Chapter 31: Officially Yours

2.7K 115 12
                                    

Louisse's POV

Nakakalungkot naman pala yung nakaraan ni Nick. Grabe yung Aubrey na yun! Ipinagpalit pa niya si Nick! Hindi niya ba alam na hindi dapat sinasaktan ang mga katulad ni Nick? Napakalaking pagkakamali ng ginawa niya.

At sa best friend pa niya talaga! Jusko! Kaya pala ayaw akong palapitin ni Nick Kay Ian eh. Pero sa tingin ko, mabait naman siya. Di ko lang Alam Kung bakit niya niloko Ang best friend niya. Hayy ang pag-ibig nga naman. Kayang gumawa ng masama Ang mga tao ng dahil diyan.

"Grabe naman yang si Aubrey! Sa lahat naman ng pwedeng ipalit sa'yo, best friend mo pa." Komento ko sa kanya. Alam kong nasasaktan parin siya, base sa pagkaka-kwento niya. At alam kong balang araw, kaya niya na yang ikwento say iba ng Hindi nasasaktan.

"Yeah right. Pareho ko silang pinagkatiwalaan. Pero sa huli, lolokohin lang pala nila ako." Malungkot niyang sabi. Alam Kong masakit na mawalan ng best friend at girlfriend ng sabay. Pero wala na tayong magagawa, nangyari na eh.

"Kung Alam lang sana natin na sasaktan lang din naman pala nila tayo, edi sana sa simula palang iniwasan na natin sila."

"Tama na Yan. Wala na tayong magagawa Kasi tapos na. Kalimutan nalang natin." Sabi pa niya. Mahirap kayang makalimot. Lalo na kung malalim yung sugat na natamo mo. Madaling sabihin, mahirap gawin.

"Yeah right." Sagot ko. Wala na akong masabi eh. Tumayo siya at pinagpagan ang pantalon niya tapos nilahad niya yung kamay niya sakin.

"Let's go, alis na tayo dito." Sabi niya saka ngumiti. Ngiting nagsasabi na okay Lang siya. Napangiti na rin ako. Nakakahawa siya eh. Tinanggap ko yung kamay niya saka tumayo.

"San tayo pupunta?" Tanong ko habang pinapagpagan ang damit ko. Nginisihan niya Lang ako.

"You'll know it soon."

"Tsk! Pa-suspense pa eh." Tumawa Lang siya. Ngayo ko lang napansin na gabi na pala. Ganun siya katagal nag-kwento? Naglakad na kami pabalik sa kotse niya. Agad naman kaming pumasok dun at umalis.

Buong byahe ay tahimik lang kami. Napapa-isip talaga ako kung bakit nila nagawa yun kay Nick. Pano nila na-atim na gawin yun?

Bigla ko nalang naalala si Francis. Nami-miss ko na siya. Miss ko na yung paglalaro namin, Yung pagbibiruan namin, at Yung pagtutulungan nila no Jake para lang asarin ako. Speaking of Jake, nasan na nga pala yung mokong na yun? Di na nagpaparamdam eh.

"Hey, what are you thinking?" Tanong sakin ni Nick.

"Wala naman."

"Tell me, Sino yang iniisip mo? Lalaki ba?" Batawa naman ako sa sinabi niya. Gustong-gusto ko talaga kapag nagiging possessive siya sakin hihi.

"Bakit, selos ka?"

"Pano Kung sabihin ko sayong, oo?" Nagulat ako sa sagot niya. Kadalasan kasi kapag inaasar ko siya, tatanggi siya.

"Ano, magseselos ka sa patay?" Totoo naman diba? Si Francis lang naman yung iniisip ko eh.

"So, you're thinking Francis?" Alam na niya yung tungkol kay Francis. Napakilala ko rin siya sa kanya.

"Yeah. Nami-miss ko nga nga siya eh."

"Don't worry, bisitahin natin siya sa susunod." Sabi niya. Tumango nalang ako at tumingin sa labas. Wait, parang familiar sakin itong daan na to.

"Nick, San ba talaga tayo pupunta?" Baka mamaya magtatanan pala kami eh. Di ako ready. Haha charot.

"Basta. Wag ka mag-alala malapit na tayo."

"Hindi ba tayo magtatanan?" Sabi ko. Gulat naman siyang napatingin sakin. Ahm, may mali ba sa sinabi ko? Unless may multo sa tabi ko. Dahan-dahan akong lumingon sa tabi ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang walang multo Doon.

"Bakit mo naman naisip na itatanan kita?"

"Uhm, kasi.... Mahal mo ako? Tsaka ayaw mong sabihin kung San tayo pupunta."

"No need. Because we're already here." Sabi niya sabay tingin sa labas. Napatingin rin ako. Ah! Ito Yung amusement park na pinuntahan namin nung sinurprise namin sila Mama. Dito ko rin nakilala si Pia na kapatid pala ni Nick. At dito Rin Yung first date namin .

"Anong ginagawa natin dito?"

"You will find it out later." Nakangiti niyang Sabi. Guguho na ba yung mundo? Bakit parang napapadalas yung pagngiti niya? Di Kaya...... Oh my! Baka baliw na si Nick! Hala! I have a crazy suitor! Di bale, gwapo naman char!

Lumabas na ako ng kotse at ganun din ang ginawa ni Nick. Nagsimula na kming maglibot-libot. Nilaro din namin yung mga games sa gilid-gilid. At nakakuha ako ng teddy bear! Isang malaking teddy bear! Yiee! Hihihi.

"Nick, pahawak muna si Dylan." Sabi ko Sabay abot sa kanya si Dylan.

"Dylan?"

"Yes. Ayang teddy bear." Dylan ang ipinangalan ko sa teddy bear ko. Ang cute nga eh hihi. Nakita ko naman na ngumiti ng pagkalapad-lapad itong si Nick. Luh! Problema neto? Baliw na yata talaga siya.

"Ferris wheel tayo?" Hmm.. Di na masama.

"Okie dokie." Sagot ko sa kanya.

Nandito na kami ngayon sa tuktok ng Ferris wheel. Ang ganda talaga ng view dito.

"Ahm, princess? Kelan mo ba ako balak sagutin?" Bigla nalang tanong ni Nick. Pano ko ba sasabihin sa kanya na gusto na sana siyang sagutin ngayon?

"Ahm... Ah eh ano----"

*BOOM! WHOOSH! BOOM!*

Waah! Mat fireworks! Shocks! Ang ganda! Iba't-ibang kulay! Ang ganda nilang tignan. Pramis!

Maya-maya ay biglang may lumitaw na mga salita sa langit. Will you be my girlfriend?

"Will you be my girl, Kaceline?" Nagulat ako ng bigla nalang siyang magsalita.

"H-ha?"

"I love you Kaceline, I really do. At gusto ko akin ka lang. I want you to be mine. So I'm asking you again. Will you be my girlfriend?" Oh my gosh! This is it! This is really it! Tumango ako.

"Yes. I want to be your girlfriend. And I'm all yours." Nakangiti kong sabi sa kanya. Bigla naman niya akong niyakap.

"Wooo! Sinagot na niya ako! Sinagot na ako ng babaeng Mahal ko! Yes! Yes!" Sigaw niya at nagtatatatalon pa. Ganun ba siya kasaya na sinagot ko siya?

"Finally! Kaceline Louisse Wilson is now my girlfriend!" Tapos niyakap nanaman niya ako. Nakangiting tinitigan niya ako. Palapit ng palapit yung mukha niya sakin. Oh no! Mukhang alam ko na ang gagawin niya. Waah! Malapit na! Pinikit ko Ang mata ko. Naramdaman ko nalang na may malambot na dumampi sa labi ko. He's kissing me! Oh my gosh! We're kissing! Oxygen please!

"You're officially mine now, Kaceline." Sabi niya pagkatapos niya akong halikan. Shocks lang talaga! Second kiss ko na yun!

"Yes, I'm officially yours."






-----------------------------------------------------

A/N: waah! Happy 7k reads guys!!! Yiee! I'm so happy na umabot sa 7k reads Yung story ko! Weeee! Yun Lang po! Sana po patuloy niyo pang basahin Yung story ko. Saka thank you po sa mga nagco-comment at nagvo-vote :)
Tenkyu po ng marami!!! ^________^

~ Ms. Sandoval



Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon