Chapter 20: I think I'm falling

3.4K 108 10
                                    

Nicholas's POV

Nandito ako ngayon sa garden. Nagmumuni-muni. Iniisip kung ano yung ginawa ko kahapon. Just like what the fvck! Pinsan nya pala yun? Kasi kung titignan mo, para silang couple. Psh couple na masakit sa mata.

Nakita ko na papalapit sa direksyon ko si Kaceline. Ano naman ang ginagawa nyan dito? Nang makalapit siya ay umupo siya sa tabi ko.

"Wuy. Ano ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin. Nagkibit-balikat nalang ako.

"Galit ka ba sakin?"

"Hindi."

"Are you sure?"

"Oo nga."

"Sure na sure?"

"Ba't ba Ang kulit mo?! Umalis ka na nga! Dun ka na sa Renze mo!" Akala ko ay matatakot siya sa sigaw ko, pero hindi. Sa halip ay ngumisi siya sakin.

"Why? Are you jealous?" Sabi niya at unti-unting lumapit sakin.

"Huh! I'm not!" Sabi ko.

"Are you sure you're not jealous?" Tuloy pa rin siya sa paglapit sakin. Ano akala nya papatalo ako? Pwes hindi. This time, ako naman ang lumapit sa kanya. Nagulat naman siya.

"Paano nga kung nagselos ako?" Sige parin ako lapit sa kanya.

"E-edi wow." Sabi pa niya.

"Oh, bakit ka nauutal?" Atsaka mas nilapit ko pa yung mukha ko sa kanya. Yung tipong onti nalang mahahalikan ko na siya.

"H-ha? Hindi a-ah!" Hindi daw, eh rinig na rinig ko naman.

"Are you sure?"

"Oo nga! Kulit mo ah!" Pinitik ko yung noo nya.

"Who told you to shout on me?"

"Siya." Sabay turo dun sa may puno. Nang tignan ko yun at bigla naman siyang tumawa. She's crazy.

"Hahaha! Uto-uto!" Sabi niya at halos mamatay na siya kakatawa. Hindi ko alam pero imbes na magalit ako kasi tinatawanan niya ako, ay natuwa pa ako. Parang ang sarap pakinggan ng tawa niya. Lalo na at ako ang dahilan nun. Parang gusto ko tuloy na ako ang dahilan ng bawat tawa at ngiti niya.

Hinila ko siya papunta sa canteen.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Kakain malamang, alangan naman an mag-aral."

"Ikaw ha! Nasagot ka na!"

"Tsk. Mag-order ka na nga." Utos ko sa kanya. Umupo na ako sa table na napili ko. Pagbalik niya, ang dami niyang dalang pagkain. Kaya nya ba yan ubusin?

Umupo na siya at sinimulang lantakan ang pagkain. Ang ganda niya lang tignan kasi tuwang-tuwa siya habang kumakain. 

Nagulat ako ng bigla niya akong sinubuan.

"Yan! Kumain ka nga." Sabi niya at sinubuan ulit ako.

"Masarap ba?" Tanong nya. Tumango nalang ako. Bukod kasi sa may laman yung bibig ko, ay hindi naman magkanda-mayaw Ang pagtibok nitong puso ko.

"Hindi na ako bata para subuan mo." Sabi ko ng malunok ang pagkain.

"Ayaw mo kasi kumain eh." Sabi niya at nag-pout pa. Argh! That's my weakness. At isa pa ang cute niya pag naka-pout.

"Stop pouting."

"Bakit? Kasi ito weakness mo?" She's right pero syempre di ko aaminin.

"You look like a duck. An ugly duck."

"Oy! Ang bad mo sakin!"

"Tsk. Bilisan mo nang kumain." Sabi ko at nagpatuloy na siyang kumain.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kaming room. Buti nalang wala pa si ma'am.

"Uy! San kayo galing?" Tanong agad ni Amethyst.

"Sa canteen. Kumain lang kami." Sagot sa kaniya ni Kaceline. Bahala na siyang humarap sa kanila. Dumiretso nalang ako sa upuan ko. Pinagmasdan ko si Kaceline na kasalukuyan nakikipag-daldalan sa mga kaibigan niya. Ang cute niya lang tignan kasi may action pa yung kwento niya.

"Ano na bang nangyayari sayo?" Biglang tanong ni Sean na nasa tabi ko.

"Huh? Bakit? Wala naman nagbago sakin ah."

"Marami."

"Like what?"

"Napapansin ko lagi kayong magkasama ni Louisse. Hindi ka na kasing cold gaya ng dati. Dumadaldal ka na rin."

"So anong gusto mong palabasin?"

"Na bumabalik ka na sa dating Nicholas. And it's because of Louisse. I think, you're in love again. For the second time." Nagbago na ba talaga ako? Bumalik na ba ako sa dati?

"So what?"

"I'm just warning you. Baka masaktan ka nanaman."

"That's not going to happen."

"So, in love ka nga." At binigyan niya ako ng mapanuksong tingin.

"I don't know." Hindi ko naman talaga alam. Basta gusto ko, lagi siyang masaya at ako ang dahilan ng tawa at mga ngiti niya. Ayaw ko siyang nakikitang umiiyak o nasasaktan.

"Bilisan mo ang kilos dude. Baka maunahan ka." Napa-isip naman ako dun sa sinabi ni Sean.

Buong araw kong iniisip yung sinabi ni Sean. Paano nga kung may mauna sakin? I don't want that to happen. Ayaw kong makita na may ibang pumoporma sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako makakapayag.

Hindi ko namalayan na uwian na pala. Napansin ko nalang na nag-lalabasan na yung nga estudyante. Napansin kong wala na rin sila Kaceline. Lumapit ako kay Sean para magtanong.

"Si Kaceline?"

"Wala. Nakaalis na kanina pa."

"Ayiee! Bakit mo siya hinahanap?" Singit ni Lucas.

"Bakit, masama bang magtanong?"

"Wushu! Ang sabihin mo lang inlababo ka sa baby Louisse ko." Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Baby Louisse niya?! Huh! She's not even his girl!

"Don't call her baby, di na sya bata. At wag mo siyang angkinin. She's not yours."

"Selos much?" - Lucas.

"Shut up." Sabi ko at umalis na dun. Aasarin lang nila ako dun. Pagdating ko sa bahay, agad akong dumiretso sa kwarto ko.

Bakit ba ako nainis ng angkinin ni Lucas si Kaceline kanina? Kung tutuusin, dapat wala akong pakialam dun. Totoo kaya yung sinabi ni Sean kanina? That I'm in love. Basta ang alam ko, masaya ako na nandyan siya. Kumpleto na araw ko kapag nakakasama ko siya. At ayaw ko na may ibang lalaki na lumalapit sa kanya.

Then I realize something. Just right now. At bigla nalang ako napa-ngiti ng marealize yun. I realize that.....

I think I'm falling ......






----------------------------------------------------



[EDITED]




~ Ms. Sandoval

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon