Chapter 63: Happy Anniversary (Part 1)

1.9K 44 1
                                    

Louisse's POV

Halaaaaaaa. Bakit ganun? Bakit di pa rin ako binabati ni mhine? Anniversary na namin ngayon eh. Busy ba siya? Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Hayy. Miss ko na siya eh.

Oo nga pala, kahapon bumili na ako ng regalo ko para kay mhine. Kasama ko si 'couz. Actually, dapat talaga brief and boxers ang regalo ko eh. Kaso sabi ni 'couz wag daw yun. Gusto niyo bang malaman kung ano yung binili namin ni 'couz? Well, secret muna! Hehe napag-desisyunan ko kasing surprise nalang hihi.


Beep !


Oh, akalain mo nga naman, may nagmamahal pa pala sakin. May nakaalala pang mag-text!


From: Hannah

Louisse, OTW na kami nila Amethyst, Jhoanna, at nang kambal diyan sa bahay niyo. Maghanda ka na ng pagkain ah.


Wow ah. Pagkatapos nilang ilang araw na hindi nagpaparamdam, ngayon bigla-bigla nalang sila pupunta dito? Tapos makikikain pa sila dito! Huwaw naman.


Hindi ko nireplyan si Hannah. Bumaba ako at naghanda ng pagkain. Ano naman kaya ang gagawin nila dito sa bahay?


Hindi nagtagal ay dumating na din sila. At ang mga loka, ayun, diretso sa lamesa. Parang ilang araw hindi sila nakakain dahil sa estado ng paglamon nila ngayon. Oo, lamon talaga. Nag-aagawan pa eh.


"Ano bang nangyari sa inyo at parang ilang araw kayong hindi nakakain ha?" Tanong ko sa kanila. Tumigil naman sa paglamon si Jhoanna at nilunok ang kinakain niya.


"Eh kasi naman halos ilang araw din namin ginawa yung-----" Nagtataka naman akong napatingin kay Amethyst ng takpan niya ang bibig ni Jhoanna.


"Ginawa kasi namin yung projects ng kapatid ko." Sagot niya sakin.



"Ganun? Eh bat di niyo ako sinabihan? Tutulong naman ako eh." Kesa naman sa hindi sila magparamdam diba?


"Eh kasi ayaw naman namin na istorbohin kayong magjowa noh." Sabi ni Marriane.


"Aish. Kahit na. Dapat sinabihan niyo pa din ako. Akala ko tuloy kinuha na kayo ng aliens."


"G*go!" Biglang sigaw ni KM. 


"Hahahaha! Kami? Kinuha ng aliens? No way!" - Jhoanna. Tapos ay nagtawanan sila. Hayy na-miss ko din tong kulitan namin.


Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso kami sa sala.


"So, bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila.


"Nakikain lang kami hehe." - Marriane. Napailing nalang ako. Mga baliw talaga sila. Bigla naman akong may naalala.


"Anniversary namin ngayon ni mhine." Malungkot kong sabi sa kanila.


"Congrats!" Sabay-sabay nilang sabi. Pero napansin yata nila na hindi ako masaya.


"Bakit Louisse? May problema ba?" Tanong sakin ni Hannah. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.


"Si mhine kasi eh. Hindi pa nagpaparamdam. Hindi pa nga niya ako binabati eh."


"Baka naman nakalimutan?" - Jhoanna.


"Kung nakalimutan niya, bakit di man lang siya nagte-text o nagpaparamdam?"


"Baka busy?" - KM.


"Ano naman ang pinagkakaabalahan niya?"


"Hala ka! Baka may babae!" - Amethyst.


0_______0


May babae?! Si mhine?!


"Gaga ka! Tinakot mo pa si Louisse eh!" Sabi naman ni KM.


"T-totoo ba yun? May babae si mhine?" Pinagpalit niya na ba ako? Nanikip ang dibdib ko dahil biglang may lumitaw na isang senaryo sa isip ko. Si mhine, kasama ang ibang babae. Kapwa sila masaya. Parang pinara-piraso ang puso ko dahil dun.



"Hay nako, wag mo nang pansinin ang sinabi nitong si Amethyst. Nagbibiro lang yun." Sabi naman sakin ni Hannah.



"Pero baka meron nga." Maluha-luha kong sabi sa kanya.



"Makinig ka sakin. Nicholas loves you. Tandaan mo yan. Hindi ka niya kayang ipagpalit. Always remember that." Napatango-tango nalang ako sa sinabi ni Amethyst.



Pagkatapos naming magusap-usap ay umalis na din sila dahil may pupuntahan pa daw sila.



Kaya eto nanaman ako, mag-isa nanaman sa bahay. Tiningnan ko ang cellphone ko para tignan kung may text na si mhine pero wala pa rin. Napabuntong hininga nalang ako. Kahit naman sana hindi na niya ako batiin ok lang sakin. Basta nagpaparamdam siya. Hindi yung ganito na wala man lang ni-hi ni-ho. Ano kayang ginagawa niya ngayon? I miss him so much.



Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa saka ipinikit ang mga mata ko.



Maya-maya pa ay nakarinig ako ng kaluskos sa may kusina. Kumunot ang noo ko. May tao ba sa kusina? Agad akong nagtungo dun.



Nang makarating ako ay nagulat ako ng may tatlong lalaki na nakamaskara ang nandun. Sisigaw na sana ako nang may naglagay ng panyo sa may ilong ko.



Pilit akong nagpupumiglas para makawala ako pero bigo ako. Nilukob ng takot ang buo kong pagkatao. Mauulit nanaman ba? Kukuhanin nanaman ba nila ako? Hindi ako makakapayag.



Malakas kong siniko ang tyan ng nagtatakip ng panyo sakin. Dahil dun ay medyo lumuwag ang pagkakahawak niya sakin. Kaya naman ay malakas ko siyang sinipa sa tuhod dahilan para mapaluhod siya. At dahil dun ay nabitawan niya ako. Agad akong tumakbo palayo sa kanya.



Nakita kong lima pala silang lahat. Yung isa ay nakaluhod. Masakit yata ang pagkakasipa ko sa tuhod niya. Sorry kuya ikaw kasi eh. Nangtatakip ka ng panyo.



"Ano bang kailangan niyo sakin? Bakit kayo nandito sa bahay ko?" Hindi nila sinagot ang tanong ko. Pipi ba 'tong mga 'to? Bakit 'di man lang sila nagsasalita?



"Bakit ayaw niyong magsalita? Magnanakaw ba kayo?" Tanong ko ulit sa kanila pero wala pa ring nasagot. Bingi yata 'tong mga 'to eh.



Kailangan kong makaalis dito. Baka mamaya ay makuha na talaga nila ako. Ayoko nang maulit nangyari dati. Kaya naman ay tumakbo ako patungong pintuan. Pero bago ako makarating doon ay may nakakuha na sa akin. Tinakpan niya ako ulit ng panyong yun. Nagpupumiglas ako, baka sakaling makawala sa pangalawang pagkakataon. Pero hinawakan ng iba pa ang mga kamay at paa ko.



"Fvck!" Sabi nung isa nang masipa ko siya. Nagsasalita naman pala sila eh.



Unti-unti akong nawawalan ng lakas para magpumiglas. Bunibigay na din ang talukap ng mga mata ko.



Mhine nasan ka na ba? Kailangan ko ng tulong mo.



Hanggang sa tuluyan na akong nanghina at dumilim ang buong paligid.





-----------------------------------------------

A/N: Hi guyssss ! Hehe Ang tagal ko ding Hindi nakapag-update. Sorry po. Na-busy po Kasi ako. And binago ko po Yung chapter 63. Bale ito na po Yung bago. Enjoy ! :)

~ Ms. Sandoval

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon