabsjkkshziab! Sarap batukan ng babaitang to eh!

Ayun! Binatukan nila isa-isa. Haha! I'm sure Magkakabukol yang si Jhoanna.

"Hahahaha!" Tawa naming lahat maliban kay Jhoanna. Mukha kasi siyang basang sisiw. Hahaha! Nakakatawa!

*****

Kasalukuyan kaming nasa tapat ng computer lab. Inaabangan namin na pumasok sa loob si Mae. Ayan na! Pupunta na siya sa loob. Yes! Pumasok siya. Hindi niya alam, nasa loob si Kenneth.

Agad naming ni-lock ang pintuan. Bwahahaha! Diyan sila magdamag.

"Halika mhine, dun na tayo sa science lab." Hinila ko na si mhine papuntang science lab. Sakto naman pagdating namin, papasok na si Mark sa loob. Yes! Perfect timing!

Agad ko itong ni-lock. Enjoy kaya diyan.

"Bwahahaha!" Tawa ko. Dahil sa wakas ay nagtagumpay ako sa plano ko.

"Alam mo, para kang baliw katatawa diyan." Komento ni mhine. Hindi ko siya pinansin. Busy ako sa kapupuri sa sarili ko. Napansin ko naman na parang natulala si mhine. May tinititigan siya dun sa pader.

Nang tignan ko ito ay may nakita akong babae. Nakamaskara siya kaya kalahati lang ng mukha niya ang nakikita ko. Pero kitang-kita ko ang pag-smirk niya sakin. Luh? Problema nun?





------------------------------------------------------


A/N: sarreh po Kung ngayon Lang ako nakapag-ud. Nawalan po Kasi kami ng internet. Anyways Ayan na po siya. Enjoy po kayo ....:)

~ Ms. Sandoval



Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon