Chapter 59: Province (Part 1)

1.9K 52 3
                                    

Louisse's POV

Waah! I can't believe it! I'm so excited! Weeeeeeee! Babalik kami sa probinsya namin! Sa Masbate! Yun yung province ni Mama. Dun siya lumaki.

I'm so excited! Matagal-tagal na rin nung huling dalaw namin dun eh. Pero mas masaya ngayon kasi kasama ang barkada. Diba? Ang saya nun!

I'm sure, mag-eenjoy sila dun. Ang ganda kaya dun.

By the way, nasa van na kami ngayon. On the way na kami sa probinsya. Ang ingay nga nila eh. Para tuloy kaming nagpa-party dito sa loob ng sasakyan eh.

"Mhine, gusto mo ng tubig?" Alok sakin ni mhine.


"Pandak, juice gusto mo?" Sabi ni Jake. Alam niyo, kanina pa yung dalawa na yan. Kung ano-ano ang pinag-aalok sakin. Ano bang problema ng mga to?

"Ah wag na. Di naman ako nauuhaw." Sabi ko sa kanila. Baka kasi pag may isa akong tunaggap, ay may isang magalit. Kaya mas okay na yung wala akong tanggapin.


---------------

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami. Wohoooo! Masbate, here we come! Hihihi.

"Mhine, wag ka ngang masyadong magtatatalon. Baka madulas ka." Saka inalalayan niya ako. Yieeeeee! Concern siya sakin! ^____^

Doon kami tumuloy sa bahay namin sa probinsya. Malaki naman yun kaya kasya kaming barkada.

Si Jake naman ay may sariling kwarto dito. Dati kasi, pagumuuwi ako dito ay kasama ko silang dalawa ni Francis. Dito rin kami tumutuloy. Tuwing bakasyon kasi ay umuuwi kami dito. Hanggang sa namatay si Francis at pumunta sa ibang bansa si Jake.

Simula nun ay hindi na ako bumalik dito. Dahil sa tuwing babalik ako dito ay naaalala ko lang si Francis. Nung kumpleto pa kami. Nung buhay pa siya. At nung masaya pa kaming magkakaibigan.

"Namiss ko to!" Biglang sulpot ni Jake sa tabi ko.

"Oo nga eh. Naalala ko pa na madalas tayong maghabulan dito sa sala." Natawa ako ng maaalala yun.

"Hahahaha. Ikaw laging taya nun eh." Oo nga. Hindi ko nga sila mahabol-habol eh.

"Eh ang bilis niyo kayang tumakbo! Hindi ko tuloy kayo mataya."

"Hahahaha. Gusto mo laro tayo? Ikaw taya. Tignan natin kung mahabol mo ako." Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumakbo na siya. Kaya wala na akong nagawa kundi ang habulin siya. Isa pa, namiss ko din to eh.


Naghahabulan pa rin kami. Nakakainis nga eh! Hindi ko siya maabutan. Ang hahaba kasi ng biyas eh. Tsk! Madaya talaga!


Hanggang sa nahawakan ko yung damit niya. Huh! Nahuli ko din siya! Bwahahahaha!

Kaya lang ay kiniliti niya ako. Hindi niya ako tinigilan. Kaya naman ay napahiga na ako sa sahig.

"Hahaha! Jake! Hahaha! Tama na! Hahaha! Please! Hahahahahaha!" Imbes na sundin ako at nagpatuloy lang siya sa pagkiliti sakin.

Hanggang sa may tumikhim sa likod namin. Pagtingin ko ay si mhine pala yun. Agad kaming tumayo mula sa sahig.

"Kakain na." Sabi niya atsaka umalis.

Nagkatinginan kami ni Jake. Maya-maya pa ay napailing nalang siya. Napakunot ako ng noo. Anong ibig sabihin ng pag-iling niya?

"Halika na. Gutom na ako eh." Hinila niya ako papuntang kusina. Nagpatianod nalang ako. Galit kaya si mhine?

Pagdating namin sa kusina ay kompleto na sila dun. Mukhang kami nalang ang hinihintay nila.


Umupo na ako. Napapagitnaan ako ni mhine at Jake. Nagsimula na kaming kumain. Pinaglagyan ako ng kanin ni mhine. Tapos ay nilagyan ako ng ulam ni Jake. Nagkatitigan pa yung dalawa. Nakakunot ang noo ni mhine samantalang ay nakangisi naman si Jake. Luh? Di nanaman siguro nakainom ng gamot si Jake huehuehue.



"Alam niyo, hindi naman baldado yang si Louisse, kaya naman niyang kumuha ng sarili niyang pagkain." Sabi ni Hannah. Napansin niya pala. Napataas ng kilay si mhine.





"Boyfriend niya ako kaya obligasyon ko na alagaan siya." Sabi ni mhine. Nagkibit balikat nalang si Hannah.





Ewan ko sa inyo. Kakain nalang ako dito mwehehehe. Bahala kayo diyan, gutom na ako eh.




Matiwasay kaming nakakain. Hindi na sila nagsalita pa pagkatapos nun.




Nagpaalam si Jake na magpapahinga muna siya sa kwarto niya. Kaya kaming dalawa nalang ni mhine ang naiwan dito. Yung barkada naman ayun, naglibot-libot na.





Agad ko namang nilapitan si mhine. Feeling ko kasi nagalit siya sakin eh.




"Galit ka mhine?" Umiling lang siya. Lah? Napipi na ba si mhine? Holooooo! OoO Hindi na siya nakakapagsalita! Waah! Baket?!



"Mhine! Try mo ngang magsalita! Please! Baka sakaling may himala!" Tapos ay inalog-alog ko siya.




"What are you talking about?" Nagtatakang tanong niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Phew! Buti nalang! Kasi pag nagkataon, hindi niya masasabi yung vow niya sa kasal namin. No waaaaaaaay!





"Wooooo! Akala ko napipi ka na eh."




"Tsk." Tanging sabi niya saka nagpunta sa lababo. Akala ko kung anong gagawin niya, maghuhugas lang pala. Ngumiti nalang ako saka siya niyakap galing sa likod. Ang sipag naman ng boyfriend kowww.




"Mhine?" Sabi ko at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.





"Hmm?"



"Galit ka?" Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.




"Napa-isip lang kasi ako. Ganon pala kayo ka-close? Siguro kilalang-kilala niyo na ang isa't-isa. Hindi ko maiwasan na hindi magselos. Kasi siya, simula pa noon kasama mo na siya. Nasaksihan niya lahat ng mga nangyari sa buhay mo. Samantalang ako, wala pa sa kalahati. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan mo noon. Feeling ko tuloy napakawalang kwenta kong boyfriend." Napangiti ako sa sinabi niya.




"Hindi mo naman kailangan magselos kay Jake eh. Magkaibigan lang kami at hindi na hihigit pa don. At about diyan sa mga pangyayari sa buhay ko? Don't worry, masasaksihan mo ang lahat ng mangyayari sa buhay ko for the rest of my life." Nilingon ko siya na nakatingin na rin pala sakin. Ngumiti siya.




"Thank you and I love you."





"I love you too." I said and then kiss him.










--------------------------------------------------------



~ Ms. Sandoval

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon